Chapter 54

142 4 0
                                    

Not suitable for
young / minor readers!

Third Person POV

Corby boredly answer his phone when it started ringing. "Problema mo, Fulton?", agad na tanong nya kay Symon na nasa kabilang linya.

"Pag tumawag ako, problema agad. Hindi ba pwedeng may sasabihin lang ako?", balik tanong nito na may himig pang aasar. Kumag na 'to!

"Tungkol ba saan?", pinausad nya ang sasakyan nang umandar ang kotseng nasa unahan nya pero saglit lang at tumigil na naman. He sighed kasabay ng inis na pagtapik nya sa manibela.

"Yung alaga mo...", napa kunot noo sya nang mapag sino ang tinutukoy nito.

Agad ang pagtambol ng kanyang dibdib sa kaba nang maisip na baka may nangyari na naman habang wala sya.

Oh no! Please not again...

Ito rin kasi ang tumawag sa kanya nang araw na may hindi magandang nangyari sa dalaga.

"Bakit? Anong nangyari?!", agad na tanong nya habang magkasalubong ang mga kilay. Ang pintig ng kanyang puso ay tila dumoble na.

"Nakita ko kanina sa labas ng mansion mo at naglalakad-lakad lang naman sa village", rinig nyang sagot ni Symon na nakapagpahupa ng kaba at takot sa kanyang dibdib. Akala nya ay may kung ano na namang nangyari.

"Saan daw ang punta?", pinausad nya ulit ang sasakyan nang mag green light. Binilisan nya ng kaunti ang paandar. T*nginang traffic 'to! Papagabi na pero nasa daan pa rin sya. Kanina pa dapat sya nakauwi, eh. Napailing na lang sya sa pagka inip.

"Dito raw sa park ng village. Inaya ko ngang dito na sa amin mag dinner nang sabihin nya na hindi ka pa raw umuuwi at baka nasa Tagaytay pa pero ayaw naman. Nasaan ka na ba? Pauwi ka na ba?"

"On the way na. Na stuck lang ako sa traffic...", sagot nya sabay over take sa nasa unahan. Gusto na nyang makauwi agad nang maibalik na nya sa mansion ang dalaga.

Dapat pala ini-lock na lang nya ulit ito sa kwarto. Hindi na nya kasi ito napag handaan ng pagkain kaninang umaga dahil sa nagmamadali na sya kaya hinayaan nyang hindi naka lock ang pinto para makababa ito sa kusina.

Pero mukhang sinamantala naman iyon ng dalaga. Napaka gala talaga ni Wilona. Lumabas pa talaga ng gate!

Kahit na ba alam nyang hindi naman ito makakalabas ng village dahil nag abiso na sya sa security na huwag hahayaang lumabas ang dalaga ay hindi pa rin nya maiwasang hindi mag alala para kay Wilona.

Malaki at malawak ang buong Terrence Alta, kahit alam nyang safe roon ay gusto pa rin nyang nasa loob lang ito ng kanyang mansion.

Mas kaunti ang tsansa na mapahamak ito kapag nasa isang lugar lang kumpara kapag nasa labas o public places ito.

"Bilisan mo na. Baka biglang maisipan ng alaga mo na umakyat ng puno habang nasa park sa kakahintay sa'yo", natatawang wika ni Symon at hindi na sya magtataka kung bakit nito nasabi iyon dahil alam ni Symon na may pagka pasaway nga si Wilona. "Baka magalusan ang magandang kutis...sayang naman", dagdag pa nito at nagpatuloy pa sa pag tawa.

Anong malay naman ng dalaga sa pag akyat ng puno?

"Baliw!", tanging nawika nya sa pang aasar ni Symon.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon