Chapter 79

175 4 0
                                    

Third Person POV

Pagka tanggal ng suot na sapatos ay pabagsak na nahiga si Corby sa malambot na kama. Pumikit sya at hinayaan ang pagod na katawan na makapag pahinga. He's so tired! His body is already shouting for rest.

Sa dami ng kanyang mga inaasikaso at kailangang bigyan ng atensyon ay halos kalimutan na nya ang magpahinga.

Kakarating nya lang sa condotel mula sa mga inasikaso nya sa labas buong maghapon. Bukod sa pananakit ng katawan ay sumasakit din ang kanyang ulo sa dami ng iniisip.

He's always reminding his self that he's a human being made of flesh and not a robot or a machine made of metal. Kahit nga ang mga iyon ay pumapalya at nasisira rin kapag nasasagad ng gamit.

Sya pa kaya na tao lang?

Hindi sya pwedeng magkasakit dahil marami syang mape-pending na trabaho. At isa pa, walang ibang mag aalaga sa kanya. Sarili lang din nya ang aasahan nya.

Hinilot nya ang sintido para kahit papaano ay maibsan ang pag kirot doon hanggang sa hindi nya namalayan na naka idlip na pala sya. Nagising sya bandang alas onse na ng gabi. May higit isang oras din syang nakapagpahinga. Kulang na kulang pa nga iyon para makabawi sa pagod pero para sa kanya ay mahaba -habang oras na iyon ng pahinga.

Bumangon sya para saglit na maligo to relax his senses at nang maka pagpalit na rin ng damit. Pagkatapos ay saka nya hinarap ang pagluluto ng pagkain.

Anong oras na pero ngayon pa lang sya maghahagilap ng kanyang panghapunan. Di na kasi sya nakapag drive thru kanina para bumili ng pagkain dahil sa kagustuhan nyang makauwi agad para makatulog.

He went to his mini kitchen at naghanap ng pwedeng mailuto pero wala na pala syang stocks. Kahit nga isang pirasong tinapay ay walang natira sa lagayan. Tanging isang cup noodles ang naroon sa cupboard nya. Nang tingnan naman nya ang kanyang mini ref ay bottled water lang ang laman at isang Apple.

He sighed.

Kinuha nya iyon pareho at inilapag sa mesa. Nag init sya ng tubig sa naroong electric kettle at habang naghihintay na kumulo iyon ay hinugasan nya ang Apple at pagka tapos ay pinagpag ang tubig na kumapit roon saka kinagatan.

Sumandal sya sa counter at habang nginunguya ang pulang mansanas sa kanyang bibig ay bigla nyang naalala si Wilona. Wala sa sariling napangiti sya. She actually loves eating fruits!

Lahat yata ng klase ng prutas ay paborito nito. Walang palalagpasin. Kung nabuntis nya sana ito ay malamang na iba't-ibang klase ng prutas ang pinaglihian nito. Nakapanganak na rin sana ito sa kanilang panganay katulad ni Vivien.

Kung sakali ay magkasunuran at ilang buwan lang sana ang pagitan nito at ni Vivien sa panganganak.

Months ago ay nanggaling pa sya sa ospital and he got the chance to see Maxwell and Vivien's son. Hindi nya napigilan na makaramdam ulit ng lungkot habang tinitingnan ang bata na karga-karga ni Vivien. The baby is so cute! Kamukhang-kamukha ni Max. Asul na asul din ang kulay ng mga mata. Parang pinagbiyak na bunga ang mag ama...

Sayang! May anak na rin sana sya ngayon katulad ni Max.

Nakaka inggit nga dahil naka buo ang mga ito. Lalake pa! Ang swerte pa rin ni Max kahit may pagka g*go!

Sila kaya ni Wilona...kailan?

He heavily sighed at muling kinagatan ang hawak. Mukhang matatagalan pa siguro ang kanya.

Nakalahati na nya ang apple nang tumunog ang pakuluan ng tubig. Ibinaba nya ang hawak at kinuha ang nag iisang cup noodles sa lagayan. Binuksan nya iyon kasama ng nakalagay doon na seasoning powder saka nya nilagyan ng mainit na tubig. He cover the cup again then wait a few minutes until it's ready to be eaten.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon