"Bakit ayaw mo akong pakawalan kung hindi mo naman ako mahal?" umiiyak kong tanong. Dahil sa halo-halong emosyon hindi na rin nagpahuli ang traydor kong luha.
"Hindi nga kita mahal, ginagawa ko ito dahil hindi pa tapos ang paniningil ko sa kasalanan mo. Hanggat buhay pa ako patuloy mo itong pagbabayaran," mariin niyang sagot.
Natigilan ako sa pag-iyak dahil narinig ko na naman ang sinabi nitong hindi niya ako mahal. Kumirot ang dibdib ko sa katagang binitawan niya. Alam kong mas masasaktan ako kapag pinagpatuloy ko pa na mahalin siya ngunit bakit gano'n? Hindi ko magawang sumuko. Gumulo ang isip ko sa sinasabi nitong naging kasalanan ko. Ano ba ang tinutukoy nito na dapat kong pagbayaran?
"Pagkakasala ko o tungkol pa rin sa mana?" Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Naghihimutok ka pa rin dahil hindi mo pa tuluyang nakukuha ang kompanya. Alam mo ba kung ano ang kundisyon para makuha mo ito? Anak...anak Primo, naintindihan mo ba? Hindi mo naman maatim na magkaroon ng anak sa akin kaya ang mas maganda nating gawin mag-anak ka sa iba at sabihin mong anak natin, kapag nakuha mo na lahat ng mana mo magkanya-kanya na tayo ng buhay," paglilinaw ko.
Sunod-sunod ang ginawa nitong pagbabasag. Lumayo naman ako sa kaniya baka sa akin niya mismo ibato. Hindi pa siya nakontento kaya kung ano ang madampot nito agad niyang binabasag. Wala na nga halos kagamitan sa bahay naubos kakabasag nito. Paraan niya siguro para maibsan ang galit, pero sigurado akong basta na lang niya iiwan. Ganyan naman siya palagi sa akin niya pinapalinis ang ginawang kalat.
Tumigil ito sa kakabasag at inisang hakbang kung saan ako, ang mukha nito ay kasing pula ng kamatis. Pawisan na rin ang buong mukha, ang kasuotan niya ay gusot-gusot na. Sinalubong ko ang mata nitong namumula, nangingitngit naman ang kaniyang ngipin pagkuway nauwi sa pangngisi.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ah!" bulyaw niya malapit sa tainga ko. Sa lakas ng boses nito napapikit ako muntik pa akong mabingi. "Sa tingin mo, hindi sila magsasagawa ng DNA test? Hindi sila bobo na kagaya mo, kapag nalaman nilang niloko natin sila baka mawala sa akin ng tuluyan ang kompanyang pinaghirapan kong palaguin. Tama ka, hindi ko nga maatim na magkaroon ng anak sa'yo pero mahalaga sa akin ang kompanya," pahayag niya.
Napatingin ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata. Namumula ang mga mata nito parang nasasaktan, hindi nakaligtas sa paningin ko ang nangingilid nitong luha. Napakurap ako para tiyakin baka nagkamali lang ako, nang susuriin ko ulit nang-iwas na siya. Pinilig ko ang aking ulo at napaisip sa sinabi niya.
"Paano mo kukunin ang kompanya?" tanong ko. Tumalikod siya sa akin at parang ang lalim ng iniisip.
"Pagkasilang ng anak natin at pormal ng mapasaakin ang MonteCorp puwede na kayong umalis," saad niya. Napaawang ang aking bibig habang nakahawak sa dibdib.
Buong lakas ko siyang pinaharap at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso. "Tumingin ka sa akin!" utos ko ng hindi siya nakatingin. Tiningnan naman niya ako sa paraan na matamlay at pagod. "Paano mo nakakayaan na sabihan kung patungkol na sa magiging anak mo ang pinag-uusapan? Ganyan ka ba kawalang hiyang tao na kahit sariling dugo mo kaya mong abandonahin para lang sa mana?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ito sumagot, tahimik at parang nag-iisip. "Kung ganyan lang pala palayain mo na ako dahil gusto kong bigyan ng kompletong pamilya ang magiging anak ko. Walang ibang mahalaga sa'yo kung 'di pera o mana kung saan kaya mong ipagpalit kahit sa sariling dugo mo pa. Payagan mo na akong umalis mas gugustuhin kong mabuhay mag-isa kaysa makasama ang isang katulad mo na walang kwenta!" Binitawan ko siya at mabilis na tinungo ang main door.
Pagkalabas ko mabilis akong tumakbo, bubuksan ko pa lang ang tarangkahan ng may mabilis na kamay ang humapit sa aking baywang. Nanlaban ako para kumawala ngunit walang kahirap-hirap niya akong pinasan sa kaniyang balikat. Binuhat niya ako na parang sako, sa laki ng katawan ni Primo kaya niya akong buhatin gamit lang ang isang kamay. Sa bawat pagpupumiglas ko panay ang palo rin nito sa pang-upo ko.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...