Chapter 24

160 3 0
                                    

Third Person POV

Ang cabinet na iyon ay isa palang pintuan na nagsisilbing lagusan pakabilang silid. Hindi mo aakalaing may isang nakatagong silid sa likuran ng malaking salamin.

Agad na pumasok si Corby sa loob na sinundan ni Franzen at ng ilang mga tauhan nito habang ang iba pa ay nakaabang sa may tapat ng pasukan.

Sa loob ay nakita nilang nagkukumpulan ang limang lalake na natitigilan.

No!

Hindi iyon lima base sa alam nyang bilang ng mga ito kanina sa pub kundi anim na bukod pa kay Kelvin.

Tumalim ang mga mata nya nang makilala ang isa sa mga iyon.

Si James.

Wala itong suot na pang itaas na damit at hula nya ay ito mismo ang naghubad sa dalaga at hindi iyong Kelvin.

Ito ang may balak na masama kay Wilona at kinasangkapan lang ang pinsan nito para maisakatuparan ang plano.

Mukhang ang naudlot na balak nitong gawin sa dalaga noong nasa bar ang mga ito ay dito nito itutuloy.

T*ngina!

Mabilis na nilapitan nya si James na bahagyang napaatras nang lapitan nya samantalang ang ibang mga lalake na akmang manlalaban pa ay ang mga tauhan na ni Franzen ang humarap.

Hanggang sa nagkagulo na nang magpumiglas ang mga iyon pero dahil sadyang mas malakas at malaki ang mga katawan ng mga tauhan ng binata ay kay dali para sa mga iyon na hilahin palabas sa nasabing silid ang lima.

Naiwan si Franzen at Corby sa loob kasama si James na ngayon ay bakas ang takot sa mukha nang ma corner ni Corby.

Sinalya nya ito sa pader sabay harang ng gilid ng kanyang braso sa tapat ng leeg nito. "H*yup ka talaga! Hindi ka pa nadala sa pangbubugbog ko sa'yo at umulit ka na namang g*go ka kahit binalaan na kita!", saad nya at halos maglitawan ang mga ugat nya sa braso habang dinidiin iyon sa leeg nito dahilan para mahirapan iyon makahinga.

Napahawak ito sa braso nya upang tanggalin pero nahirapan ito. Sinubukan nitong pumalag pero sinalag nya lang ang isang kamay nito gamit ang kanyang kanang kamay nang tangkang susuntukin sya nito.

Sa galit nya ay nagpakawala sya ng malakas na suntok na tumama sa kaliwang pisngi nito. Natumba iyon sa sahig. Sinundan nya iyon ng pagsipa sa tyan ng lalake na ikinaarko ng katawan nito sa sakit.

Si Franzen ay prenteng sumandal sa pader matapos na may kung anong pindutin sa loob ng suot na black suit. habang pinapanood ang dalawa.

"Anong binabalak nyo kay Wilona? Kayo ng pinsan mo at mga kabarkada nyo?", mabalasik na tanong ni Corby habang naka lapat ang isa nyang paa sa ibabaw ng dibdib nito. "Gang rape?!", bigla nyang naalala ang mga maliliit na tableta na balak nitong ipainom sa dalaga.

Umiling ito habang nakahiga sa sahig at halata ang paghihirap sa mukha. "H-Hindi...a-ako lang, hindi s-sila...kasama", putol-putol na wika nito. Hirap magsalita dahil sa pumutok na labi na ngayon ay nababahiran ng dugo.

"At may balak kang i-record ang gagawin mo sa kanyang kahalayan kaya may hidden cam kang nilagay bukod pa sa mga kabarkada mo na hahayaan mong manood habang nandito sa secret room?", patuloy naman nya nang mapagtagni sa isipan ang plano ng mga ito.

S*x video scandal!

Malamang na gawin nitong panakot sa dalaga ang makukunan ng hidden cam para hindi magsumbong ang dalaga.

They will use it against her, for sure!

Corby's jaw clenched in anger kasabay ng pagdiin lalo ng pagtapak nya sa dibdib ng lalake na halos ikadurog na ng buto nito.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon