Fifteenth Tears

1.1K 21 0
                                    

Huli na nang sinabi iyon ni Enan dahil nabasa ko na ang mensahe sa akin ni Primo. Ang sinabi pa niya burahin ko ngunit hindi ko ginawa, bakit? Hindi ko rin alam basta ayaw ko lang burahin lalo na kapag galing sa kaniya. Parang hindi rin totoo na gusto niyang sirain ang araw ko, in fact sumaya pa nga nang mabasa ko ang pangalan niya sa cellphone ko. Siguro gano'n talaga kapag mahal mo iyong tao, simpleng text lang napapaligaya ka na.

Pagbukas ko ng tarangkahan nakabukas na ang lahat ng ilaw palatandaang nakauwi na si Primo. Napatingin ako sa pambisig kong relo alas sais pa lang ang aga naman niyang nakauwi. Hinintay ba niya talaga ang pag-uwi ko gaya nang sabi niya sa text o na wrong send lang siya?

Hahawakan ko na sana ang sedura nang bumukas ang pinto, niluwa ro'n si Primo na magkasalubong ang makakapal nitong kilay. Nginitian ko siya at pumasok sa loob, binigyang daan naman niya ako.

“Kanina ka pa ba?” kalma kong tanong. Halata sa mukha niya na wala sa mood baka mamaya mag-switch personality na naman siya.

“Bakit hindi ka nag-reply sa text ko?” balik tanong niya sa akin. Kung dati pasigaw ang paraan niyang magtanong ngayon malumanay ngunit may halong pagkainis.

“Sorry, busy kasi ako kanina sa school,” pagsisinungaling ko. Minsan kailangan kong magsinungaling para huwag lang saktan.

“Even my call?” taas-kilay niyang tanong ulit. “Nakailang tawag ako kahit isa hindi mo sinagot,” mariin niyang sabi.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, ang alam ko text lang ang natanggap ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tiningnan, marami nga siyang missed call sa akin. Pinakita ko iyon sa kaniya, napabuntong-hininga na lang ito.

“Sorry ulit, naka-silent phone ko, pauwi na ako that time nung tumatawag ka,” mahina kong turan. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at tiningnan ang pambisig na relo. “Gutom ka na ba? Magluluto lang ako, bibilisan ko na lang,” dagdag ko. Kailangan ko na rin lumayo sa kaniya baka bigla na lang niyang hatakin ang buhok ko o hindi kaya ang braso ko.

“Bumalik ka rito!” sigaw niya.

Napaigtad ako sa pagsigaw niya, kumakabog ang dibdib ko papalapit sa kaniya hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya kanina. Matamang nakatingin sa akin na may seryosong mukha.

“B-bakit?” nauutal kong tanong. Nanlalamig na rin ang aking mga kamay.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, yumuko naman ako dahil hindi ko kaya ang paninitig niya.

“Achoo!” bahing ko sabay takip sa bibig.

Dahil may katangkaran si Primo napatingala ako, titig na titig siya sa aking mga mata. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin ngunit umaatras ako ng bahagya.

“Magbihis ka, kakain tayo sa labas,” utos niya.

Nagpantig ang aking tainga pilit na pinoproseso ng utak ko ang aking narinig. Kami? Kakain sa labas? Dinner date? Sunod-sunod kong katanungan sa aking isip.

“K-kakain tayo sa labas?” paninigurado ko.

Pinasingkitan niya ako ng mata, “kailangan ko pa bang ulitin?” naiiritang tanong niya. Doon ko lang napunang nakabihis na siya. Dahil sa sobrang pagkatakot ko sa kaniya hindi ko napansin ang kasuotan niya. Simpleng white t-shirt at maong pants ang kaniyang suot, ito iyong pormahan niya nung kolehiyo pa kami. Hindi ko maiwasang titigan siya dahil na-miss ko ang ganitong pananamit niya. “Ano magbibihis ka ba o tutunganga na lang?” Pinitik niya ang aking noo kaya ako natauhan.

“M-magbibihis na,” taranta kong sabi. Tinalikuran ko siya ngunit may sinabi ulit ito.

“Bilisan mo at huwag ka ng magpaganda,” wika niya. May huli pa siyang sinabi pero hindi ko narinig dahil pabulong niya iyong sinambit.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon