"Anong pinagsasabi mo, Primo? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo. Hindi ako ang sumira ng buhay mo kung 'di ikaw mismo, kaya huwag mo akong pagbintangan. Kung tutuusin ikaw ang sumisira ng buhay ko. Walang mahalaga sa'yo kung 'di ang mana. Hindi na ako magtataka kung ginawa iyon ng Lolo mo dahil alam niyang mukha kang pera!" mahabang litanya ko.
Kahit nasasaktan na ako sa paghawak niya sa braso ko may lakas pa rin ako para ipagtanggol ang sarili ko. Napaatras ako at napatakip ng mukha nang tangkahin niya akong pagbuhatan ng kamay. Hinihintay ko ang pagdapo ng kamay nito sa akin pero wala akong naramdaman. Pagmulat ko ng aking mga mata wala na siya, napangiwi ako nang mapahawak sa braso kong namumula.
Kinabukasan hindi ko halos maigalaw ang kaliwang braso ko, nagkapasa ito dulot sa nangyari kagabi. Kahit gano'n maaga pa rin akong gumising para magluto.
"Achoo!" Agad kong pinunasan ang aking ilong.
Naramdaman ko na lang si Primo sa aking likuran. Nagtungo ito sa ref at kumuha ng tubig. Araw ng linggo ngayon himala na hindi siya pumasok.
"Magluto ka ng masarap na putahe may darating akong bisita mamaya," sabi nito habang nasa likuran ko.
"Okay," mahinang sagot ko hindi ko alam kung narinig niya.
Naiinis ako parang gusto nitong iparating na hindi masarap ang niluluto ko. Narinig ko na lang ang yabag nito papalayo.
Sinunod ko ang gusto niya sinarapan ko ang mga niluto ko. Wala siyang sinabi sa akin kung anong putahe kaya naisip kong puro paborito niyang pagkain ang aking ihahain, lahat Filipino food. Nahihiwagahan naman ako kung sino ang panauhin nito dahil nagpaluto pa talaga siya. Siguro napaka-espesyal na tao sa buhay ni Primo. Nakaramdam ako ng lungkot, ako kaya kailan niya ako bibigyan ng importansiya? Kailan ko kaya mararamdaman na maging espesyal sa buhay niya?
Napabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang door bell. Bubuksan ko sana nang maunahan ako ni Primo. Tumalikod na ako para bumalik sa kusina nang marinig ko ang pagtawa ng babae. Sexy at may class ang paraan nang pagtawa nito. Pagharap ko agad kong namukhaan ang espesyal na bisita ni Primo. Si Hana ang nali-link kay Primo nung kolehiyo pa kami, sila pala ngayon ibig sabihin hindi sila nagkatuluyang dalawa ni Dylan. Napakapit ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko, kung ikukumpara kay Hana walang-wala ako. Sobrang laki ng pinagkaiba namin napakaganda niya, sexy at talagang maipagmamalaki sa lahat. Kaya siguro kahit anong gawin ko hindi ko siya mapantayan sa puso ni Primo.
"Beatrice, is that you?" tanong ni Hana sa akin. Magkahawak kamay silang naglakad papalapit sa pwesto ko. "Ikaw nga!" masayang saad nito saka niya ako bineso. "So, what are you doing here?" maarteng tanong niya.
"She's my maid," pagsingit ni Primo.
Sasagot sana ako nang maunahan niya ako. Nakamamatay ang paraan ng tingin ni Primo sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa.
"Oh, I don't know that you're here. Ipapadala ko na lang ang pasalubong ko," aniya sabay yakap sa baywang ni Primo. Tipid akong ngumiti at tumango bilang sagot.
"Nakahanda na ang hapag kainan tawagin niyo lang ako kapag may kailangan kayo," wika ko at nagbigay daan.
Mula sa kusina naririnig ko ang usapan nila. Ayaw ko sanang makinig pero medyo malakas ang boses nilang dalawa lalo na si Hana.
"Do you really miss me, Honey?" malambing na tanong ni Hana kay Primo.
"Yes I am," sagot naman ni Primo. Tunog ng kutsara't tinidor lang ang naririnig kong ingay.
"The day after tomorrow, I'm going back to States. Marami kasi akong pending works na naiwan. So probably it takes a month bago tayo ulit magkita. But, I brought you lots of perfumes, I hope you can use them all," malinaw kong narinig na turan ni Hana.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...