Tinawanan lang ni Primo ang binalita ni Enan. Seryosong bagay ngunit pinagtawanan lang niya. Balewala lang sa kaniya samantalang ako nag-aalala ng husto.
“Nagpapatawa ba siya? Talagang ako ang tinuturo niya. Sino ba siya?!” galit na tanong ni Primo.
Bahagyang tumaas ang boses niya. Ang walang tigil niyang pagtawa kanina ay napalitan ng nakakatakot na awra. Animo'y isang tigre na ginalit. Nanlilisik ang mga mata. Nangingitngit ang mga ngipin na anuman oras lalapain ka niya ng buhay.
“Ayon sa pulis na dating nagimbestiga nagpakilala ang witness sa pangalang Melchor. Sa pagkakaalam ko nasa witness protection ang lalaking iyon,” sagot ni Enan.
“Talaga lang ah! Ano ang pagkatao ng Melchor na iyan?” pangiti-ngiti niyang tanong pero ang totoo nagpupuyos siya sa galit.
Umigting ang panga ni Primo. Humigpit ang pagkahawak niya sa kumot. Umaapoy ang puso niya sa galit. Hinawakan ko kamay niya sa ganitong paraan mabawasan man lang ang poot na kaniyang nararamdaman.
“Wala pa akong ideya,” bagsak balikat na sagot ni Enan. “Aalis na muna ako para kumalap ng impormasyon. Huwag kang mag-alala Primo hindi ako naniniwala sa sinasabi ng Melchor na iyon. Alam kong may foul play na nagaganap.”
Tinapik niya ang balikat ni Primo. Tumango lang siya ng mahina kay Enan. Kahit hindi niya sabihin alam kong nasira ang kaniyang araw. Pagkaalis ni Enan tahimik lang siya. Ang lalim ng iniisip. Gusto kong alamin kaya lang nagdadalawang isip ako. Dahan-dahan ko siyang pinahiga sa kandungan ko. Napangiti ako nang yakapin niya ang binti ko.
“Alam kong hindi mo iyon magagawa. Malaki ang tiwala ko sa'yo. Wala akong ibang paniniwalaan kung 'di ikaw lamang.”
Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Akala ko nakatulog siya dahil wala siyang imik. Napahinto ako sa paghaplos ng hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko inaasahan na hinalikan niya pagkatapos niyakap ng mahigpit. Kalaunan narinig ko na lang ang mahinang paghilik niya.
Nagising ako ng may narinig na nagsasalita. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Napuna ko na lang nakahiga ako sa kama. Nakatulog pala ako ng hindi ko namalayan. Kaagad kong hinanap si Primo. Natagpuan ko siyang nakatayo sa may bintana habang may kausap sa cellphone. Sinadya kong makinig sa pinaguusapan nila ng kausap niya.
“P're, I need your help. Hindi pa kasi ako makalabas sa hospital. Alamin mo kung sino iyong Melchor na nagdidiin sa akin. May ideya na ako pero wala akong sapat na ebidensiya. Gusto kong turuan ng leksiyon ang taong gusto akong pabagsakin. Huwag kang mag-alala babayaran ko ang serbisyo mo basta gawin mo lahat ng makakaya mo. Okay sige magbalitaan na lang tayo.”
Nabigla siya nang makita akong nakatayo sa harapan niya. Nginitian ko siya at gano'n din siya sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa akin.
“Bakit tumayo ka na? Humiga ka nga,” utos ko.
Hindi siya umangal sa sinabi ko. Inalalayan ko siyang makahiga sa kama niya. Inayos ko ang pagkakumot niya hanggang sa maging komportable na siya. Aalis sana ako upang maghilamos nang hinawakan niya ang kamay ko.
“Salamat sa pagtitiwala wife ngunit hihilingin ko sana huwag kang mag-alala sa akin. Ako ang bahala sa lahat. Marami na akong pinagdaanan na mas mahirap pa at kinaya ko lahat ng iyon. Kaya magtiwala ka sa akin malalagpasan ko ito.”
Umupo ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. “Hindi naman puwede na basta na lang akong hindi mag-alala. Pero sige dahil may tiwala ako sa'yo hahayaan kita. Basta dito lang ako, dito sa tabi mo.”
Bumangon siya at ang sinunod niyang ginawa ay hinalikan ang noo ko. Napangiti kami sa isa't isa, pagkalipas ng ilang segundo bumukas ang pinto. Napatayo ako ng may mga pulis na nagsidatingan. Kasabay ng ilang doktor, nurse at si Cristal.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...