Magmula ng magdesisyon akong bumalik sa Maynila palagi na lang akong kinukutuban ng masama. Natatakot akong magtagpo ulit ang aming landas at dumating na nga ang kinatatakutan ko. Ilang taon ba kaming hindi nagkita? Limang taon at sa limang taon na iyon marami na ang nangyari sa buhay namin ngunit may mga bagay pa rin talaga ang hindi nagbabago. Wala pa rin pagbabago ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigin, ang pag-uugali kaya niya nagbago na o katulad pa rin ng dati?
Napayuko ako dahil hindi ko kinaya ang paraan ng pagtitig niya. At sa pagyuko ko nakita ko sa aking paanan ang wedding picture namin ni Primo. Lumakas ang kabog ng dibdib ko, agad akong napaangat ng mukha at pagtingin ko sa kaniya nakatingin din siya sa larawan namin.
“Daddy,” mahinang tawag sa kaniya ng batang lalaki.
Anak pala niya ang batang ito, ibig sabihin anak nilang dalawa ni Hana. Napatingin sa kaniya si Primo dahil sa pagtawag nito. Akmang kukunin ko ang photo frame nang pinulot ito ng bata.
“Look, ikaw po ito. Unang kita ko pa lang po sa'yo alam kong ikaw ang Mommy ko.” Masaya niyang pinakita sa akin ang larawan. Tiningnan ko naman ito at tipid na ngumiti. Ayaw ko sanang tingnan dahil bumabalik lang sa akin ang lahat pero baka magtampo ang bata kaya pinagbigyan ko.
Bakit ako ang kinikilala niyang Mommy kung nandiyan naman si Hana? Habang nakatingin itong nakangiti sa hawak na larawan nakaramdam ako ng pagkaawa. Pakiramdam ko sabik ang batang ito na magkaroon ng Ina. Nasaan na ba si Hana? Bakit hindi niya inaalagaan ang anak nila? Kusa na lang umangat ang kamay ko at hinaplos ang buhok niya.
“Ace, go out first. Your Mommy and I will just talk about something.”
Namilog ang mata ko sa sinabi ni Primo. Hirap na nga akong ipaliwanag sa bata ang katotohanan dinagdagan pa niya. Agad sinunod ni Ace ang utos ni Primo masunurin na bata. Lumabas ito na hawak pa rin ang wedding photo namin.
“Don't! Diyan ka lang.” Pagtigil ko kay Primo dahil akmang lalapit ito sa akin. Huminto siya at tinaas ang dalawang kamay. “May mga sasabihin lang ako pagkatapos nito aalis na ako,” panimula ko. “Una, hindi ko nagustuhan ang pagsisinungaling mo sa bata. Pangalawa, bakit niyo siya pinapabayaang umalis na mag-isa? Pangatlo, nasaan si Hana? Bakit hindi niya inaalagaan ang anak niyo? Pang-apat, dapat hindi kayo nawawala sa tabi niya at panghuli sabihin mo sa kaniya na hindi ako ang Mommy niya,” pagtalak ko.
Akala ko seseryosin niya ang mga sinabi ko pero ang hudyo pinagtawanan lang ako. Dahil mukha akong napahiya at walang balak makinig sa akin minabuti kong umalis na lang. Katulad pa rin siya ng dati ayaw pakinggan ang mga sinasabi ko. Mabilis ang ginawa kong paghakbang hindi pa ako nakakaabot sa may pintuan ng hinawakan niya ang aking kamay.
“Sorry, wala naman akong balak na pagtawanan ka. Masaya lang ako dahil nakita ulit kita. Namiss kita ng sobra.” Ang malakas na pagtawa niya kanina ay napalitan ng seryosong mukha. Agad kong inalis ang nakahawak niyang kamay. Nagpatay malisya rin ako sa kaniyang sinabi. Dumistansiya ako sa kaniya mahirap na baka katulad pa rin siya ng dati na nananakit. “Saan ka ba nagpunta? Bakit mo ako iniwan? Anong nangyari sa'yo? Alam mo bang matagal kitang hinanap,” sunod-sunod niyang tanong.
“Wala akong dapat ipaliwanag sa'yo,” mariin kong sagot.
“Mayroon dahil asawa kita!” Bahagyang tumaas ang boses nito kaya napatingin ako sa pinto baka biglang pumasok si Ace at isipin niyang nag-aaway kami.
“Puwede bang magsalita ka ng hindi sumisigaw. Hindi na tayo katulad ng dati na puwede mong sigawan dahil wala naman makakarinig na ibang tao ngayon iba na dahil nandiyan na si Ace,” mahina kong sabi. Huminto ako sa pagsasalita at pinatitigan siya. “Ngayon kinikilala mo na akong asawa dati maid ang tingin mo sa akin. Ang galing!” Nagawa ko pang pumalakpak. “Oh wait, as far as I know hindi na kita asawa, Mr. Primo Montero,” mataray kong saad.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...