Chapter 18

160 3 0
                                    

Wilona

Sakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas ay wala ni isa sa amin ang umiimik.

Kanina bago kami mag check out sa hotel ay nag last minute shopping ako para makumpleto ang mga pasalubong ko. May mga additional stuffs pa rin akong binili para sa sarili ko.

Dahil karamihan ng lugar na malapit sa hotel ay napasyalan na namin ay bumalik na rin agad kami ng hotel pagkatapos mag lunch.

Tahimik na inayos ko ang mga gamit ko dahil may mga nadagdag sa mga dadalhin ko pabalik mamaya ng Pinas. Si Corby ay lumabas saglit nang may tumawag dito sa phone.

Nakaayos naman na ang gamit noon kaya wala nang aayusin pa iyon. Bibitbitin na lang nito.

Hindi naman iyon namili ng marami, hindi kagaya ko na punong-puno ang mga maleta. Baka nga nag exceed na ako sa dapat na bigat ng luggage.

Nang matapos ay inayos ko ang nagulong kama hanggang sa nabalik na naman ang isip ko sa nangyari kagabi nang masulyapan ko ang extra bed.

Nakakahiya talaga!

Bakit ko pa kasi ginawa iyon?

Dahil doon ay mas nailang na tuloy ako sa kanya. Ni hindi ako makaharap ng maayos kay Corby. Nahihiya talaga ako.

Paano ba naman kasi...kababae kong tao tapos ako pa ang nag first move sa kanya.

What a shame?!

Nang tinanong nya ako kung anong ginagawa ko ay sinabi kong nag good night kiss lang ako sa kanya kahit hindi ko naman kailangan gawin pa iyon.

But I only said that lie to cover up what I did. Hoping na naniwala sya.

Wala na kasi akong naisip na iba. Iyon na ang namutawi sa bibig ko.

Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ko sya hinalikan?

Wala akong lakas ng loob gawin iyon!

Baka isang drum ng red wine ang kailangan kong inumin para lang magkalakas ng loob at mapaamin nya 'ko.

At isa pa, baka iba ang isipin noon sa ginawa ko.

I sighed. I tried my best na huwag nang isipin pa iyon at mag move on na lang. Hindi ko na rin naman uulitin pa iyon.

Sapat na sa akin ang isang beses na iyon.

But that simple kiss would be a memorable one for me.

Madaling araw na nang lumapag ang eroplanong sinasakyan namin sa airport. Pasado alas tres na ng madaling araw sa Pilipinas.

Nakabantay na ang driver na syang inutusan ni lolo para sumundo sa amin ni Corby. I'm exhausted from the long hours of flight. Gusto ko nang makauwi sa mansion at matulog. I miss my bed already!

Si Corby ay inalalayan akong makasakay ng sasakyan matapos tulungan ang driver na isakay ang mga maleta namin sa likuran.

Nakaidlip ako sa byahe pauwi at nang magising ay papasok na kami sa gate ng mansion. Huli ko nang nalaman na nakasandal pala ako sa balikat ng binata. Nag sorry ako pero nanatili itong tahimik.

Nang maigarahe na ng driver ay agad na bumaba ako. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto. Sa bungad ng malaking pintuan ay nakatayo at nakaabang na si lolo sa aming pagdating.

Patakbong nilapitan ko ito at niyakap. "Na miss kita, lo", wika ko habang ito naman ay tumatawa habang yakap din ako. Malamang na natuwa itong makita ako ulit.

"How was your trip?", kumalas ako sa yakap.

"It went well, grandpa but I'm too tired to tell it all. Matutulog po muna ako at pagkagising ko ay magkwe -kwento ako ng marami", masaya kong wika na sinang ayunan nito.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon