Twentieth Tears

1.1K 20 0
                                    

Nasa hardin kaming dalawa ni Primo masayang nagkwekwentuhan habang umiinom ng mainit na tsokolate. Aming sinariwa ang masasayang alaala magmula kung paano kami nagkakilala hanggang sa kami ay maikasal.

“Ang dami na pala nating pinagdaanan sa hirap man o ginhawa,” nakangiti kong sabi.

Masasabi kong si Primo ang magandang nangyari sa buhay ko. Naging isang bangungot lang ito ng bigla siyang nagbago. Ilang taon akong nagtiis sa pagiging malamig niya, pang-aalipusta at kahit ano pa ngunit kinaya ko dahil nangingibabaw sa akin ang pagmamahal ko para sa kaniya. Siguro gano'n talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong kamalian ang ginawa niya sa'yo babalewalain mo lang.

Binaba niya ang tsokolateng iniinom saka ako pinatitigan. Nagtama ang aming mga mata, walang gumagalaw, kapwa pigil hininga, rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung gano'n din siya.

“Naghirap ka ba sa akin o pinahirapan ba kita?” mahina niyang tanong.

Natigilan ako sa kaniyang tanong, gusto kong umiwas pero hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa mga mata ko. Naiipit ako sa dalawa kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi.

“Mahirap bang sagutin ang tanong ko?” tanong niya ulit.

Namamawis na ang kamay ko, paano ko ba sasagutin ang tanong niya na hindi siya magagalit?

“Ah, a-ano hindi naman. Ang totoo kahit pinapahirapan mo ako nagawa kong magpakatatag dahil naniniwala ako na may dahilan. Bakit nga ba, Primo?” balik tanong ko. Sabay kaming napalingon na dalawa ng may babaeng pumasok at nagwawala.

“Hana,” sambit ni Primo. Napatayo siya at gano'n din ako. Agad tumingin sa akin si Hana na nagpupuyos sa galit. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Primo. Lumapit siya kay Hana, hahalik sana ito sa pisngi niya ngunit umiwas ito.

“So tama nga na nagkakamabutihan na kayong dalawa!” sigaw ni Hana. Hinawakan siya ni Primo sa magkabilang balikat nito para pakalmahin ngunit mabilis na tinabig ni Hana ang kamay nito. Humarap siya kay Primo na nanggagalaiti sa galit. “Nakalimutan mo na ba ang kasalanan na ginawa sa'yo ng babaeng iyan, Honey?” tanong niya sabay turo sa akin. Tahimik lang si Primo habang pinapakinggan ang sinasabi nito. “Ipapaalala ko lang sa'yo, sinungaling ang babaeng iyan hindi mapagkakatiwalaan, haliparot at malandi. Gusto mo ng ebidensiya? Heto tingnan mo para maniwala ka.”

May binigay siya kay Primo na hindi ko malaman kung ano. Inisa-isang tiningnan ni Primo, kinumos niya ito pagkatapos tingnan lahat. Nangatog ang tuhod ko ng nanlilisik ang mga matang tumingin sa akin. Tinungo niya ako at hinigit sa braso ng sobrang higpit.

“Ano bang sinabi ko sa'yo, Beatrice? Ang sabi ko huwag kang lumapit sa mga lalaki kaibigan mo man o hindi pero anong ginawa mo lumandi ka na naman. Titigil ka lang siguro sa kalandian mo kapag kinulong kita,” mariin niyang sabi.

“H-hindi ko alam ang sinasabi ni Hana sa'yo. Hindi ko rin alam kung ano ang pinakita niya at nagkaganyan ka, wala akong ginawang masama at higit sa lahat wala akong nilalandi. Paniwalaan mo naman ako Primo,” pagsusumamo kong sabi.

Hindi niya ako pinakinggan bagkos kinaladkad niya ako papasok sa loob ng bahay. Nagpupumiglas ako ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko. Nakasalubong namin si Nanay Flor at pinipigilan si Primo ngunit hindi siya pinansin nito. Dinala niya ako sa bodega at pilit na pinapasok. Hinahawakan ni Nanay Flor ang kamay nito para pigilan pero malakas si Primo. Pabagsak niya akong pinasok sa loob at agad sinarado ang pinto, hindi pa nakontento kinandado pa nito.

“P-parang awa mo na palabasin mo ako rito, wala akong kasalanan,” paos kong sabi. Sa kakasigaw ko nawalan ako ng boses.

“Hanggat hindi ka nagtatanda mabubulok ka riyan, itatak mo iyan sa kukote mo! Nanay, huwag mong tatangkahin na pakawalan si Beatrice kung 'di mananagot ka rin sa akin!” malakas niyang bulyaw na rinig ko hanggang sa loob.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon