Chapter 65

161 6 0
                                    

Third Person POV

Nang balikan ng malay si Wilona bandang alas siyete ng umaga ay bumungad sa kanya ang isang silid na napipinturahan ng kulay puti. Kinurap-kurap pa nya ang mga mata hanggang masanay sa liwanag bago nya nilibot ng tingin ang kinaroroonang silid at tamang nasa isang ospital nga sya.

Pumikit sya at inalala ang nangyari kagabi. Natatandaan nya na may lalakeng humila sa kanya at isinakay sya sa isang kotse habang namimilipit sya sa sobrang sakit.

Bago sya nawalan ng malay ay may narinig syang boses. Si Corby!

Nagmulat sya at agad na hinagilap ng mga mata ang binata hanggang sa napadako ang kanyang tingin sa gilid ng kama kung saan nakayupyop ang ulo ng binata habang nakapatong sa isang braso nito. He's sleeping.

Ngunit napa kunot noo sya nang makita ang benda sa kanang braso nito.

What happened to him?

Iniangat nya ang isang kamay at hinaplos ang may kalaguan nitong buhok. "C-Corby...", paanas nyang tawag sa pangalan nito habang patuloy sa paghaplos.

Bahagyang gumalaw ang ulo nito hanggang sa unti-unting umangat iyon at nang makitang may malay na sya ay para bang biglang nawala ang antok na nakikita nya sa mga mata nito.

Biglang napaayos ito ng upo at agad na kinumusta sya.

She told him that she's feeling okay now.

Tinanong din sya nito kung masakit pa ba ang parte kung saan sya sinuntok.

Saglit syang natigilan doon.

How did he know?

Nang mapansin nito ang pagtatanong sa kanyang mga mata ay agad na nag kwento ito sa kanya kung paano nito nalaman. He also mentioned his friend, Franzen.

Kaya naman pala hindi nya ito mahagilap kahit anong tawag nya ay dahil nasa monitoring room ito kung saan nakabantay ito ng masid sa kanya kasama si Franzen.

Naihaplos nya ang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan. "I'm fine. Hindi na sumasakit...", sagot nya sa tanong nito.

Napadako roon ang mga mata ni Corby. Hinaplos din nito ang tiyan nya. "I'm sorry kung na-late ako ng dating. Hindi mo sana dinanas 'yon", bakas ang pagsisisi sa boses nito.

Umiling sya at hinawakan ang kamay nito na ikinaangat ng tingin nito sa kanya. "It's not your fault. Don't blame yourself", may pang unawang wika ni Wilona.

Sa tuwing may nangyayari sa kanyang hindi maganda ay ayaw nyang sinisisi nito ang sarili. Hindi naman nito kontrolado ang sitwasyon.

May mga bagay talaga na sadyang nakatakdang mangyari kahit anong pag iwas o pagprotekta pa ang gawin.

Mahigpit na hinawakan ni Corby ang kanyang kamay. Nginitian nya ito para mabawasan ang bigat ng loob ngunit napawi ang kanyang ngiti nang maalala ang nasa braso nito.

"What happened to your a-arm? Bakit may benda?", maingat na tanong ni Wilona sa binata.

Corby remained silent at parang pinag iisipan pa kung sasabihin sa kanya ang dahilan hanggang sa sabay silang napatingin sa pinto nang magkasunod na pumasok doon si Franzen at Symon na may dalang mga pagkain.

Binalik nya ang tingin sa binata dahil naghihintay pa rin sya ng sagot dito pero mukhang wala itong balak na sabihin pa sa kanya dahil tumayo na ito at nilapitan ang mga kaibigan.

Umiiwas na naman ito...

***

Bago magtanghalian ay nakalabas na rin si Wilona ng ospital matapos ulit masuri ng doktora at nang matiyak na okay na sya ay pinayagan na silang maka uwi.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon