Forty-first Tears

1.1K 15 3
                                    

Mabilis na umiling si Primo. Hindi ko napaghandaan ang bigla niyang pagyakap. Nanigas ang katawan ko sa ginawa niya. Mahigpit ang yakap nito at halos hindi na ako makahinga. Hindi ko siya niyakap pabalik ultimo mga kamay ko ay hindi dumapo sa likuran niya.

“No, alam kung may dahilan kung bakit tayo pinagtagpong muli. Hindi kita susukuhan, Beatrice. Never!” Panay ang haplos nito sa aking buhok. Nahalata ko ang pagtaas baba ng balikat niya. Umiiyak ba siya?

“Umalis na tayo Primo mala-late na ako,” mahinang saad ko. Nakahinga ako ng mabuti nang bumitaw ito. Hindi niya ako tinapunan ng tingin at diretso agad sa may harapan. Mabilis din niyang pinaandar ang sasakyan. Napansin ko na lang na basa ang bandang balikat ng uniporme ko.

Nang makarating kami mabilis itong bumaba at umikot para lang pagbuksan ako. Yumuko ako paglabas dahil maraming matang nakatingin sa amin mga estudyante at guro. Pilit ko pang tinatago ang aking mukha para hindi nila makita. Agaw eksena kasi ang mamahaling sasakyan ni Primo pati ang itsura nito. Papasok na ako sa gate ng hinili niya ang kamay ko at maingat na hinalikan sa noo. Natulala ako hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa maraming tao. Kahit nakalayo na ang sasakyan nito hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Kung hindi ko pa narinig ang bell hindi pa ako matatauhan.

Sumapit ang tanghalian may meeting ang ibang guro kaya mag-isa akong kumakain. Nakakalungkot mabuti na lang sinamahan ako ng school director. Nag-uusap kami habang kumakain usually tungkol sa paglipat ko at sa mga estudyanteng tinuturuan ko. Naging maganda naman ang daloy ng pag-uusap namin hanggang mapunta ito tungkol sa personal na buhay.

“Kumusta na ang anak mo?” tanong niya. Bago malaman ng mga kasamahan kong guro ang tungkol kay Mirielle siya muna ang unang nakaalam.

“Mabuti naman po. Sa katunayan makikita ko na siya,” nasasabik kong sagot.

Gumuhit ang linya sa noo nito. “Ibig mong sabihin uuwi ka this weekend? Hindi ka ba mahihirapan matagal ang biyahe. Bakit kaya hindi mo na lang isama ang anak mo pagbalik para hindi mo siya mamiss at araw-araw mo pang makakasama,” suhestiyon niya.

“Naisip ko na rin po iyan kaso wala akong mapagiwanan sa kaniya na puwede kong pagkatiwalaan. Kapag nandoon siya maraming mag-aalaga at titingin sa kaniya dahil kilala ko na ang mga tao ro'n,” paliwanag ko.

Napatango siya. “Sabagay tama ka, ang mahalga sa ating magulang ay ang kaligtasan ng ating anak,” pag-sangayon niya. Katulad ko isang magulang rin siya kaya naintindihan niya ako. “Maiba ako, ikaw pala ang asawa ni Mr. Montero mabuti at nahanap ka na niya,” dagdag niya.

“Po?!” Kapansin-pansin ang pagkagulat ko dahil nahinto siya sa pagsubo. “A-ano pong ibig niyo sabihin?” kinakabahan kong tanong.

“Nakita ko kayo kanina ang sweet niyo ngang dalawa. Masaya ako dahil lahat ng paghihirap noon ni Mr. Montero sa paghahanap sa'yo ay nasuklian,” sagot niya.

“Ah?” naguguluhan kong tanong.

“Hindi mo ba alam nanawagan siya sa tv upang mahanap ka. Kaya nung una kitang nakita parang pamilyar ka sa akin. Although nag-iba ang itsura mo sa pinakita niyang larawan mo five years ago. Bukod diyan napakabait na tao ang asawa mo malaki ang naitulong niya sa paaralan natin. Iyong mga lumang building pinagawa niya para iwas disgrasya raw. Namigay pa siya ng mga pabahay para sa taong nawalan ng bahay nung bumagyo at bumaha. Hindi lang binalita sa tv dahil ayon sa kagustuhan ng asawa mo,” mahabang pahayag niya. “Mauna na ako sa'yo,” paalam niya pagkatapos kumain.

Napagtanto kong marami akong hindi nalalaman buhat nang umalis ako. Sa loob ng limang taon may mga bagay na rin akong hindi alam kay Primo. Kaya ba nasabi niya sa akin may mga bagay akong hindi nalalaman? Kung mayroon ano ang mga iyon?

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon