Chapter 81

116 3 0
                                    

Third Person POV

Kinagabihan ay sinundo na nga ng mag asawang Williams ang baby. Halos ayaw pa ngang i-abot iyon ni Wilona kay Grasya nang kinukuha na nito ang bata mula sa kanyang pagkakakarga.

Ang mag asawa kasi ay dumating na at nasa ibaba na ng kanyang unit habang hinihintay si Grasya na maihatid sa mga ito ang anak. Nang sabihin ni Grasya na ipapasyal na lang ang bata sa kanya ay saka nya niluwagan ang pagkakayapos at ibinigay iyon matapos marahang halikan sa noo ang baby.

"Hayaan nyo ma'am...hihiramin po ulit natin si baby sa kanila. Ako pong bahala", palubag loob sa kanya ni Grasya dahil sa nakikitang kalungkutan sa kanyang magandang mukha. "Sige po, Ma'am Ganda. Alis na po kami", wika nito habang inaayos ang pagkarga sa bata. "Balik na lang po ako rito bukas ng tanghali", saad pa nito na kanyang tinanguhan.

Sasabay na kasi ito sa mag asawa pabalik kung saan man nakatira ang mga iyon para hindi na ito babyahe pa dahil doon din naman ang duty nito kinabukasan bago magtungo ulit sa kanyang unit.

Sya na ang nagbukas ng pinto para rito dahil bukod sa may karga ito ay buhat pa nito sa kabilang kamay ang ilang gamit ng bata. Ang kuna naman ay kanina pa nito naibaba sa mag asawa bago ulit ito umakyat para naman kunin ang bata.

"Bye, baby...", malungkot nyang paalam while waving her hand to the baby nang makalabas si Grasya at nagsimula nang maglakad papalayo.
Habol nya pa ng tanaw ang dalawa. Huminga sya nang malalim nang mawala na sa kanyang paningin ang mga ito saka nya isinara ang pinto. Bumalik sya sa kanyang silid.

Two days lang na nakasama nya ang bata pero napalapit na agad ang loob nya sa baby. Kay tahimik na tuloy ng kanyang unit dahil sa wala na syang naririnig na palahaw ng iyak. Wala na rin syang hinehele para patulugin.

Mahirap mag alaga ng bata pero masarap naman sa pakiramdam sa tuwing naririnig nya ang pagtawa. Every time the baby giggles made her smile and laugh too.

Nakakawala ng pagod!

Totoo pala iyong naririnig nya noon sa mga magulang na nakakawala nga ng pagod kapag nakikita nila ang kanilang mga anak.

Kung sya nga na hindi pa ganap na isang ina at pansamantalang nakapag alaga lang ng bata sa loob ng dalawang araw ay nasasabi na iyon...mas lalo ang mga totoong magulang.

Ngayon ay naiintindihan na nya ang kasiyahan na dulot kapag may anak. Sabi ni Grasya ay hindi madaling magpalaki ng anak lalo kung kapos pa sa pananalapi pero kahit ganoon ay masarap pa rin daw ang magkaroon ng anak.

Sariling anak na matatawag...

Iyong anak na mula sa sariling dugo't laman at galing mismo sa iyong sinapupunan. Dinala at pinagbuntis sa loob ng siyam na buwan!

Kung sakaling may nabuo sila ng binata ay malamang na ilang buwan lang ang pagitan noon at ng anak ng mag asawang Williams. Meron na rin sana silang anak ngayon. Baka nga magtatatlong buwan na sana ang kanilang anak ni Corby.

She sighed.

Bumaling sya sa pagkakahiga nang maalala na naman ang binata. May ganitong pagkakataon talaga na bigla na lang nyang maiisip ito kahit hindi sadya. She knows that Corby is still calling Grasya. Hindi nya lang alam kung ano pa ang ibang pinag uusapan ng mga ito aside from checking on her but unlike before, hindi na sya kinukulit ng binata.

Hindi na kasi nito pinapakiusap sa babae na ibigay sa kanya ang phone para maka usap man lang sya. Nanawa na rin siguro ito dahil lagi naman nyang hinihindian ito.

Nang magkaroon nga sila ng meeting more than a month ago that she was able to attend online ay iwas syang mapadako ang tingin sa binata.

Sa tuwing tumatapat nga rito ang focus ng video ay agad na umiiwas sya ng tingin hanggat maaari. Unlike Corby na alam nyang titig na titig sa kanya sa tuwing sya naman ang ipinapakita sa screen.

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon