“H-huwag mo sa akin ipamukha ang hinanakit mo kung wala naman akong alam sa pinaparatang mo sa akin, Primo. Ang pira-pirasong bubog na nagkalat ganyan ang kalagayan ng puso ko ng dahil sa'yo. Alam kong kahit hindi na maibabalik sa dating ayos pinipilit ko pa rin buoin dahil ikaw ang mahalagang bagay sa buhay ko, pero patuloy mo pa rin akong binabasag. Alam ko sa sarili kong wala akong ginawa para saktan ka,” mangiyak-ngiyak kong sabi saka iniwan siyang mag-isa.
Narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ni Primo na may kasamang pagtatapon ng kagamitan. Mahihirapan akong maglinis pero saka ko na lang isipin ang bagay na iyon dapat ko munang gamutin ang sugat ko.
Ang hapdi, kirot at sakit habang ginagamot ko kagaya ng puso kong nasugatan. Mas mabuti pa ang sugat dahil paglipas ng ilang araw gumagaling pero ang pusong sugatan kahit ilang araw, linggo, buwan at taon ang lumipas hindi pa rin gumagaling. Pagbaba ko tahimik na ang paligid senyales na umalis na sina Primo at Hana. Nanghina ang buong katawan ko nang makitang magulo ang bahay parang dinaanan ng bagyo. Sa halip na panghinaan ng loob sinimulan ko na ang paglilinis para matapos agad at makapasok pa ako sa trabaho.
-----
“Good morning, Ma'am Bea!”
“Aray!” daing ko nang nahawakan ni Enan ang braso kong may pasa. Ginulat niya ako mula sa aking likuran. Pinaharap niya ako at napatingin sa kaliwang braso ko.
“Napano iyan at nagkapasa?” nag-aalalang tanong ni Enan na hindi nakatingin sa mukha ko. Nalipat din ang tingin nito sa kamay kong may benda. “Bea, napano rin ang kamay mo?” sunod na tanong nito sa akin.
“Mahabang kwento, Enan. Okay lang ako malayo ito sa bituka.” Pilit kong tinatago sa aking likuran para hindi na niya mapuna pero dahil may katigasan ang ulo si Enan nilabas niya buhat sa aking likuran.
“Hayz, anong okay halos hindi mo maigalaw ang braso mo. Dumudugo pa ang sugat mo, punta tayo ng infirmary baka magka-infection pa.” Inalalayan ako ni Enan hanggang sa makarating kami.
“Ako na ang gagawa,” nakangiting wika ni Enan sa nurse. Gagamutin na sana ng nurse nang kinuha ni Enan sa kamay nito ang panggamot.
“Hindi mo na kailangan gawin ito Enan baka naghihintay na ang mga estudyante mo sa'yo,” saad ko habang pinapanood ang ginagawa nito.
“Mamaya pa ang klase ko kaya may oras pa ako para alagaan ka.”
Nagtama ang paningin naming dalawa pero agad akong nang-iwas. Nakakaramdam ako ng kakaiba kay Enan hindi lang ang pagkakaibigan ang hangarin nito kung 'di mas higit pa ro'n. Paano ko sasabihin sa kaniya na may asawa na ako? Matagal ko ng gustong ipagtapat kay Enan ang estado ko pero kapag nalaman ni Primo baka ikapahamak ko. Hindi ako umimik hanggang matapos si Enan.
“Kaya ko na ito maupo ka muna riyan,” utos ko sa kaniya nang lalapatan niya ng ice ang braso kong nagkapasa.
“Bea, hindi kita tatantanan hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung anong nangyari,” pangungulit niya sa akin. Pinatitigan niya ako kaya hindi ako makagawa ng idadahilan.
“Bumangga sa pintuan itong braso ko. Kanina naman habang nagluluto ako dumulas ang kutsilyo sa kamay ko.” Pinatatag ko ang aking boses para hindi halatang kinakabahan.
“Kahit kailan talaga lapitin ka ng disgrasya,” napapailing na saad ni Enan. Mabuti naman at naniwala siya sa dinahilan ko. Lumapit siya sa akin, may dinukot ito sa bulsa ng suot nitong pants. “Happy birthday, Bea.” Nakangiti niyang nilahad sa palad nito ang isang maliit na kahon. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa pagkabigla.
“Grabe, sarili kong birthday nakalimutan ko.” Mapait akong ngumiti. Sa dami ng iniisip nakaligdan ko ang mahalagang pangyayari sa buhay ko. “Bukas pa naman ang birthday ko, napaka-advance mo naman masyado, Enan.”
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...