Dahil sa matinding galit hindi ko napigilan ang aking sarili. Dala na rin ng adrenaline nahampas ko ng malakas ang mesa. Nakaligtaan kong katabi ko pala ang aking asawa. Napaigtad siya dahil sa pagkabigla samantalang tawang-tawa naman ang tinuturing kong bestfriend.
"Thank you P're for hard work. Alam mo na ang gagawin mo. Expect your millions within this day," sabi ko sa kaniya sa kabilang linya.
"Iyan ang gusto ko sa'yo Montero. Sa uulitin para ubusin ko ang yaman mo," masaya niyang turan.
Pinatay ko ang tawag at tinuon ang pansin kay Beatrice. Tahimik lang siya ngunit alam kong natakot sa ginawa ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nanginginig. Napamura ako sa aking isip. Natatakot akong katakutan niya ulit ako.
"I'm sorry hindi ko napigilan ang aking sarili. Alam kong natakot ka kaya patawaran mo ako wife," paghingi ko ng paumanhin.
Walang tigil kong hinalikan ang dalawa niyang kamay upang maibsan ang kaniyang pagkatakot. Pinahinto niya ako sa aking ginagawa. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka niya pinisil. Napaigik ako sa sakit. Siguro ang pangit ng itsura ko kaya siya natawa.
"Okay lang. Sa una nagulat ako ngunit nawala rin kalaunan. Alam kong hindi mo sinasadya. Nadala ka lang ng galit kaya mo iyon nagawa. Sa katunayan nga kulang pa nga iyong ginawa mo. Kung ako iyon nagsisigaw na ako dahil sa inis," paliwanag niya.
Sinakop ng dalawang palad ko ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mga mata niya ng siniil ko siya ng halik sa labi. Hindi siya makapalag dahil inipit ko ang binti niya. Pagkahiwalay namin pinagdikit ko ang aming noo.
"Wife gusto ko ng apple. Pakibalatan mo naman ako maaari ba?" malambing kong tanong.
"Oo naman," mabilis niyang sagot.
Tumayo siya at tinungo ang mesa na puno ng prutas. Kumuha siya ng ilang piraso saka tinabihan ako. Titig na titig ako sa kaniya habang pinapanood ang gingawa niya. Nawala lang ang tingin ko nang tumunog ang cellphone ko. Mensahe galing kay Morris. Mga ebidensiya na kaniyang nakalap. Napukaw ang atensiyon ko sa huling pinadala niya. Gusto kong malaman kung ano ang nilalaman kaya pinakinggan ko.
"Boss, huwag niyo po idamay ang mag-ina ko. Lahat gagawin ko basta ipangako niyo lang na hindi niyo sila sasaktan."
"Lahat ng ipapagawa ko gagawin mo?"
"O-opo maaasahan niyo po ako."
"Kung gano'n magpanggap kang witness at idiin mo si Primo Montero bilang suspek sa pagkamatay ng biyenan niya. Palabasin mo na hindi aksidente ang nangyari at siya mismo ang nagplano na paslangin ang magulang ng asawa niya."
"P-pero boss hindi ko kayang gawin ang pinapagawa mo. Hindi naman yata makatarungan na idamay ang inosenteng tao. Iba na lang ang ipagawa mo sa akin huwag lang iyon."
"Alam mo ba Melchor na isang tawag ko lang patay ang mag-ina mo. Kaya gagawin mo ba o hindi?"
"G-gagawin ko na basta huwag niyo sasaktan ang mag-ina ko."
"Iyan ang gusto ko sa'yo, Melchor. Babagsak ka na ngayon Montero."
Naikuyom ko ang aking kamao. Boses ni Alejandro Tan at Melchor ang nasa voice recorder. Malinaw na gusto akong pabagsakin ng elder na iyon. Matagal ko ng kilala si Alejandro Tan sa larangan ng business. Marumi siyang negosyante. Halos patong-patong ang kasong nakahain sa kaniya. Puro pagnanakaw ng pera na dapat nakalaan sa proyekto. Ayaw niyang nalalamangan ng kahit sino. Kaya lahat ng maruming laro na alam niya ay kaniyang pinapaltos. Matindi ang galit sa akin ni tanda dahil natalo ko siya sa isang bidding. Bilyon ang halaga ng proyekto kaya nangingitngit sa inggit.
Ayon naman sa pinadalang impormasyon ni Morris tungkol kay Melchor dati siyang nagtratrabaho sa kompanya ni tanda. Walang kaalam-alam si tanda na matagal na pala siyang ninanakawan ni Melchor. Lately lang niya nalaman kung saan umabot na sa milyon ang napuslit niyang pera. Nang nabuking siya agad siyang nagtago. Ngunit mautak si tanda kaya pinadukot niya ang mag-ina ni Melchor para palabasin siya sa kaniyang tinataguan.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...