Chapter 19

150 3 0
                                    

Third Person POV

"Kung makapag bawal ka sa'kin, dinaig mo pa ang mga magulang ko pati si lolo", paismid na saad naman ng dalaga sabay baling ng tingin sa labas ng bintana.

Humalukipkip si Wilona at halos umusok na ang ilong sa pakikipag argumento sa binata.

Ano bang masama kung sakaling magpaligaw nga sya?

Nasa tamang edad na naman sya para magka boyfriend. Hindi man si Kelvin ang tinutukoy nya ay open naman sya para sa ibang mga manliligaw pa sa kanya.

Baka isa roon ang matipuhan nya at mapalad na makakuha ng kanyang matamis na oo.

"Nanliligaw pa lang naman sa'kin si Kelvin."

"Nanliligaw o nangliligaw ng landas?!", may diin sa bawat salitang binigkas. "Alamin mo ang pagkakaiba ng totoong nanliligaw sa nangliligaw lang", maangas na wika pa ni Corby bago minaniobra ang sasakyan paalis ng University.

"Bakit? Kinder lang ba 'ko para hindi malaman ang kaibahan ng dalawa?"

"I'm just after your safety. Tapusin mo muna ang pag aaral mo saka mo na isipin ang tungkol sa pagpapaligaw. Hindi ka naman mauubusan...", pinanatili ni Corby ang tingin sa daan pero aware sya sa matalim na tingin na pinukol sa kanya ni Wilona.

Would that be a bullet? Kanina pa iyon tumagos sa kanyang katawan.

Magalit na ito sa kanya pero hanggang siya ang taga bantay nito ay hindi nya hahayaang malapitan ito ng basta na lang. He will do something to get rid of those guys na panay ang lapit dito.

Hindi nya gustong may isa pang James na gagawan ito ng hindi maganda. Subukan lang nila at hindi gugustuhin ng mga iyon na matikman ang galit nya.

Just like what he did to James.

That James did a wrong move at alam nyang pinag sisisihan na nito ang ginawang pangbabastos sa dalaga.

"Eh, kung sabihin ko na gusto ko na ngang mag boyfriend, may magagawa ka?", rinig nyang asik ng katabi. Ayaw pa ring magpatalo.

"Don't try me", there's a warning in his tone ngunit inirapan lang sya nito na kanyang ikinailing.

"I'll do whatever I want!"

Saglit na tinapunan nya ito ng maka hulugang tingin saka ibinalik sa harapan ang pansin.

Wilona is being childish again.

***

A guy named Kelvin...

Nang sabihin ni Wilona na manliligaw nito iyon ay agad na pina background check nya ang sinasabing lalake with the help of a private investigator recommended by Franzen.

Katulad ng pagkalap nya ng impormasyon kay James ay ganoon din ang ginawa nya kay Kelvin para naman may ideya sya.

Hindi sya interesadong makilala iyon pero gusto nyang malaman kung anong totoong pakay nito sa dalaga bukod sa panliligaw. Kung meron ba syang dapat na ikabahala.

Kelvin Muscova is a son of a business tycoon. Pero duda sya sa family background na nakalap nila. There are missing informations and details. Nakakapagtaka lang. Parang may pinagtatakpan.

At mukhang may illegal business din ang mga magulang nito dahil sa hindi maipaliwanag na pinagmulan ng yaman.

Hindi lang iyon ang nalaman nya.

Napag alaman din nya na si James at si Kelvin ay konektado sa isa't-isa.

They're cousins!

Dahil magkaiba ng apelyido ang dalawa kaya hindi agad malalaman na magkamag-anak pala ang mga ito.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon