Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa mga bisig ni Primo. Nahihirapan ang utak kong mag-isip sumabay pa ang puso kong nagwawala. Kainis, bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Kung alam kong mangyayari ito hindi na sana ako lumabas at nagkulong na lang sa kwarto.
Kahit nakapikit ako alam kong ang lapit ng mukha ni Primo sa akin. Nadidinig ko ang tibok ng puso nito at dumadampi sa aking pisngi ang mainit niyang hininga. Sa maling galaw ko lang mangyayari ang hindi dapat mangyari.
“Open your eyes,” utos niya.
“Lumayo ka muna sa akin bago ko gawin,” kundisyon ko.
“Halikan muna kita bago ako lumayo,” bulong niya sa punong tainga ko. Libu-libong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Nagsitayuan ang balahibo ko partikular sa batok.
Walang tigil kong minumura si Primo sa isip. Hiling ko na maging bula ito para maglaho na lang bigla. Pigil hininga at kung magtatagal pa ang ganitong ayos namin mauubusan na ako ng hangin sa katawan.
“Daddy, Mommy,” tawag ni Ace.
Mabilis akong napadilat, nakangising mukha ni Primo ang bumungad sa akin. Umiwas ako patagilid hindi ko kayang salubungin ang mga titig nito.
“Dad, Mom where are you?” Ace asked again.
“We're here son.” Primo replied.
Pinandilatan ko ito ng mata. Buong lakas kong tinanggal ang nakaharang niyang braso. Nagkukusot ng mata si Ace habang patungo ito sa amin.
“Baby, bakit gising ka pa?” tanong ko. Lumuhod ako upang makita ang mukha niya.
Pupungay-pungay ang mata nitong tumingin sa akin. “I had a bad dream. You left me and Daddy again. Promise me Mommy that you won't leave us.”
Hinagod ko ang kaniyang likuran upang maibsan ang takot nito. Malalim ang pagpahinga niya halatang galing sa masamang panaginip. Tumingin ako kay Primo, pinapanood lang niya kami ni Ace. Sinenyasan ko siyang magsalita dahil hindi ko alam kung anong sagot ang sasabihin ko sa bata.
“Don't worry son, from now on Mommy won't leave us.” Pinanlakihan ko siya ng mata habang ito ay pangiti-ngiti.
“Is it true Mommy promise?” inaantok na tanong ni Ace.
“Promise,” tipid kong sagot sabay irap kay Primo. “Hatid na kita sa kwarto mo.” Binuhat ko si Ace at walang lingon iniwan namin siyang mag-isa.
-----
Maaga akong gumising para ipagluto ng breakfast si Ace. Naisip kong gawan din siya ng kaniyang babaunin sa school. Walang katao-katao sa kusina mukhang tulog pa silang lahat. Nasanay na akong maagang gumising dahil bago pumasok sa trabaho dapat nakahanda na ang breakfast ni Mirielle.
Habang tulog pa ang mga kasambahay pinakialaman ko na ang kusina. Binuksan ko ang ref upang makita kung ano ang puwede kong lutuin. May hotdog, bacon, ham at egg akong nakita. Nilabas ko ang mga iyon at sinimulang iprito. Nagsagag din ako habang niluluto ko sabay-sabay na nagsipasukan ang mga kasambahay. Nagulat pa ang mga ito nang makita ako.
“Magandang umaga,” nakangiting bati ko sa kanila. Nahihiyang bumati rin ang mga ito sa akin. Dalawa silang kasambahay, hardinero, driver at guard na nagbabantay. Nagpakilala sila sa akin isa-isa kaya alam ko na ang mga pangalan nila.
“Mam, kami na po ang magtapos niyan,” sabi ni Lyn. Siya iyong nagsungit sa akin. Pilit niyang kinukuha ang sandok sa kamay ko.
“Okay lang Lyn malapit na rin akong matapos,” saad ko saka pinagpatuloy ang paghahalo. “Puwede ba Beatrice na lang ang itawag niyo sa akin. Hindi ako sanay na tinatawag na Mam.” Nagkatinginan silang lahat sa sinabi ko. Pagdating sa mga estudyante ko exempted sila kasi nasa school kami.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...