After 5 years ( Baguio City )
Limang taon na ang nakaraan nang nilisan ko ang Maynila at piniling manirahan sa Baguio. Alam kong hahanapin ako ni Primo kaya minabuti kong pumunta sa lugar kung saan walang makakakilala sa akin. Madali niya akong matutunton kung sa Cebu dahil lahat ng kamag-anak namin ay nandoon. Hindi ko ginagamit ang totoo kong pangalan sa impluwensiya ni Primo baka hindi siya mahirapan. Mabuti na lang sa tulong ni Enan pinatuloy niya ako sa kanilang bahay. Malayo sa kabihasnan at sa liblib na lugar kaya hindi ako basta-basta mahahanap. Kwento nito mula nung namatay ang kaniyang Ina at lumuwas sa Maynila upang magturo naging abandonada na ang kanilang tirahan. Ngayon na titirahan ko magkakaroon na ulit ito ng buhay.
Sariwa pa sa aking alaala ang naganap bago ako umalis at iwanan si Primo. Mapait kong binalikan ang mga pangyayari kahit anong pilit kong kalimutan hindi na maalis sa isipan ko.
Flashback:
“Hello, tulungan mo akong makaalis dito sa hospital,” pabulong kong sabi kay Enan sa telepono. Inutusan kong bumili si Nanay Flor ng prutas para walang bantay.
“Hindi puwede Beatrice lalo pa't makakasama sa'yo,” giit nito sa kabilang linya.
Napabuga ako ng hangin at humiga ng malalim. “Nakikiusap ako sa'yo ikaw lang ang makakatulong sa akin. Tulungan mo na ako bago pa dumating si Primo,” pakiusap ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. “Bakit ba gusto mong makaalis?”
“Saka ko na lang sasabihin sa'yo tulungan mo muna ako. Hihintayin kita sa may labasan sa likod.” Pagkasabi ko agad kong pinatay ang tawag. Nagmadali akong nagbihis kailangan kong bilisan baka maabutan ako ni Primo.
Makalipas ang ilang minuto natanaw ko na ang paparating na sasakyan ni Enan. Paghinto niya sa harapan ko agad akong sumakay.
“Kung may binabalak ka Beatrice huwag mo ng ituloy.” Bungad sa akin ni Enan pag-upo ko pa lang. Hindi ko pinansin ang sinabi niya sinuot ko ang seatbelt saka may tinawagan.
“Ihatid mo ako sa bahay ng magulang ni Primo,” utos ko. Akala ko kokontrahin niya ang sinabi ko pero wala akong narinig na salita mula sa kaniya. “Hintayin mo ako rito,” sabi ko pagdating namin. Pagtango niya saka ako lumabas ng sasakyan.
Pag-door bell ko agad akong pinagbuksan. Kinakabahan akong pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan kong nag-uusap ang mag-asawa kasama si Atty. Ferrer.
“Magandang araw po,” bati ko. Napalingon silang tatlo sa akin.
“Hija, masaya kami na dumalaw ka sa amin,” nakangiting sabi ni Tita Amelia.
“Halika maupo ka. Tinawagan mo raw si Attorney dahil may sasabihin ka?” tanong ni Tito Simon na mas lalong nagpakaba sa akin.
“O-opo,” kinakabahan kong sagot. Nilabas ko ang papeles mula sa loob ng bag at nilapag sa mesa. Sabay-sabay silang napatingin do'n. “Tito, Tita iyan po iyong share na binigay sa akin ni Lolo sa MonteCorp binabalik ko na po. Attorney kay Primo ko po ililipat kayo na po ang bahalang umayos. Kasama po niyan ang annulment paper pumirma na rin po ako.” Pinatatag ko ang aking boses na huwag mautal.
“Teka lang Hija, anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Tito.
Hindi ko napigilan at basta na lang dumaloy ang masagana kong luha. “Patawarin niyo po ako nagsinungaling kami sa inyo ni Primo. Inalok niya akong pakasalan siya para makuha ang nakasaad sa last will and testament. Dahil mahal ko ang anak niyo pumayag ako kahit alam kong fake marriage lang iyon para sa kaniya,” pagtapat ko.
Narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ni Tito habang napatakip sa bibig si Tita. Tahimik lang si Attorney at pawang malalim ang iniisip.
“Makakatikim sa akin ang lalaking iyon humanda siya sa akin!” galit na sabi ni Tito.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
Lãng mạnIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...