Twelfth Tears

1K 15 1
                                    

Napatitig lang ako kay Enan at walang balak sagutin ang sinabi nito. Ayaw ko ng dagdagan pa ang kasinungalingan ko sa kaniya. Sasabihin ko bang masaya ang puso ko kung nagdurugo naman ito. Puro pasakit at pagluha na lang ang pinapalasap nito sa akin.

"Kumurap ka naman baka matunaw ako niyan," biro niya. Kunwari pa nitong hinihimas ang imaginary beard niya.

Napatakip naman ako sa aking bibig para pigilang matawa. Feeling g'wapo kasi siya napatitig lang naman ako, although may ibubunga si Enan at pwede siyang ihanay sa mga kalalakihang kinakabaliwan ng mga kababaihan.

"Ang dami mong alam," kunwaring naiinis kong turan pero ang totoo gusto ko lang ibaling ang atensiyon nito upang hindi na mahungkat pa ang tungkol sa sinabi niya.

"Gano'n talaga kapag talented." Pagyayabang niya sa sarili.

Napanguso naman ako at napabuntong-hininga dahil sa inasta nito. "Pati ang panghuhula, isang talent mo rin iyon?" tanong ko na bigla na lang lumabas mula sa aking bibig.

Napatingin si Enan sa akin at pinasingkitan ako nito ng mata. "Bakit totoo ba ang hula ko?" tanong niya na nagpatikom sa akin. "Ipagpalagay na lang natin na malakas ang pakiramdam ko. Kahit hindi mo sabihin, alam kong hindi masaya ang puso mo," dagdag pa niya ng hindi ako nakapagsalita.

Napayuko na lang ako para hindi niya mabasa na tama siya. "N-nagkamali ang pakiramdam mo, masaya ako at iyon ang paniwalaan mo," mariin kong sambit.

"Kilalang-kilala kita Bea, pilitin mo mang itanggi nababasa ko sa kilos at pananalita mo. Hindi ka pa rin pala nagbabago hanggang ngayon," natatawa niyang ani. Seryoso ko siyang pinatitigan ngunit panay ang pagtawa lang nito. "Guys, pakawalan niyo na kami rito baka hindi ko na magawang pakawalan pa ang Ma'am Bea niyo!" sigaw niya sa mga estudyante.

-----

Lutang ang isip ko habang namimili ng ingredients para sa pagba-bake. Narito ako ngayon sa grocery pagka-out ko kanina dumiretso na ako rito. Hanggang ngayon sumasagi pa rin sa isip ko ang binitawang salita ni Enan. Sa tono ng pananalita nito parang kilalang-kilala niya ako o gano'n lang talaga siya magaling kumilala ng tao. Tinuon ko na lang ang aking isipan sa pamimili para makauwi kaagad. Paglabas ko ng grocery hindi ko inaasahan na makikita ko si Atty. Ferrer sa isang coffee shop. Hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan ito tutal matagal ko na rin siyang gustong kausapin.

"Atty. Ferrer." Pagkuha ko sa atensiyon niya, abala kasi siya sa pagtitipa ng kaniyang cellphone.

"Oh, Miss Beatrice ikaw pala!" gulat niyang tugon. "Have a sit." Tinuro niya ang upuan na nasa harapan niya.

"Galing ako ng grocery hindi ko sinasadyang makita ka rito kaya kaagad kitang pinuntahan. Attorney tutal nandito naman na tayo gusto kitang makausap," diretsahan kong sabi wala ng paligoy-ligoy pa.

"Go ahead," aniya saka sumimsim ng kape.

Umupo ako ng maayos at pinatatag ang sarili. Kinakabahan ako sana kapag sinabi ko ito may magandang mangyayari.

"Attorney, may iba pa bang paraan gusto ko na po kasing putulin ang kasunduan. Ibabalik ko na po ang share sa MonteCorp at makikipaghiwalay kay Primo." Napabunga ako ng malalim na hininga pagkatapos kong sabihin.

Napaupo rin ng maayos si Atty. Ferrer at inayos ang kasuotan. "Wala naman problema ro'n Miss Beatrice desisyon mo iyan. Kung papayag si Primo sa hinihiling mo wala kang magiging problema ngunit kung tutol siya mahihirapan ka." Bumagsak ang aking balikat, sinubukan ko na rati pero nabigo ako dahil hindi siya pumayag. Kapag sinubukan ko ulit ganito pa rin ang mangyayari. "May problema ba kayong dalawa?" nagtatakang tanong niya. Siguro naisip din niya kung ano ang dahilan ko para putulin ang kasunduan.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon