Twenty-fourth Tears

952 17 0
                                    

Akala ko hindi magiging maganda ang araw ko ngayon. Nagalit si Primo nung kinausap ko siya, akala ni Enan galit ako sa kaniya, mas lalong gumulo ang isip ko dahil sa pinagsasabi ng mga kaibigan ko. Pag-uwi nasiraan iyong taxi na sinakyan ko dahil do'n napilitan akong maglakad. Sa paglalakad ko nasaksihan ko ang dalawang aso na nagtatalik. Parang pinapamukha sa akin na wala kong sex life at muntik pa akong masagasahan. Ngunit hindi ko inakala na may magandang mangyayari rin pala.

Ang hindi ko inaasahang pagkikita namin ni Morris. Isa sa matalik naming kaibigan ni Primo nung high school. Kahit tumungtong na kami sa kolehiyo kami pa rin tatlo ang magkakasama nadagdagan nga lang dahil nagkaroon ako ng ibang kaibigan tulad nina Cindy, Jenny at Donna. Si Dylan naman ang naging bagong kaibigan ni Primo at hindi nagtagal naging bestfriend niya the same with Morris.

Kahit magkakaiba kami ng kurso tinitiyak namin na may nakalaan na oras para sa bonding naming magkakaibigan. Siyempre hindi rin kami pahuhuli ni Primo dahil may you and me time kami para sa isa't isa.

Graduation nung huli naming pagkikita ni Morris. Balita ko kinabukasan lumipad siya papunta sa ibang bansa. Doon siya nakapasa at nakabilang sa SWAT team, kaliwa't kanan ang napatumba niyang sendikato kung saan nakilala siya ng husto.

“Morris, ikaw nga!” masaya kong sambit habang papalapit siya sa akin. Lumabas pa talaga siya ng kaniyang sasakyan para lang lapitan ako at yakapin.

“Hindi nga ako nagkamali dahil hanggang ngayon matatakutin ka pa rin. Kumusta ka na, Beatrice?” tanong niya pagkatapos naming magyakapan.

“Heto matatakutin pa rin gaya ng sabi mo.” Mahina akong natawa. Natawa rin si Morris dahil sa sinabi ko.

“Pero ako ang natakot para sa'yo kanina. Kung hindi ako nakapagpreno at nagbusina baka nasagasahan na kita. Sa sobra mo ngang pagkatakot sinabihan mo akong asong ulol.” Walang tigil ito sa kakatawa, hindi pa rin siya nagbabago daig pa ang babae kung makatawa wagas. Nung tinaasan ko na siya ng kilay at sinimangutan agad siyang tumigil. Alam kasi niya na hindi na ako natutuwa kabisado na niya ang kilos ko. “Okay, I'm sorry hindi ko lang kasi makalimutan iyong itsura mo kanina.” Tumigil ito sa pagsasalita saka ginulo ang buhok ko. Ganyan ang paraan niya para mawala ang pagkainis ko. “Maiba nga ako, ihahatid na kita kung saan ang punta mo.”

Napatingin ako sa pambisig kong relo malapit ng magtanghalian. Hindi ko na hinintay pa si Morris na pagbuksan ako ng pinto, ako na mismo ang nagbukas at nagmadaling sumakay. Kung hindi ako makaabot sa lunch patay ako nito.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko gusto ko ngang sabihan si Morris na bilisan ang pagpapatakbo pero baka magtaka at ulanin ako ng tanong. Hindi ako sigurado kung may alam siya tungkol sa amin hindi naman yata nagkwekwento si Primo sa kaniya.

“Ituturo ko na lang ang daan at kung puwede pakibilisan. Salamat Morris.” Pilit ko siyang nginitian akala ko mapupuna niya laking tuwa ko na lang nang sinunod nito ang sinabi ko. Kinabahan ako ng malamang malapit na kami. “Ikaw, bakit ka pala nadayo rito?” Napatanong ako na wala sa oras para lang mawala ang kabang gumagambala sa akin.

“Dahil sa isang kaibigan. Kakauwi ko nga lang pero agad niya akong pinapunta rito.” Kalma lang ang sagot nito sa akin hindi halatang pagod o may jetlag. “Pasensiya na hindi kita nasabihan wala na kasi akong contact sa'yo mabuti na lang nagkita tayo accidentally.” Hinawakan ko lang siya sa kaniyang balikat saka tinapik-tapik. Sa gano'ng paraan malaman niyang hindi big deal para sa akin.

“D-dito na lang ako Morris huwag mo nang ipasok ang sasakyan mo sa loob,” kinakabahan kong sabi. Baka mamaya nag-aabang si Primo sa pinto tapos makikita niyang magkasama kami mas lalong uusok ang ilong sa galit.

“Okay lang Beatrice para malaman ko kung saan ka nakatira para palagi na kitang dadalawin.” Nagawa pa niyang kumindat habang ako'y kinakain ng kaba.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon