Nang umalis si Beatrice halos wala na akong pahinga. Ginagawa kong umaga ang gabi para lang hanapin siya. Lahat ng koneksiyon ko ay nahingian ko na ng tulong pero katulad ko wala rin silang magawa. Umabot sa punto na pati kalusugan ko ay inabuso ko na. Kahit nagkanda-sakit-sakit na ako hindi pa rin ako huminto. Ang kompanyang pinaghirapan kong palaguin ay muntik ng mawala. Mabuti na lang may mga taong pang nagmamalasakit sa akin at tinulungan nila ako. Ang magulang ko ay ayaw akong tanggapin hangga't hindi ko nagagawa ang nais nila.
Sa limang taon na iyon sinigurado kong hindi makakalabas sina Dylan at Hana. Kung habambuhay akong maghihirap, habambuhay din silang magdurusa sa selda. Ngunit isang pangyayari ang hindi inaasahan nawala ang buhay ng isang inosente. Labis kong sinisisi ang aking sarili, dalawang buhay ang nawala dahil sa kagagawan ko. Akala ko hindi na ako makakaahon pa ngunit nung dumating sa buhay ko si Ace nagkaroon ako ng pag-asa.
Nabuhay ulit akong kasama siya, siya na lang ang natitira kong pamilya magbuhat nang iwanan ni Beatrice. Nagawa kong pagsabay-sabayin ang lahat hanggang ngayon hindi ko tinigilan ang paghahanap sa kaniya. Nahalungkat ko na ang buong Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Kahit anong paghihirap titiisin ko dahil naniniwala akong pinaglayo man kami subalit pagtatagpuin din.
Isang araw, tumawag sa akin ang driver ni Ace mahuhuli siya ng pagsundo sa kaniya dahil pinapagawa niya ang sasakyang nasira. Kahit abala ako sa opisina sinundo ko siya sa paaralan ngunit walang Ace akong nakita. Palinga-linga ako sa paligid hanggang nakatanggap ako ng mensahe nasa bahay na ang bata. Dumiretso na ako sa bahay, pagdating ko hawak ni Ace ang wedding photo namin ni Beatrice.
“Ace,” tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya nag-angat ng mukha patuloy itong nakatingin sa larawan at hinahaplos pa.
“I saw her kanina, Daddy. She's my Mommy, isn't she?” he asked.
Hindi ko sinagot ang tanong niya akala ko sabik lang siyang magkaroon ng Ina kaya hinayaan ko lang. Kinabukasan, tinawagan ako upang ipaalam na nawawala si Ace. Napamura ako ng malutong, pinagmumura ko sila dahil hindi nila ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho. Hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap, nawawala pa nga si Beatrice ngayon naman pati si Ace. Nilibot ko ang buong subdivision baka makita kong pagala-gala ang bata. Malapit na akong mawalan ng pag-asa mabuti na lang sinabi nilang nasa bahay na ito. Agad kong pinatakbo ang sasakyan, pagdating ko nakatanggap ng sermon ang mga kasambahay pati na rin ang mga taong inutusan kong magbantay. Tahimik lang ang mga ito at tinanggap ang sermon na ginawad ko. Sinabi nilang nasa kwarto si Ace kaya hindi ko mapigilang magsisigaw. Hindi ako galit sa ginawa niya, nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit dahil hindi ko nagagawang protektahan ito.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang taong nakita ko sa loob ng kwarto. Pagkalipas ng limang taon muli ko siyang nasilayan, dumating na ang araw na kami ay muling pinagtagpo. May mga bagay na nagbago sa kaniya ngunit may bukod tanging nanatili. Ang dati nitong mahabang buhok ay hanggang balikat na lang. Ang medyo payat niyang katawan noon ay nagkalaman na. Kapansin-pansin din na mas lalong kuminis ang maputi nitong balat. Nakadagdag pa ang mamula-mula niyang pisngi. Ngayon ko lang siya napuna ng husto dahil noon ay hindi ko man lang matapunan ng tingin. Napangiti ako sa kaloob-looban ko, nagbago man ang panlabas niyang anyo dating Beatrice pa rin ang nasa harapan ko. Kung saan kinikilala pa rin ng ilong nito ang presensiya ko.
Gusto kong tawirin ang pagitan naming dalawa at sunggaban ng halik ngunit umaatras ako baka tumabingi ang mukha ko kapag ginawa ko iyon. Naalala kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya kaya niya ako iniwan. Kahit na sinusungitan niya ako sa muli naming pagkikita ayos lang sa akin ang mahalaga bumalik na siya.
“Pakiusap huwag mong gamitin ang bata para sa pansarili mong kapakanan,” pakiusap niya. Alam ko ang tinutukoy niya pero gusto kong makita kung paano siya mainis mas lalo kasi akong nagagandahan sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...