Thirty-fourth Tears

1.2K 19 6
                                    

Parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang binitawan na salita ni Dad. Hindi pagkagulat ang aking naramdaman kung 'di pagkatakot. Hindi ko lubos maisip na makakayang gawin iyon ni Beatrice. Sa dami kong ginawang kasalanan sa kaniya hindi niya ako iniwan. May pagkakataon na tumakas ito mula sa poder ko ngunit agad ko siyang napabalik. May pangyayari rin na gusto na niyang kumawala pero agad kong napigilan. Kung alam ko lang sana nagawan ko ng paraan. Baka naman mali lang ako ng pagkarinig, si Beatrice imposibleng iwan ako. Mahal niya ako at alam kong hindi niya ako matitiis.

Napailing at napangisi ako sa harapan ng magulang ko. “Imposible iyang sinasabi niyo Dad, hindi magagawa sa akin ni Beatrice ang pinagtapat niyo. Mahal niya ako kaya hindi niya ako iiwan.”

Sarkastikong tumawa si Dad. “Ganiyan ka ba kabilib sa sarili mo Primo na sa lahat ng masamang ginawa mo sa kaniya magpapatanga pa si Beatrice sa lalaking kagaya mo.”

Tagos hanggang buto ang linyang binitawan ni Dad. Inaamin kong nasaktan ako at hindi ko ikakaila dahil tama siya. Naging masama ako kay Beatrice dahil sa maling akala, huli na para sisihin ko ang aking sarili. Naikuyom ko ang aking kamao napupuot ng galit ang puso ko sa ginawang pagsira nina Hana at Dylan sa buhay namin kaya hindi ko sila mapapatawad. Pagbabayaran nila ang ginawa nilang pagwasak sa amin ni Beatrice. Ipaghihiganti ko ang pagkawala ng aming anak dahil din sa kagagawan nila.

“Hindi ka makasagot dahil totoo ang sinabi ko. Kung hindi pa pinagtapat ni Beatrice sa amin ang katotohanan wala kaming kaalam-alam ng Mommy mo.” Mahina ngunit madiin ang bawat pagbigkas ni Dad.

Nawaglit ang pag-iisip ko nang narinig ko ang sinabi niyang pagtatapat. Kalalaki kong tao pero kinabahan ako, hindi para mawala sa akin ang lahat kung 'di malaman nila ang masamang pagtrato ko kay Beatrice.

“Saan ba kami nagkulang ng pagpapalaki sa'yo, Primo? Kailan ka pa naging gahaman dahil lang sa pera?” sunod-sunod na tanong ni Mom. “Totoong pagmamahal ang pinaramdam sa'yo ni Beatrice, nagawa niyang magpakasal para makuha mo ang nais mo dahil alam niyang iyon ang magpapasaya sa'yo kahit alam niyang fake marriage lang iyon. Ang hindi namin matanggap ginamit mo siya para lang makuha ang gusto mo,” maluha-luhang salaysay ni Mom.

“I-iyon po ang sinabi ni Beatrice?” nauutal kong tanong.

“Bakit mayroon pa ba?! Bahagyang tumaas ang boses ni Dad. “Kapag nalaman namin na may iba pa tuluyan ka na naming itatakwil. Kung hindi lang sa pakiusap ni Beatrice na huwag kang tanggalan ng mana lahat ng mayroon ka ay ipagwawalang bisa ko lalong-lalo na ang kompanya kahit pinaghirapan mo pa. Ganiyan ka ba kawalang puso pagdating kay Beatrice at sinali mo pa siya sa masamang plano mo?! bulyaw na galit ni Dad.

Matalim kong tiningnan si Dad. “Wala akong dapat ipaliwanag sa inyo kung mayroon man kay Beatrice lang.”

“Sige magpaliwanag ka sa kaniya kung mahahanap mo pa siya. Hanggat hindi mo nagagawa huwag kang magpapakita sa amin!” Agad tumayo si Dad habang hinabol naman siya ni Mom.

Pagkaalis ng magulang ko binalingan ko si Atty. Ferrer na kanina pa tahimik. “Wala ka bang alam kung nasaan si Beatrice?” tanong ko na kinatingin niya.

Mabilis itong umiling, “Sa mga kaso at papeless lang ako magaling pero sa paghahanap ng taong nawawala mahina ako.” Natawa pa siya sa kaniyang sinabi kaya ako napabuntong-hininga.

“Sa'yo na lang ang annulment paper dahil hindi ko pipirmahan.” Umalis ako at iniwan itong mag-isa. Habang naglalakad iniisip ko ang mga lugar na puwedeng puntahan ni Beatrice. Nang maisip ko ang puntod ni Lolo agad akong nagtungo nagbabakasakali na matatagpuan ko siya ro'n.

Laking pagkadismaya ko nang pagdating walang Beatrice akong natagpuan. Tanging kumpol na bulaklak at bagong sindi na kandila ang aking naabutan senyales na nagtungo siya rito. Napaupo ako habang nakatingin sa nakaukit na pangalan ni Lolo.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon