Chapter 56

139 3 0
                                    

Third Person POV

Bago sila umalis ng mansion ay tumawag muna sya sa security ng Terrence Alta para ihatid sila hanggang sa exit ng village. Masyado kasing malayo kung lalakarin nila ng dalaga hanggang doon mula rito dahil nasa may bandang dulo pa naka pwesto ang kanyang mansion.

A bit too far to walk...

Nang dumating ang security vehicle ay sumakay sila roon. Nagtaka pa nga ang security driver matapos syang batiin kung bakit hindi sya naka kotse ngayon sa dami ng nakahilera sa kanyang garahe.

Sinabi na lang nya na nagtitipid sya sa gasolina na tinawanan lang naman ng driver. Imposibleng paniwalaan nito ang sinagot nya dahil kilalang mayayaman at bilyonaryo ang mga residente na nasa loob ng Terrence Alta.

Pagkababa nila sa security vehicle ay nasa labas na sila ng mismong village.

Doon ay pumara muna sila ng taxi at nagpababa sa lugar kung saan may jeep na masasakyan patungong Divisoria.

Yes, that's the place!

Ang isa sa mga dinadayong lugar sa bansa na kilala sa may mga murang bilihin.

Inayos nya ang suot na sumbrero ng dalaga at hinila ito sa may gilid kung saan medyo malilom. Namumula na kasi ang mga pisngi nito nang dahil sa init. Mag aalas diyes na rin kasi ng umaga kaya mataas na ang sinag ng araw.

Hinapit nya ang bewang nito at idinikit sa kanyang tabi habang naghihintay sila ng jeep kasabay ang iba pang commuters na ang ilan ay napapalingon pa sa kanilang gawi.

May isang matandang babae pa nga na panay ang lingon sa kanila na para bang sinisino sila sa paraan ng pagkakatingin hanggang sa hindi na iyon nakatiis pa. Bahagyang lumapit sa kanila at nagtanong iyon kung artista ba raw sila na inilingan na lang nya.

"Ah...akala ko talaga artista kayo. Ang gwapo mo kasi at ang ganda-ganda ng girlfriend mo", naka ngiting saad pa ng babae bago sila iwan.

Pinigil nya ang sariling matawa habang ang katabing dalaga naman ay nanatiling tahimik.

Si Wilona pwede talagang mapag kamalang artista pero sya...? Hindi nya sure.

Kahit na ba madalas din syang masabihan na gwapo kahit noong bata pa sya ay hindi naman nya naisip na mag artista. Tapos may biglang nagtanong pa ngayon.

At napagkamalan pa ngang girlfriend nya si Wilona. Sino bang hindi kung ganito sya makahapit sa bewang ng dalaga?

Bakod na bakod!

Kahit sinong mapatingin ay iyon ang aakalain o iisipin.

"Corby?", tawag sa kanyang pansin ng dalaga nang tingalain siya nito.

"What?", bahagya nyang itinaas ang dulo ng sumbrero nito para makita nya ang mga mata.

"Malayo pa ba tayo?"

"Yeah", simpleng sagot nya. "Bakit? Pagod ka na agad?", may himig pang aasar sa boses nya.

Sinabi na nya kasing hindi madali ang mag commute pero nagpumilit pa rin ito. Mukhang aayaw na yata...

Umiling ito. "I'm just asking...", at binalik nito ang pansin sa mga nagdaraang sasakyan.

Pinara ni Corby ang nakitang jeep na may karatula sa harapan na naka sulat ang pupuntahan nila.

Huminto iyon at agad na nilapitan nila. May babaeng nauna sa kanila. Pinauna muna nila iyon pagkatapos ay inalalayan nyang makasakay ang dalaga bago sya sumunod.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon