After three years
Napuyat ako kagabi dahil hindi ako tinigilan ni Primo hangga't hindi siya nakatulog. Talagang halimaw siya pagdating sa kama. Tuloy pagod at masakit ang buong katawan ko. Kahit gano'n masasabi kong napakaswerte ko sa kaniya. Tinupad niya ang kaniyang sinabi sa akin noon nung nag-propose siya.
‘From now on, no more wife's tears only a wife's happiness.’
Lubos kong pinagpapasalamat dahil puro kasiyahan ang pinaranas niya sa akin. Sa piling niya umaapaw sa saya ang puso ko. Favorite motto yata niya ang ‘Happy wife, happy life.’ Ngunit para sa akin mas gusto ko ang ‘Happy spouse, happy house.’ Naniniwala akong hindi lang babae ang dapat masaya kung 'di kayong dalawa.
“Napagod ka ba kagabi, Wifey? Sorry hindi ko kasi napigilan ang sarili ko. I love you.” Narinig kong sinabi niya.
Kahit nakapikit ako gising na ang aking diwa. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Titig na titig siya sa akin. Nginitian ko siya. Hahalikan sana niya ako sa labi ng may pumagitna at walang tigil sa kakatalon.
“Daddy, Mommy wake up!”
Napabuntong-hininga ako. Sinakyan niya si Primo at walang tigil na nilundagan. Tawang-tawa naman siya sa ginagawa niya kahit nasasaktan na.
“Jiro, that's enough. Nasasaktan na si Daddy.”
Kinuha ko siya at pinaupo sa kandungan ko. Jiro is two years old. Napakakulit na bata pero malambing. Mabuti at magkasundo sila ni Mirielle kahit sobrang malaki ang agwat ng edad nila. This time si Primo ang kamukha ni Jiro.
“Bakit ba ako nagkaroon ng sobrang kulit na anak?” tanong niya.
“Like father, like son.” Sagot ko.
Nagtawanan kami. Nakitawa na rin sa amin si Jiro kahit hindi niya alam ang nangyayari. Hinalik-halikan ko ang matambok niyang pisngi. Nakikiliti siya sa ginagawa ko kaya napahagikhik. Binigay ko siya kay Primo. Pareho ko silang hinalikan bago bumaba sa kama.
“Puntahan ko lang si Mirielle. Magkita na lang tayo sa hapag kainan. I love you both.”
Nauna na akong lumabas sa kanila. Napapailing ako sa halip na mag-ayos naglaro ulit sila. Tinungo ko ang kwarto ni Mirielle ngunit wala siya ro'n. Napangiti ako, alam ko na kung nasaan siya.
Agad akong nagpunta sa av room. Lumipat kami ng tirahan. Tatlong taon na rin kaming nakatira rito. After ng proposal sa akin noon ni Primo dinala niya ulit ako sa panibagong surpresa. Ang pinagawa niya noon na bahay ay para pala sa akin. Akala ko para kay Hana todo inggit ko pa naman noon.
“Ano ang tingin mo sa lugar?”
“Sa palagay mo magugustuhan niya ito?”
Mga katanungan sa akin noon ni Primo. Wala akong kaalam-alam ako pala ang tinatanong niya. Ginawa pa niya akong Feng Shui Consultant. Hindi na lang niya sinabi na ‘para sa'yo ang bahay na ipapatayo ko.’ Napapangiti na lang ako mag-isa kapag naaalala ko iyon.
Pagbukas ko ng av room nandoon si Mirielle. Tahimik na pinapanood ang wedding video namin. Tinabihan ko siya na hindi niya nalalaman.
“Mirielle, ilang beses mo nang pinapanood iyan. Kabisado mo na nga ang homily ng pari pagkatapos ang script ng emcee sa reception. Hindi ka pa rin ba nagsasawa?”
Tiningnan niya ako ng mabilisan at binalik agad sa screen. “Mom, ilang beses mo na rin po akong tinanong. At hindi pa rin magbabago ang sagot ko. Kahit kailan hindi ako magsasawa na panoorin ang wedding video niyo ni Daddy. Maliit pa ako diyan ngunit napuno ng masasayang alaala ang buhay ko ng araw na iyon,” pahayag niya.
Royal themed wedding ang inihanda ni Primo para sa kasal namin. Pangarap ko kasi ang isang mala Prince William and Catherine Middleton wedding. Hindi ko inakala na hinigitan pa ni Primo. Malayong-malayo nung una namin kasal kung saan civil wedding at sa mansion lang naganap. Nakangiti kami habang pinapanood ang video. Ilang taon na ang lumipas ngunit nanatili pa rin ang pagmamahalan namin ni Primo sa isa't isa. Mas lumalim pa nung dumating sa buhay namin si Jiro.
“Achoo!” pagbahing ko.
Dahil siguro sa aircon sobrang lamig kasi sa loob ng av room. Hindi ko ba alam kung bakit dito ang gustong tambayan ni Mirielle. Nagulat ako ng may nagtakip sa mga mata ko. Sa kamay at amoy pa lang ng pabango alam ko na. Kaya pala nabahing ako.
“Primo,” tawag ko sa pangalan niya. Pagtanggal ng kamay niya sa mga mata ko mas nagulat ako.
“Happy wedding anniversary!” sigaw nilang tatlo.
Hawak ni Mirielle ang cake. Balloons naman kay Jiro. Sunflower bouquet kay Primo. Napatakip ako sa bibig dahil nakaligdan ko na anniversary pala namin ngayon. Bakit ko ba nakalimutan?
“Kainis naman e. Bakit ko nakalimutan? Sabay pa namin pinanood ni Mirielle pagkatapos nawala sa isip ko. Sorry hubby.”
Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap. Siniksik ko pa ang mukha ko sa leeg niya. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
“It's okay, Wifey. Naintindihan ko. Palagi kang busy sa pag-aalaga sa amin. Minsan nga pati sarili mo nakakalimutan mo na. Bumawi ka na lang sa akin mamayang gabi.”
Humiwalay ako at hinampas siya sa braso. Kasama namin ang mga bata pagkatapos kung ano-ano ang pinagsasabi.
“Thank you sa surpresa, Hubby. Mag-celebrate tayo. Naisip ko mag-stargazing tayo mamayang gabi. Sa labas tayo matutulog. Magaling naman si Daddy magtayo ng tent. Pero bago niyan tulungan niyo muna akong mag-bake para may kainin tayo mamayang gabi!” masaya kong turan.
Pumayag naman sila sa suggestion ko. Tinulungan nila ako pati si Jiro na puro laro kaya ang pagba-bake nauwi sa hide and seek at iba pa.
-----
Pagsapit ng gabi habang tinatayo ni Primo ang tent, nag-iihaw naman ako ng hotdog. Binabantayan ni Mirielle si Jiro na walang tigil sa kakatakbo. Parang wala siyang kapaguran. May nakahanda ng pagkain sa mesa at nakalagay na rin ang telescope na gagamitin namin mamaya. May nakalatag na tela para higaan namin ni Primo. Papanoorin namin ang mga bituin hanggang sa makatulog kami. Kagaya ng ginagawa namin noon nung magkaibigan pa kami.
Aliw na aliw kung pinapanood ang mag-aama ko. Tinuturuan niya ang mga bata na tingnan ang bituin sa pamamagitan ng telescope. Salitan ang magkapatid at kapag nakita na nila nagtatalon at pumapalakpak sila.
Tinawag ko muna sila para kumain. Sabay-sabay namin pinagsaluhan ang hinanda ko. Napuno ng tawanan at kulitan ang mesa. Larawan ng isang masayang pamilya na hindi ko inakala na mangyayari.
Dahil sa pagod bagsak agad ang mga bata. Mahimbing na silang natutulog sa loob ng tent. Nakahiga kami ni Primo sa nakalatag na tela habang magkahawak ang kamay at pinapanood ang bituin sa kalangitan.
“Hubby, baka makatulog na ako mamaya. Lagyan mo na ako ng mosquito repellent,” utos ko. Kinuha niya sa lagayan ng medicine kit. Bumangon naman ako para malagyan niya ng maayos. “Dito sa braso ko muna ang unahin mo. Huli na sa binti.”
Sinunod niya ang sinabi ko. Dahil naka-dress ako maling parte ng katawan ko ang nahawakan niya. Natigilan kaming pareho. Sabay napalunok at umiwas ng tingin. Napasinghap ako nang hinalikan niya ako. Napaatras ako ng konti. Lumapit siya sa akin at siniil ng halik. Napapikit ako sa sarap niyang humalik. Naramdaman ko pa ang pagsuklay niya sa buhok ko gamit ang kaniyang kamay. Napahiga kami at pumaibabaw siya sa akin. Muli sana niyang hahalikan ang labi ko ng bigla akong naduwal. Natigilan kami at nagkatinginan. Bumangon kami pareho at sabay inayos ang nagusot naming kasuotan.
“I think our palace will have a new little prince or princess,” Primo said.
“I think so too,” pagsang-ayon ko.
Nagyakapan kami. Sabay tumingala sa langit at nagpasalamat sa bagong anghel na parating sa pamilya namin.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...