Forty-ninth Tears

1K 19 0
                                    

Napahinto sa pagsubo si Primo. Binaba niya ang kutsara at pinunasan ang bibig. Inabutan ko siya ng isang basong tubig ngunit hindi niya ininom.

“Hindi ka na ba natatakot na mahalin ang kagaya ko?” tanong niya.

Napakaseryoso ang mukha niya. Halos hindi siya kumukurap. Titig na titig sa aking mga mata. Tumitig din ako sa kulay bughaw niyang mata.

“Mas natatakot akong mawala ka,” sagot ko.

Sumilay ang ngiti sa labi niya. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya hinalikan ang likod ng palad ko. Dahil sa ginawa niya ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. Hindi pa ako nakontento hinalikan ko rin ang likod ng palad niya.

“Natatakot din akong mawala ka. Pero ano iyong sinasabi mo kanina? Mukha kasing napakaseryoso mo,” taas babang kilay na saad niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pabor siya sa naisip ko. Knowing Primo siya iyong tipo na hindi basta-basta pumapayag. May prinsipyo at paninindigan kaya mahirap siyang kumbinsihin.

“Huwag mo muna isipin ang tungkol do'n. Magpagaling ka muna saka ko sasabihin sa'yo. Maiba ako anong gusto mo kainin bukas?” pangiti-ngiti kong tanong.

Tinanong ko siya na may kasamang paglalambing. Iniba ko ang pinaguusapan namin. Ayaw kong isipin niya ang tungkol do'n hindi pa naman siya tuluyan na magaling. Higit na dapat pagtuonan ang kalusugan niya kaysa sa bagay na iyon.

“Ikaw,” tipid niyang sagot. Napalunok ako sa sarili kong laway. Binaling ko sa ibang direksiyon ang aking tingin. Nagkunwari ako na walang narinig. “Bakit hindi ka makatingin sa akin? Ano ba ang iniisip mo?” Huminto siya sa pagsasalita. Tiningnan niya ako ng maigi na para bang binabasa ang tumatakbo sa isip ko. “Alam ko na ang iniisip mo siguro tungkol sa-”

“H-huwag mong ituloy,” pagsingit ko.

Natawa siya sa reaksiyon ko. Sigurado akong namumula ang pisngi ko. Ang lamig sa kwarto niya ngunit pinagpapawisan ako.

“Ang sabi ko ikaw, ano ba ang gusto mo kainin? Mas masarap kumain kapag may kasama,” kindat niya.

Nakakainis siya. Hindi ba niya alam na kinikilig ako kanina pa. Nagpipigil lang upang hindi niya mapuna. Nakakapanghina ng tuhod ang taglay niyang karisma. Parang hindi galing sa pagka-coma ang loko.

“Hindi naman patanong ang pagkasabi mo kanina. Iba tuloy ang pagkaintindi ko. Haist, nakakainis ka!” pagmamaktol ko. Umarte akong nagmamaktol o naiinis ngunit ang totoo nahuli niya ako sa kahihiyan kaya wala akong mukha na maihaharap sa kaniya.

Tumalikod ako dahil sa pagkahiya. Mainit ang mukha ko tiyak namumula ito abot hanggang tainga. Nanigas ang katawan ko nang niyakap niya ako patalikod. Pinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko saka hinalik-halikan ang leeg ko. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Hindi niya alam minumura ko siya sa aking isip. Todo ang pagpipigil ko ngunit siya hindi man lang marunong mag-control.

“Walang kaso sa akin iyon wife. Don't worry mangyayari ang iniisip mo. Dapat palagi kang handa,” bulong niya sa punong tainga ko.

Dumaloy ang napakalakas na boltahe ng kuryente sa buong katawan ko. Nagsitayuan ang balahibo ko. Napatakip na lang ako sa mukha. Wala akong lakas para humarap sa kaniya kaya minabuti kong hindi magsalita. Nanatili akong nakatalikod kahit panay ang pagtawa niya.

-----

Umuwi ako pagdating ni Nanay Flor kasama niya ang mga bata. Siya muna ang pinagbantay ko. Sa mansion na pinatira ni Primo si Mirielle pero ako sa tinutuluyan ko pa rin ako umuuwi. Ayaw kong makarinig na pinaguusapan ako ng mga tao sa mansion. Panay ang pag-alis ni Enan kaya tama lang ang naging desisyon ni Primo. Hindi ko puwedeng iasa sa kaniya ang pagbabantay sa pamangkin niya. Pagdating ko sa bahay naligo muna ako. Pagkatapos hinanda ko ang mga kakailanganin sa pagluluto. Nang handa na ang lahat sinimulan ko nang magluto. Dapat bago magtanghalian nakarating na ako sa hospital.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon