Chapter 94

114 4 0
                                    

Third Person POV

Si Nessa ay pansamantalang iniwan ni Corby sa pangangalaga ng kambal. Sa bahay muna ng mga ito mananatili ang babae ayon na rin sa napag usapan nila.

Hindi naman nya pwedeng dalhin o isama ito sa kanyang condotel dahil sa wala ring mag aasikaso rito. Mabuti na iyong nasa bahay ito ng kambal dahil pagbalik ni Manang Lupe galing probinsya ay may makakasama naman ito kahit pa umalis ang dalawa.

Si Franzen naman ay nagpadala agad ng mga tauhan sa tinutuluyang bahay nila Dex at Lex para masigurado ang kaligtasan ni Nessa ayon na rin sa abiso ni Corby rito. They need to keep her safe dahil malaki ang maitutulong nito para madakip nila ang pakay.

Hindi akalain ni Corby na mapapadali ang pagiging asset nya nang mismong ang babae na ang kusang lumapit sa kanya. Ang plano lang naman ay makakuha sila ng isa na mula sa loob ng building na may illegal na gawain para makuhanan nila ng impormasyon. Franzen's hired personal investigator suggested to look for this Nessa. Ayon kasi rito ay iyon ang mas madalas na pinalalabas ng building.

Fortunately, ito na mismo ang lumapit kay Corby. No sweat! Hindi na sya nahirapan pa na hagilapin ito. Buti na lang din at hindi nakatunog ang kung sino mang may hawak dito na nagpanggap lang syang isang asset para mapadali ang kanilang plano.

Luck must be on their side!

Bakas man ang takot sa mukha ni Nessa sa gabing iyon dahil sa ito ang unang pagkakataon na hindi na sya babalik pa sa lugar na nagpahirap sa kanya ay pinili nyang labanan iyon. Paniguradong malalagot sya kapag nahanap sya ng taga bantay nya pero katulad ni Corby ay sinigurado sa kanya ng kambal na walang makakapanakit sa kanya habang nasa poder sya ng mga ito.

They assure her that she's safe with them na ikinahinga nya ng maluwag.

Estranghero man sa kanyang paningin ang tatlong binata ay buo nyang ipinagkakatiwala sa mga ito ang buhay at kaligtasan nya.

Hindi nya alam pero ramdam nyang nasa mabuting kamay sya sa mga oras na ito. Kahit na kay tiim palagi ng titig na pinupukol sa kanya ng isa sa kambal na napag alaman nyang Dex ang pangalan ay kampante pa rin naman sya at hindi nakakaramdam ng kung ano man. Hindi sya nababahala.

Dex might not be used to her presence inside their house. Nasanay lang siguro ito na ang kakambal na si Lex at isang kasambahay lang ang nakakasama.

Nakakapanibago nga naman talaga iyon na biglang dadating na lang sya rito. Pero hindi naman sya magtatagal dito. Kapag nahuli na ang may ari ng illegal na pinasukan nya ay aalis na rin sya rito. Malaya na syang makaka balik sa kanila para magsimula ng bago.

***

Isang irap ang pinakawalan ni Dianne kay Lex nang mapansin na nakatitig na naman ito sa kanya. Kung hindi pa nya alam ay pinag iisipan na naman sya nito ng kung ano. Ang tingin kasi nito sa kanya ay isang malaking problema lang. Hmp!

Lagi pa syang sinusungitan. Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw! Magtatanong lang naman sya pero lagi na lang salubong ang kilay sa kanya.

Nakakatakot ito!

Buti pa ang kakambal nitong si Dex ay nakaka usap nya ng maayos pero ito...naku!

Sa talas ng titig nito sa kanya ay parang sinasabi palagi na makuha sya sa tingin.

Kinuha nya ang in-order na Mango Shake na nakalagay sa mataas na baso. Hinalo iyon gamit ang nakalagay na straw doon saka sinipsip. Binalewala nya ang presensya ni Lex sa kanyang harapan.

Dapat ay si Dex ang susundo sa kanya kanina sa mansion nila pero si Lex ang dumating sa kanyang pagtataka. Ayon dito ay may pinuntahan daw ang kakambal kaya ito na lang ang sumundo sa kanya. Ito muna ang sasama sa kanya para kitain nila ngayon si Corby dito sa cafe.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon