Nagulat ako sa tinawag sa akin ng batang lalaki. Nanigas ang katawan ko ng bigla itong yumakap sa akin. Ramdam ko ang higpit ng kaniyang pagkayakap. Naalala ko tuloy sa kaniya si Mirielle, namiss ko tuloy siya. Nakikita ko sa kaniya ang anak ko kaya naman namalayan ko na lang ang aking sariling nakayakap sa kaniya. Nung humiwalay ito pinatitigan niya ulit ang aking mukha. Sa nakikita ko may ibig sabihin ang pagtitig niya kaya naisip kong biruin siya.
“Nagagandahan ka ba sa akin?” malambing kong tanong. Mabilis itong tumango at naging seryoso ulit ang mukha. “Thank you. Ikaw naman ang cute mo.” Pinisil ko ng mahina ang matambok niyang pisngi. “Alam mo ba kung saan ka nakatira?” Tumango ulit ito. Pagtango lang ang tanging sagot nito sa akin hindi yata siya madaldal na bata. “Sige ganito ang gagawin natin, ituro mo na lang ang papunta sa bahay niyo ako na lang ang maghahatid sa'yo. Okay ba iyon?” Hindi ko na hinintay ang pagtango niya dahil alam ko na. Dumidilim na at parang uulan kaya naisip kong ihatid na lang kaysa maghintay siya ng matagal.
Paalis na kami ng may nagbusina mula sa likuran namin. Lumingon kami at isang itim na sasakyan ang huminto. Tumingala ang bata kaya lumuhod ako. “Sundo mo na ba iyan?” Tinuro ko ang itim na kotse. Gusto kong manigurado baka mamaya masamang loob pala. Nang tumango ito ako mismo ang naghatid sa kaniya. Malapit na kami ng may lumabas na lalaking nakauniporme mukhang driver ng bata.
“Salamat po Ma'am,” aniya. Kinuha niya ang gamit ng bata saka inalalayang makasakay.
Sumilip ako sa loob at napangiti nang buksan ng bata ang bintana. Titig na titig pa rin siya, ng paalis na sila kumaway ako at gano'n din ang ginawa niya. Nang nakalayo na ang sasakyan kinausap ko tuloy ang sarili ko.
“Hindi siguro talaga palasalita ang bata o baka nahihiya. Bakit tinawag niya akong Mommy?” Pinilig ko ang aking ulo saka umuwi na.
-----
Pagsapit ng lunch nakasabayan ko ang ibang guro. May naging kaibigan na rin ako at katulad ng co-teacher namin ni Enan sa dati kong pinagtratrabahuan madali silang pakisamahan naalala ko tuloy sila.
“May anak ka na pala,” sabi ng grade nine teacher.
“Oo, babae four years old na,” nakangiti kong saad.
“Pero hindi halata Teacher Bea,” ani naman ng grade seven teacher.
“Naku, huwag niyo akong bolahin dahil wala pa akong panglibre sa inyo,” biro ko.
“Hindi iyon pambobola dahil totoo naman,” kindat ng grade eight teacher.
“Huwag mo siyang kindatan Nimuel dahil may asawa na si Bea,” sabat ng iba pang guro na kasama namin. “Nasaan si Hubby?” tanong niya.
“Nasa malayo,” tipid kong sagot. Natahimik sila at tiningnan nila akong lahat. “Ibig kong sabihin nasa malayong lugar,” pagtatama ko. Sabay-sabay silang tumango kaya nagpatuloy akong kumain. May mga iba pa kaming napag-usapan hanggang matapos ang lunch break at balik ulit sa pagtuturo.
Nang uwian na nakita ko ulit ang batang lalaki. Kung saan siya nakatayo kahapon doon pa rin siya nakapwesto. Kumaway ito nang makita ako.
“Bakit ba palaging siyang sinusundo ng late?” bulong ko. Nang makalapit na ako sa kaniya agad itong yumakap sa akin. Hinahayaan ko lang siya, hinimas ko ang kaniyang buhok. Magkapareho sila ni Mirielle na malambing at mabait na bata. Magkaiba lang sila ng kasarian. Gusto ko ng hilahin ang araw upang makauwi na. Sobrang miss ko na ang aking anak. Hindi sapat ang videocall para sa akin mas mainam pa rin iyong nayayakap ko siya, naaamoy at nahahalikan.
“Mommy,” sambit niya. Napabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag niya. Napagkamalan na naman akong Mommy niya. Nung humiwalay ito lumuhod ako. Nakatitig ulit siya sa akin.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko at napakurot sa pisngi niyang matambok.
“Hinihintay ka po,” magalang niyang sagot.
Kumunot ang noo ko. “Ako?” Turo ko sa aking sarili. Mabilis itong tumango. “Bakit mo ako hinihintay?”
“Dahil gusto po kitang makita,” sagot niya.
Ginulo ko ang buhok niya dahil naaliw ako sa sagot niya. “Wala pa ba sundo mo?”
“Wala po akong pasok ngayon,” sagot niya. Napatingin ako sa kasuotan niya ngayon ko lang napuna na hindi pala siya naka-uniform. Ginala ko ang aking paningin sa paligid baka may nakaparadang itim na sasakyan kung saan ngunit hindi ito matagpuan ng aking mga mata.
“Paano ka nakapunta rito?” nag-aalala kong tanong.
“Sumakay po ako ng taxi.” Napatampal ako sa aking noo dahil sa sagot nito. Hindi ko lubos maisip na ang batang ito sumakay at umalis mag-isa mabuti at hindi napahamak. Nasaan ba ang magulang nito at basta na lang siya pinapabayaan?
“Ikaw talaga palagi mo akong pinapakaba. Halika ihahatid na lang kita.” Hindi naman siya umangal nang hinawakan ko ang kaniyang kamay. Sumakay kami ng taxi at siya ang nagsabi sa driver kung saan.
Pagbaba namin ng taxi namangha ako sa aking nakita. Sobrang taas ng gate hindi ko tuloy makita ang nasa loob. May pinindot ang bata kung saan at kusa na lang bumukas ito. Hindi sana ako papasok pero hinila niya ang kamay ko papasok. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang yaman ng batang ito. Nasa harapan ko lang naman ang mansion nilang bahay. Hila-hila pa rin niya ang kamay ko hanggang makapasok kami sa loob.
“Naku! Saan ka ba nagpuntang bata ka. Kami ang mananagot sa Daddy mo!” natatarantang sabi ng kasambahay. Napahawak ng mahigpit sa kamay ko ang bata dahil sa pagkatakot. Sa lakas ng boses ng babae natakot ito.
“Kumalma po muna kayo. Huwag na po kayong mag-alala dahil wala naman pong nangyari sa kaniya ng masama,” sabi ko sa babae.
Huminahon ito ngunit tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Parang hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtitig nito. “Sino ka naman?” mataray na tanong niya.
“She's my mom.”
Napalunok ako sa sariling laway dahil sa sagot ng bata. Sasagot sana ako pero naunahan niya ako. Ano tuloy ang mukhang ihaharap ko? Paano ko itatama ang lahat sa bata? Muli niya akong hinila paakyat ng hagdan. Pinapasok niya ako sa kaniyang kwarto.
“You stay here Mommy I'm just going to get something.”
Magsasalita sana ako ng mabilis itong lumabas. Habang naghihintay sa kaniya nilibot ko ang kaniyang kwarto. Halos police toys ang naka-display, may mga police cars din akong nakita. Nakarinig ako ng yabag kaya tinigil ko ang pagtitingin. Nakita ko siyang pumasok at may hawak itong photo frame.
“Look Mommy ikaw po ito 'di po ba?” tanong niya sabay abot sa akin ang hawak nito. Kinuha ko, titingnan ko na sana ng may narinig akong nagsisigaw.
“Where is he?!” A male voice asked angrily. I feel that he is getting closer to us.
“Achoo!” Agad akong napabahing nang bumukas bigla ang pinto. Sabay nanlaki ang aming mga mata, nahulog ko pa ang hawak kong photo frame.
“B-Beatrice.”
“P-Primo.”
Sabay naming tawag sa aming pangalan.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...