Eighteenth Tears

1K 21 1
                                    

Napahampas ng malakas sa manubela si Primo. Sunod-sunod din ang pagmumura nito. Namumula ang mukha sa tindi ng galit, humigpit ang pagkahawak niya sa manubela kaya nagsilabasan ang ugat nito sa kamay. Sumiksik ako sa pinakadulo baka saktan niya ako sa tindi ng galit niya. Kapag ginalit talaga siya hindi mo alam kung ano ang maaari niyang gawin. Hindi mo mahuhulaan ang tumatakbo sa isip niya. Humigpit ang pagkahawak ko sa laylayan ng aking kasuotan konti na lang mapupunit na. Ganito ako katakot kapag ginalit ang isang Primo Montero.

Nakayuko lang ako ayokong salubungin ang kaniyang mga mata. Nanginginig na ang buo kong katawan, gusto kong lumabas sa sasakyan at tumakbo palayo sa kaniya, ngunit kapag ginawa ko iyon baka mas lalo siyang maging mabangis na parang leon.

“Huwag!” sigaw ko. Napatakip na lang ako sa aking mukha ng tangkahin na ilapit ni Primo ang kamay nito sa akin. “Please, huwag mo akong saktan,” pakiusap ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang balikat kaya inalis ko ng dahan-dahan ang pagkatakip sa aking mukha. Takot ko siyang tiningnan, makikitaan naman sa mukha niya ang pagkalungkot.

“Ganyan ka na ba katakot sa akin?” mahina niyang tanong. Mabilis akong tumango at napakagat sa pang-ibabang labi. “Hindi kita sasaktan, gusto ko lang na hawakan ang iyong mukha,” mahinahon niyang sabi.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking pisngi, hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa mainit niyang palad.

“Huwag ka nang lumapit pa sa iba dahil hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sa kanila,” banta niya kadahilan para mapamulat ako.

“Kung may lumalapit man sa akin walang ibig sabihin no'n. Lahat sila ay tinuturing kong kaibigan, iyong kanina wala akong alam at kung mayroon man para sa akin bilang matalik na magkaibigan lang,” paliwanag ko.

“Kaibigan man o hindi ayokong may umaaligid sa iyong mga lalaki, Beatrice,” giit niya. Tinaas ko ang aking kanang kamay at dinala sa pisngi ni Primo. Marahan kong hinaplos at tipid siyang nginitian. Hinuli niya ito saka hinalikan ang likod ng aking kamay. Iyon ang unang beses na ginawa ni Primo na talagang nagpakilig sa akin. “Uwi na tayo,” aniya at pinaandar ang sasakyan.

-----

Lalabas na sana kaming pareho nang tumunog ang cellphone ni Primo. Kahit hindi ko nakita alam kong si Hana na naman ang tumatawag. Sinenyasan ako ni Primo na mauna nang lumabas, nakasimangot kong sinara ang pinto ng sasakyan.

Sinalubong ako ni Nanay Flor sa may pintuan, malawak ang ngiti nito na umabot hanggang sa tainga.

“Nanay!” tawag ko. Agad ko siyang niyakap at gano'n din siya sa akin.

“Mabuti naman at nakauwi na kayo. Si Primo nasaan?” tanong niya at napatingin pa sa aking likuran.

“May kinakausap lang po sa telepono,” malungkot kong sagot.

Inangkla ni Nanay Flor ang kaniyang kamay sa braso ko at dinala sa may hapag kainan. Pagdating namin bigla akong nagutom sa daming pagkain na nakahain sa mesa.

“Wow! Kayo po ba lahat ang nagluto, Nay?” tanong ko. “Halos paborito ko lahat ang nakahain,” dagdag ko.

Pangiti-ngiti lang si Nanay Flor sa akin at inakbayan sa balikat. “Hindi ako anak kung 'di si Primo. Maaga siyang umuwi kanina para iluto ang lahat ng iyan.” Nginuso niya ang mga Italian food na nakahain.

Natigilan ako at pinatitigan si Nanay Flor. “S-si Primo po? Bakit niya po ito ginawa?” sunod-sunod kong tanong. Hindi ako makapaniwala sa narinig kong sinabi ni Nanay Flor.

“Dahil gusto kong ipagluto ang asawa ko,” sagot ni Primo.

Mabilis ko siyang nilingon nasa bukana siya papasok sa dining area. Nanlaki ang mata kong napatingin kay Nanay Flor, sa sinabi ni Primo baka malaman niya ang tungkol sa pagtatago namin bilang mag-asawa.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon