Chapter 34

207 3 0
                                    

Third Person POV

Matamang tinitingnan ni Corby si Franzen mula sa kanyang kinauupuang sofa habang seryoso itong nakikinig sa anumang sinasabi ng kausap nito sa linya.

He can tell that there's something wrong dahil sa nakikitang magkasalubong na kilay ng kaibigan.

May dapat ba silang ikabahala?

Sa anyo nito ay mukhang hindi nito nagugustuhan ang naririnig.

"We got a problem!", saad ni Franzen matapos ibaba ang telepono.

Mukhang meron nga...

"What is it?", he was bored a while ago pero sa narinig nya ay bigla syang nabuhayan. May bago na namang challenge na haharapin.

What could it be?

Franzen sighed. "The old man behind the kidnapping issue was found dead inside the cell, just this morning", saad nito.

"W-What?!", napaayos sya ng upo. Hindi iyon ang inaasahan nyang problemang sasabihin nito.

"You heard me right."

His forehead creased. "Paanong nangyari?", tanong nya na hindi makapaniwala.

Noong nakaraan lang ay under interrogation ang matanda na nagngangalang Nardo Guma o mas kilala sa alyas na Amang Bitag pero katulad ng inaasahan nya ay hirap na mapaamin ito kahit ng mga awtoridad.

Pirming tikom ang bibig!

Tapos ngayon ay natagpuang pat*y sa selda?!

What the f*ck!

"According to the police officer who called me...this Nardo was shot by the unknown using a gun with silencer kaya walang ingay na narinig. Hindi pa nga lang matukoy kung sino dahil sinira ang kanilang mga cctv sa loob ng kulungan but they're already investigating the said incident."

He utter a cursed.

Hindi pa nga nila napapaamin tapos biglang ganito pa ang nangyari.

Mukhang sinadya!

"Any idea kung sino ang pwedeng gumawa sa matanda?", tanong sa kanya ni Franzen habang magkasalikop ang mga kamay nito sa ibabaw ng mesa. Also thinking who could it be?

Umiling siya. He really doesn't have any idea. Unless...

"Hindi kaya isa sa mga ka grupo nya?", hula ni Corby sa posibleng gumawa noon kay Amang Bitag.

Napatango-tango naman si Franzen.
"There's a possibility. Maaaring takot silang mapaamin natin sa huli ang matanda kaya isa sa kanila ang inutusan upang tuluyan ito para hindi na makapagsabi o makapagsiwalat pa ng ikakapahamak ng grupo nila."

"Yung mga kasamahan nya sa kulungan...wala bang pwedeng makapagtukoy isa man sa kanila kung sino?"

Nagkibit-balikat si Franzen. "Ang alam ko ay nakahiwalay ng selda ang mga 'yon sa matanda kaya hindi rin nila matutukoy kung sakali dahil hindi naman nila aktuwal na nasaksihan ang pagbaril sa kanilang amo."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. They're both trying to figure it out.

Napaangat ng tingin si Corby kay Franzen nang magsalita ulit ito. "Tingin ko, malamang na wala ngang alam ang siyam na tauhan ni Nardo dahil nang tanungin din ang mga iyon ng kapulisan ay sinabing ang matanda lang ang may direct contact sa pinaka leader o sa mismong grupo kaya wala raw maibibigay na impormasyon ang mga ito dahil tanging sa matanda lang naman daw sila naninilbihan at labas na sa grupong kinabibilangan ng amo nila."

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon