Maaga akong nagising kahit magdamag na walang tulog. Namumugto ang aking mga mata sa walang tigil kong pag-iyak kagabi, naghilamos ako ng malamig na tubig para maibsan ang pamamaga nito. Napatingin ako sa kwarto ni Primo bago bumaba. Hindi ko alam kung nandiyan pa ang babae sa loob ng kwarto nito. Sariwa pa rin sa aking alaala ang mga kaganapan kagabi. Sa tuwing nagbabalik tanaw sa isip ko para akong masisiraan ng ulo. Pinilit ko na lang winaksi at sinimulan gawin ang gawaing bahay. May pasok ngayon sa eskwelahan kawawa naman mga estudyante ko kung liliban ako.
Nagluluto ako para sa agahan nang mapatingin ako sa dalawang tao na naghaharutan. Pababa sila sa hagdan, pawang nakabihis na silang pareho.
"Darling, thank you last night, sana maulit pa iyon," malanding sabi ng babae.
Hindi ko makita ng maayos ang mukha dahil nakatagilid ito. Tanging magandang hubog ng katawan, mahabang buhok at maputing balat nito ang nakikita ko. Mukha siyang amerikana, saang lupalop kaya ng mundo nahanap ni Primo ang babaeng ito? Napaawang ang bibig ko nang dinikit nito ang halos nakaluwa niyang dibdib sa braso ni Primo. Nasasarapan naman ito sa ginagawa ng babae, kitang-kita ang pag-umbok ng pagkalalaki nito sa suot niyang pants. Naghalikan pa silang dalawa kaya mabilis akong nang-iwas ng tingin.
"Are you going to burn my house!" malakas na sabi ni Primo.
"Achoo! S-sorry," nauutal kong saad.
Lutang ang isip ko hindi ko namalayan nasa harapan ko na sila. Naka-akbay siya sa babae habang nakayakap naman ito sa kaniya. Doon ko lang napuna ng mabuti ang mukha ng babae. Hindi naman kagandahan nalinlang siguro si Primo dahil sa makeup. Kung walang kolorete ito sa mukha para siyang bangkay sa kaputlaan. Pinilig ko ang aking ulo, mabilis kong inalis sa kalan at nilagay sa lababo, binabad ko sa tubig para lumambot. Nasunog ang niluto kong bacon dahil sa panonood sa kanila.
"Who is she?" mataray na tanong ng babae.
Kahit hindi ako nakatingin alam kong pinagmamasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"She's my maid," sagot ni Primo. Inaasahan ko naman na hindi niya sasabihin kung ano ako sa buhay niya, pero ang sabihin niyang katulong sobrang pang-iinsulto para sa akin. Tiningnan ko siya at nagtama ang aming mga mata. Hindi nagtagal siya mismo ang umiwas. "Timplahan mo ako ng kape," utos niya saka sila umalis sa harapan ko.
Nilapag ko sa mesa ang kape nito at saka umupo. Kinuhanan ko siya ng kanin at nilagay sa kaniyang plato. Inabot ko ang gatas at asukal saka nilagay sa kanin niya.
"Yuck! Ano iyang kinakain mo? Pagkain pa ba 'yan?" nandidiring tanong ng babae.
"Masarap ito, try it," sagot naman niya sa babae.
"Eww! Huwag na lang," maarteng wika niya.
Napaismid ako sa asal ng babae, akala mo kung sinong maganda nagmamaganda lang naman. Habang pinapanood ko ang kanilang lambingan kumuha ako ng pandesal saka pinalamanan ng ketchup. Hindi pa ako nakontento sinawsaw ko ito sa kape saka sinubo.
"Eww! Nakakadiri kang katulong. Umalis ka nga rito," pagtataboy niya sa akin.
"Melissa!" tawag ni Primo sa pangalan niya.
"What?! Totoo naman na nakakadiri ang kinakain ng maid mo!" bulyaw na sabi nito. Nagsukatan silang dalawa ng tingin.
"Alam mo kahit nakakadiri itong kinakain ko pagkain pa rin ito na dapat ipagpasalamat. Anong magagawa ko kung ito ang trip ko. Sa kusina na lang ako kakain at least do'n mae-enjoy kong kumain hindi tulad dito palaging may matang nakatingin insecure siguro," usal ko. Tumayo ako at binitbit ang kinakain ko.
Pagkatapos kong mag-almusal, hinanda ko ang baon naming dalawa. Bento box naglalaman ng garlic rice, adobo at pinakbet, lahat paboriti ni Primo basta Filipino food. Ilalagay ko na ang adobo nang makarinig ako ng yabag.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...