Tumabingi ang mukha ni Primo sa lakas nang pagkasampal ko sa kaniya. Maraming beses na niya akong pinagsalitaan ng masasakit na salita kung hindi pang-iinsulto, panghuhusga sa pagkatao ko. Mabangis ang mukha nitong humarap sa akin, nangingitngit ang mga ngipin, umigting ang panga, nakakuyom ang kamao kung saan nagsilabasan ang ugat nito sa braso sa makatuwid demonyo ang nasa harapan ko. Nang akmang pagbubuhatan niya ako ng kamay matapang ko siyang hinarap.
“Sige ituloy mo Primo saktan mo ako tutal nakakapagod na ang pang-aalipusta mo sa akin. Sagad na nga e, physically, emotionally at mentally konti na lang sa kabaong na ang bagsak ko. Mabaho ang lumalabas sa bibig mo na wala naman katotohanan, balang araw babalik din sa'yo lahat nang sinabi mo. Alam mo matatanggap ko pa kung sinabi mo na wala kang maalala pero ang pandirihan ako sumusobra ka na! Ano? Ikukulong mo ako rito sa emperyong bahay na ito? Sige gawin mo pero bago mo magawa uunahan na kita!” pagtalak ko.
Wala akong pakialam kung naiingayan siya sa walang preno kong pagsasalita. Paminsan-minsan kailangan ko rin ipagtanggol ang aking sarili, hindi siya ang nagpalaki sa akin, asawa sa papel kung ituring ako kaya wala siyang karapatan na tapak-tapakan ang pagkatao ko.
Hinintay ko siyang magsalita ngunit lumipas na ang ilang minuto patuloy pa ring tikom ang bibig niya, kaya napagdesisyunan kong iwan siyang mag-isa. Malapit na ako sa hagdan ng may yumakap mula sa aking likuran. Mahigpit niyang niyakap ang aking baywang at pinatong pa ang baba nito sa aking balikat. Nanigas ang aking katawan hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o hahayaan na lang.
“Huwag kang umalis,” aniya. Mahihimigan ang lungkot sa tinig niya.
Hindi ko naman alam ang isasagot sa kaniya kaya tinapik ko ng mahina ang kamay niya. Pinapahiwatig na tanggalin ang nakapulupot niyang kamay sa baywang ko, nang inalis niya walang lingon-likod akong umakyat sa itaas. Pagdating ko sa kwarto agad akong nagpalit ng damit, kinuha ang bag saka na lumabas. Pagbaba ko naroon pa rin si Primo akala ko nakaalis na siya. Napatingin siya sa akin ngunit patay malisya lang ako, uunahan ko na lang siya sa pag-alis. Nilagpasan ko siya pero hinuli niya ang aking kamay kadahilanan para mapahinto ako sa paglalakad.
“Aalis ka? Iiwan mo ako?” sunod-sunod niyang tanong.
Kumunot ang aking noo dahil nanibago ako sa kinikilos niya, dati naman kapag mayroon siyang hindi nagustuhan sa ginawa ko sinisigawan na niya ako ngayon malumanay ang pananalita niya. Kapag galit braso ko ang pinagbubuntunan niya ngayon maingat ang ginagawa nitong paghawak sa kamay ko.
Nilingon ko siya at hindi pinahalatang naguguluhan. “Hindi kita iiwan, aalis ako para magtrabaho,” sagot ko. Ang magkasalubong na kilay niya kanina ay napalitan ng ngiti, hindi ko na iyon pinuna pa baka biglang maging tigre. “Iyong kamay ko, aalis na kasi ako.” Nginuso ko pa iyon sa kaniya. Natataranta naman niyang tinanggal kaya palihim kong kinagat ang aking labi.
“Beatrice!” tawag niya.
Malapit na ako sa pintuan nang mapahinto ako, ang kaninang kasiyahan sa puso ko napalitan ng pangamba baka nagpalit na siya ng katauhan.
Nilingon ko siya habang nangangatog ang aking tuhod. “B-bakit?” nanginginig kong tanong.
Lumapit si Primo sa akin na mas lalo kong pinagtaka. Kung titignan ko siya ngayon, siya iyong Primo na dati kong kilala. Kung saan lahat ng magandang pag-uugali nasa kaniya na maliban lang sa pagiging alcoholic dahil noon pa man talagang palainom na siya.
“About last night, iyong tungkol sa-” Hindi niya tinuloy ang nais niyang sabihin ngunit tinuro niya ang kaniyang labi at nginuso naman niya ang labi ko. Natawa ako sa kaloob-looban ko dahil ang cute ng ginawa niyang pagakto.
Nawala ang panginginig na naramdaman ko kanina akala ko kasi nasapihan na naman siya. “Tungkol doon, okay lang kung wala kang maalala hindi ko naman ikakagalit iyon, pero kung para sa'yo hindi mahalaga sa akin mayroong halaga dahil iyon ang first kiss ko.”
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...