Sa mga oras na 'yon naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Hana. Ang sinasabi niyang pinatago ni Lolo Acio. Ito ba ang tinutukoy niya? So, it means hindi siya nagsisinungaling. Natawa ako sa kaloob-looban ko. Puwede pa lang magbago ang masamang damo.
'People change and I am one of them, my wife.'
Muli akong napaluha nang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Primo. Sa matagal na panahon kong pagkakakilala sa kaniya hindi ko pa pala siya lubos na pinagkakatiwalaan. Hindi nga ba Beatrice o ayaw mo lang paniwalaan na nagbago na nga siya? Dahil ang totoo natatakot kang magtiwala ulit sa kaniya.
Napabalik ako sa reyalidad nang bumukas ang pinto ng operating room. Lumabas ang doktor na nagopera sa kaniya. Nagsidatingan na rin ang mga taong malalapit sa buhay niya. Lumapit kaming lahat upang malaman ang kalagayan niya.
“The operation was successful but he was hit hard in the car accident. According to the current data, he is in a deep coma. Whether he can wake up depends on his will.”
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Kamuntikan pa akong matumba mabuti na lamang at maraming dumalo sa akin. Hindi ko inakala na ganito ang sasapitin ni Primo. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko sinabi ang kasinungalingan na 'yon sa kaniya wala siya ngayon sa hospital. Minsan masama ang 'di pagsabi ng katotohanan dahil magdudulot ito ng masamang epekto sa tao.
Pinahid ko ang aking luha at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko ang mukha niyang may sugat. Ang bawat natamo niyang sugat sa katawan ay ang pagkasugat din ng aking puso.
“Primo, ako ito. Primo, naririnig mo ba ako? I will always be with you and love you. I will always be by your side and never leave you. Primo, kung naririnig mo ako, please answer me. Primo, dapat gumising ka na. Dapat gumising ka kaagad.”
Hinagkan ko ang kamay niya saka hinalikan. Hinayaan kong mabasa ang kamay niya ng mga luha ko. Tahimik na nakamasid sa amin ang mga mahal namin sa buhay. Mababakas sa mga mukha nila ang kalungkutan.
“K-kasalanan namin ito ng Daddy mo. Kung hindi ka namin pinabayaan hindi ganito ang mangyayari sa'yo.”
Mangiyak-ngiyak si Tita Amelia. Sinisisi niya ang kaniyang sarili. Dinaluhan siya ni Tito Simon upang pakalmahin. Kung titingnan mo matatag siya pero ang totoo bagsak ang balikat niya. Pareho silang mag-asawa na nasasaktan habang pinapanood si Primo na nakataray at wala pang malay.
“W-wala po ibang sisisihin dito kung 'di ako. Hindi naging maganda ang pag-uusap namin kadahilanan para maaksidente siya. Nasaktan siya ng husto dahil sa mga sinabi ko.”
Muli akong napahagulgol. Naramdaman ko na lang ang paghagod ni Enan sa likuran ko. Niyakap naman ako ng aking mga kaibigan.
“H-huwag na tayong magsisihan. Ang dapat natin gawin ngayon ay manalangin upang tuluyan ng magising si Primo.”
Kapansin-pansin ang kakaibang tono ng boses ni Tito Simon. Halatang pinipigilan niyang hindi maiyak.
“Magpahinga ka muna, Beshie.”
“Wala pang laman ang tiyan mo.”
“Kumain ka muna. Kami muna ang magbabantay sa asawa mo.”
Sunod-sunod na pagsasalita ng tatlo. Umiling ako. Hindi ko siya puwedeng iwan. Gusto ko ako ang una niyang makita kapag nagising na siya.
“Hayaan na lang muna natin siya. Bibili na lang ako ng makakain niya.”
Tinig 'yon ni Enan na hindi ko kinalingon o tinanguan man lang. Sa mga oras na ito wala akong pinapakinggan dahil kay Primo lang ako nakatuon. Tulad nga ng sinabi ni Enan hiyanaan nila ako. Umuwi muna sila upang makapagpahinga. Babalik daw sila kinabukasan.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomantizmIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...