Chapter 45

154 3 0
                                    

Third Person POV

Tahimik na pinagmamasdan ni Corby si Wilona habang kumakain sila ng pinadeliver nyang Pizza at Carbonara Pasta. Nasa sala sila at doon piniling pumwesto.

He can't believe na kasabay nya itong kumain ngayon. Parang kailan lang ang huli. Napaka bilis ng pagdaan ng mga araw at para bang hindi taon ang lumipas.

Tila gusto nyang patigilin muna ang pag galaw ng kamay ng orasan para mas makasama nya ng matagal ang dalaga. Kung pwede nga lang.

Pero alam nyang hindi pwedeng magtagal sa bansa ngayon si Wilona. Kahit gusto nyang nasa malapit lang ito ay mas nanaisin nyang nasa ibang bansa ito para mas mapanatag sya sa kaligtasan nito.

Kaya nyang tiisin na nasa malayo ito basta ba alam nyang ligtas ito.

"Kailan ang balik mo ng Boston?", simula at basag nya sa katahimikan.

Nagkibit-balikat lang ito at nagpatuloy sa pagkagat ng Pizza matapos maubos ang pasta.

Kinuha nya ang cup of softdrinks at ininom iyon habang nakatingin pa rin sa dalaga.

"So, hanggang kailan ka rito?", patuloy nyang tanong. Hindi naman sa ayaw nyang nandito ito pero delikado pa kasi.

"Depende", simpleng sagot nito.

"Depende saan?"

"Depende sa pagbalik ni lolo", tinapunan sya nito ng tingin pero agad ding nag bawi.

"Matatagalan pa bago bumalik ang lolo mo...", imporma nya. Hanggat hindi nya nasisiguro ang kaligtasan ay mananatili roon ang matanda.

"Syempre kasi ikaw ang may sabi", sansala ng dalaga. "Ikaw ang nagpadala kay lolo sa Las Vegas kaya ikaw din ang magde-decide kung kailan mo sya pababalikin. Dapat pala ang sinagot ko ay depende...sa'yo", she sarcastically said to him. "Depende kung kailan mo sya pababalikin...", sabay irap kay Corby.

Akala siguro ng binata ay hindi nya malalaman na ito mismo ang nag-udyok sa lolo nya na pansamantalang manatili sa Las Vegas.

"Alam mo ang dahilan kung bakit..."

"Kasi hindi nyo pa nahuhuli ang grupo kaya ayaw mo ring nandito ako sa bansa. Kaya nga panay ang tanong mo kung kailan ang balik ko ng Boston, hindi ba?"

"Ayoko lang nang may hindi magandang mangyari sa'yo habang nandito ka. Ano ba ang mahirap intindihin doon?"

"Ikaw!"

"What me?"

"You're making things more complicated", kumuha ito ng panibagong slice ng pizza at muling kinagatan iyon.

"I'm not. I'm just keeping you both safe."

"Alam ko na 'yan. Huwag kang mag alala. Aalis din naman ako agad. Ayoko rin namang magtagal dito kasi...ayaw mo", she said in between chewing.

"Ayaw ko lang dahil hindi ko pa natitiyak ang kaligtasan mo. Kapag okay na...hindi mo na kailangang umalis pa ulit", kung alam lang ng dalaga kung gaano kahirap sa parte nya kapag nalalayo ito sa kanya.

Pinagpag ni Wilona ang mga kamay matapos isubo ang huling piraso ng kinakain. Kinuha nito ang softdrinks at uminom bago sya binalingan.

"Kahit maging okay na...aalis pa rin ako", sagot ng dalaga na saglit nyang ikinatigil.

"Why?"

"Kasi wala na rito ang b-buhay ko...nasa Boston na", saad ng dalaga.

"O baka naman dahil nandoon ang boyfriend mo?", agap ni Corby.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon