Second Tears

1.7K 20 0
                                    

"Lolo Acio, sorry po kung ngayon lang ako dumalaw."

Lolo Acio ang tawag ko kay Don Ignacio Montero ang Lolo ni Primo. Nagkaroon ito ng brain tumor dahil may katandaan na ang Don hindi kinaya ng katawan nito ang operasyon. Likas na may malaking puso ang mga Montero lalo na si Lolo Acio, nagbahagi pa nga ito ng pabahay para sa mahihirap. Kaya nakakapagtaka kung kanino namana ni Primo ang masamang pag-uugali. Nung nabubuhay pa si Lolo parang ako ang tunay na apo kaysa kay Primo. Kaming dalawa ang magkasundo sa lahat ng bagay kaya panay ang selos ni Primo. Pagdating sa pagkain hilig naming dalawa ang Italian food samantalang Filipino food naman kay Primo. Sa genre ng pelikula mas gusto namin ang comedy kaysa action na hilig panoorin ni Primo. Mahilig din kaming magbasa ng libro hindi tulad ni Primo na puro Playboy magazine ang binabasa. Isa lang ang alam kong magkasundo ang mag-lolo sa horseback riding. Isa sa kinatatakutan ko at kahit anong pilit sa akin noon ni Lolo hindi niya ako mapapayag, dahil takot akong mahulog sa kabayo. Nung minsang pinuwersa ako ni Primo todo ang iyak ko dahil sa takot. Nalaman ni Lolo ang ginawa nito pinagalitan siya ng husto at pinarusahan. Pinutol ang credit card nito at hindi pinagamit ang kaniyang kotse, kaya napilitang sumakay ito sa pampublikong sasakyan. Magmula noon tinuring ko ng pangalawang magulang si Lolo Acio at aking tagapagligtas.

"Lolo, kung alam ko lang na ipapakasal niyo ako kay Primo sana hindi ko na sinabi sa inyo ang lihim ko."

Kay Lolo Acio ko sinasabi ang lahat ng sekreto ko. Sa kaniya ko sinabi ang nararamdaman ko para sa apo niya. Nung una akong na-broken hearted siya ang naging sandalan ko. Pagkatpos niyang magbigay ng payo gumagaan na ang pakiramdam ko.

"Sabi mo sa akin noon Lolo hindi karapat-dapat ang pagmamahal ko kay Primo dahil sasaktan lang niya ako, pero pinagkasundo niyo pa rin siya sa akin. Bakit po? Alam mo Lolo tama ka, maraming beses na niyang sinaktan ang damdamin ko at pinaluha, pero heto pa rin ako patuloy na nagmamahal sa apo mong walang kwenta."

Tumawa akong mag-isa habang inaalis ang mga dahon sa ibabaw ng lapida. Nang malinis na ito nilapag ko ang bulaklak at sinindihan ang kandila.

"Masaya ka ba Lolo dahil magpapakasal na kami ng apo mo?"

"Kahit anong gawin mo hindi iyan sasagot, idiot!"

"Achoo!" Tinakpan ko agad ang aking bibig. Kahit hindi ako lumingon alam kong si Primo ang nasa likuran ko. Maamoy ko lang ang pabango nito bumabahing na ako.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Puwede sa susunod magpaalam ka naman, huwag ka masyadong paimportante. Halika ka na hinihintay na nila tayo." Iniwan na lang niya ako basta. Umalis ito na hindi man lang nagbigay galang sa kaniyang Lolo at nagdasal.

"Bye Lolo babalik po ako."

Ngayon tinakda ang kasal namin, wala nang paghahanda na nangyari. Isang civil wedding kung saan sa mansion ng Montero gaganapin. Sa malawak na hardin naman ang reception. Hindi nga halos pinaghandaan ni Primo kaya galit sa kaniya ang magulang nito. Pinaliwanag ko naman sa magulang ko na simpleng kasal ang nais ko, pero kung ako ang tatanungin gusto ko ang fairy tale wedding na pinapangarap ko na hanggang pangarap na lang yata.

Wala kaming imikan ni Primo sa loob ng sasakyan. Alam kong galit ito dahil hindi ako nakapagpaalam. Inayos ko ang suot kong simpleng white dress saka binaling ang tingin sa bintana.

"Damn it! Umalis ka pa kasi, hayan tuloy naabutan tayo ng traffic!" bulyaw ni Primo sa akin, hinampas pa niya ng malakas ang manubela.

Alam ko naman na mangyayari ito. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi niya akong pinag-iinitan ng ulo. Kahit simpleng pagkakamali ko lang big deal na iyon para sa kaniya.

"S-sorry. Primo," pumipiyok kong sabi.

"Damn it!" pagmumura niya at panay ang pagbusina.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang pagluha. Mas lalo siyang magagalit kapag nakita niyang may luha sa aking pisngi. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ang makakita o makarinig nang umiiyak, pero hindi niya alam kung ilang drum na ang niluha ko ng dahil sa kaniya.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon