Chapter 99

126 6 0
                                    

Wilona

The following days, I kept myself busy. Day and night! So busy para hindi sumagi sa isipan ko si Corby. I buried myself working on my laptop habang hindi pa ako nakakabalik ng Boston.

I also avoid having communications with Corby. Sa tuwing ang numero nito ang nagre-register sa phone ko ay ini-ignore ko lang. Mapatawag man iyon o text ay hindi ko pinapansin. Hindi ko pinagkaka-abalahang sagutin alin man doon. Hinahayaan ko lang.

Kaya wala akong naging balita rito sa nakaraang mga araw. I don't know kung nasa ospital pa ba ito o nakalabas na. Hindi na rin ako naki-balita pa. Ayoko lang...

One afternoon ay nakatanggap ako ng hindi inaasahang tawag mula sa isa sa kambal. Si Dex. Hindi ko alam ang dahilan ng pagtawag nito pero sinagot ko na lang iyon. Baka kasi importante. Pero sa pagkagulat ko ay si Corby ang nasa linya at hindi si Dex. Nabosesan ko agad ito. He used Dex's phone to be able to call me.

"Wilona, baby...", umpisa nito. Hindi ako sumagot pero napa higpit ang hawak ko sa phone ko. I was about to end the call when I heard his voice again. "Don't hang up please...", wika nito sa nahihirapang tinig at tila nahulaan ang balak ko sanang gawin.

I heavily sighed. Ang bigat sa dibdib ko ay tila nadagdagan sa pagkakarinig sa boses nito na matagal ko ring tiniis na huwag marinig.

"Stop ignoring me, please. Huwag mo namang gawin sa'kin 'to", pakiusap nito sa nahihirapang boses nang hindi ako umimik. "Wala naman talagang nangyari sa amin ni Dianne. Maniwala ka naman", his voice cracked at the end. I bit my lower lips upon hearing that.

Hirap akong paniwalaan ang sinasabi nito lalo at dama kong may gusto rito ang babaeng iyon. Nahuli ko silang dalawa sa kama na magkatabi. Kitang-kita ko! Hubad ang babae at maging ito ay tanging underwear lang ang suot.

Anong gusto nyang isipin ko? Na naisipan lang nilang magtabi sa kama at matulog ng nakahubad?! Sa mismong condotel pa talaga nito?!

Bwisit!

Huwag nya kong gawin t*nga!

Gusto kong murahin ito ng harapan pero hindi ko magawa dahil kahit sa salita ay ayaw ko itong saktan. Kabaliktaran nito na harap-harapan na sinasaktan ang damdamin ko.

My lips shake at napayuko ako nang tumulo na naman ang mga luha ko.

"Wilona...please. Huwag naman ganito", patuloy nitong pagmamaka awa sa akin pero hindi pa rin ako nagsalita. I cried silently. I cover my mouth with my hand at pigil ko ang sariling mapahikbi. "Hindi kami ni Dianne. Wala kaming relasyon", patuloy na giit pa nito sa pananahimik ko.

Sino bang niloloko nito?

Eh, ganoon din naman ito kay Noreen noon. Hindi rin naman sila ng babae pero may nangyayari rin sa dalawa sa kama. Kaya anong kaibahan noong Dianne?

Binibilog lang ni Corby ang ulo ko. Pinapaniwala lang. Pinagmumukhang t*nga!

Suminghot ako na alam kong narinig nito kaya rinig ko ang may pag aalala nitong tawag sa pangalan ko.

"Ano bang gusto mong gawin ko para lang mapatunayan? Gagawin ko, just tell me", wika nito sa determinadong boses.

Sukol na kasi kaya kahit ano ay handang gawin para lang maabswelto sa kasalanan. Pero kung hindi ko pa nahuli ang mga ito ay nuncang magsasabi itong si Corby.

He will not tell me for sure!

Iyon ngang tungkol sa pag alis nito kasama iyong babae patungong Italy ay pinanatili nitong lihim sa akin, iyon pa kayang magkasiping ang mga ito?

Mas lalong hindi!

Hindi ito magpapahuli hangga't kayang itago ang kalokohan ay magpapatuloy lang.

Walang aminan na magaganap!

Painful Scar (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon