Twenty-eighth Tears

986 15 2
                                    

Sinugod ni Primo si Morris at inundangan ng malakas na suntok. Bumulagta ulit ito sa sahig at nagkaroon ng panibagong sugat. Napasigaw ako ng malakas doon dumating si Nanay Flor na napa-sign of the cross.

“Diyos ko! Anong nangyari rito?!” gulat na tanong niya.

Kahit nahihirapan akong maglakad nagawa kong itulak si Primo. Masakit na tingin ang pinukol ko sa kaniya tagos hanggang sa puso niya. Umaapoy sa galit ang itsura nito, pulang-pula ang mukha, napatiim-bagang, nagsilabasan ang ugat sa kamay hanggang braso, kuyom ang kamao na anumang oras handa na naman manuntok, ngunit hindi ako natinag sa matinding pagkasuklam nito hindi katanggap-tanggap ang kaniyang ginawa. Inirapan ko siya at pinuntahan si Morris, tinulungan naming siyang makatayo ni Nanay Flor.

“Nay, pakidala po ang panggamot,” utos ko na agad niyang sinunod.

Pinaupo ko si Morris upang gamutin ang kaniyang sugat. Halos magiba naman ang hagdan sa padabog na pag-akyat ni Primo. Napapailing na natatawa na lang si Morris sa inasal nito. Dumating si Nanay Flor dala ang medicine kit box. Sinimulan kong gamutin ang natamo nitong sugat, lalapatan ko na ng yelo ang namamaga nitong pisngi nang bumaba si Primo. Walang lingon-lingon na dumiretso ng lakad papuntang labasan. Narinig ko na lang ang pagbukas ng sasakyan saka ang paghaharurot.

“Hayaan mo muna siyang magpalipas ng sama ng loob,” ani Morris. Kinuha niya ang hawak kong yelo at siya na ang naglagay.

“Bakit mo kasi ginawa iyon? Bakit ka nagsinungaling?” sunod-sunod kong tanong. Nakatingin lang ako sa kaniya na napapangiwi sa sakit.

“Ginawa ko iyon para pagselosan siya. 'Di ba effective, selos na selos ang mokong,” pangiti-ngiti nitong sagot. Napaisip ako, si Primo nagseselos napakaimposibleng mangayri.

“Hindi iyon nagseselos, Morris. Hindi naman niya ako mahal para pagselosan ka,” malungkot kong sabi.

Napangisi si Morris sa sinabi ko. “Sa tagal naming magkaibigan ni Primo kabisado ko na ang saloobin ng mokong na iyon. Siya iyong tipo na magaling magtago ng totoong nararamdaman,” paliwanag niya.

“Tama ka riyan, Hijo.” Pagsingit ni Nanay Flor nakikinig pala siya sa pinag-uusapan namin.

Natahimik ako, sa tagal din naming magkakilala ni Primo hindi ko alam ang tungkol do'n. May mga bagay na hindi ko pa pala alam pagdating sa kaniya.

“Don't worry Beatrice si Primo mismo ang maglalabas ng totoong saloobin niya magtiwala ka lang.” Nagawa pa niyang kumindat sa kabila ng mga natamo nitong sugat. Sa paraan ng pagtitig niya parang may nakaabang na plano itong gagawin.

Pagkatapos magamot umuwi na rin si Morris. Binilin pa niya ako na huwag isipin ang naganap kanina baka hindi ako makatulog. Kahit hindi ko isipin ilang araw na akong walang maayos na tulog. Sa dami ng iniisip gabi-gabi na lang akong puyat dumagdag pa ang nililihim sa akin ng magulang ko na hanggang ngayon palaisipan pa rin. Para bang mababaliw na ako sa dami ng iniisip. Tulad ngayon hating-gabi na hindi pa rin nakakauwi si Primo. Nakatulugan ko na nga ang paghihintay sa kaniya nagising ako dahil sa sigaw ni Nanay Flor. Agad akong lumabas ng kwarto kahit paika-ika. Nakita kong nakatayo siya sa labas ng kwarto ni Primo natatarantang kinakabahan na parang ewan. Kinutuban ako ng masama para kay Primo.

“Nay! Bakit po? May masama bang nangyari kay Primo?!” natataranta kong tanong.

Hindi siya sumagot, nakahawak sa bandang dibdib nito halatang kinakabahan. Tinuro niya ang loob ng kwarto, sa sobrang pag-aalala napasugod agad ako. Nabitawan ko ang saklay sa aking pagkabila, kasabay no'n ang aking pagbagsak. Si Primo may kasamang hubad na babae sa kama nito. Nagdulot ng ingay ang pagkahulog ko kaya nagising ang dalawa.

“Good morning, Darling,” malanding sabi ng babae na ginawaran pa ng halik ang pisngi ni Primo.

Pupungay-pungay na minulat ni Primo ang kaniyang mga mata. Kinusot pa niya ito bago tingnan ang katabing babae.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon