Forty-second Tears

1K 20 1
                                    

Hindi agad sumagot si Nanay Flor sa katanungan ko. Natahimik siya at binaling ang tingin kay Primo. Ang nasa isip ko sa mga oras na iyon, kung wala man akong makuhang kasagutan bukal sa loob kong tatanggapin. Maaaring ayaw pangunahin ni Nanay Flor ang tungkol sa personal na buhay ni Primo.

Ngunit nabuhayan ako ng marinig ko ang pagsambit niya sa pangalan ko. “Beatrice,” tawag ni Nanay habang nakatingin pa rin kay Primo. “Alam mo bang mabait na tao ang asawa mo. Kung naging masama man siya sa paningin mo dahil iyon sa maling gawain ng ibang tao. Kung palaisipan sa'yo kung sino ang Ina ni Ace hindi rin namin alam. Hindi niya totoong anak si Ace, kinupkop niya ito at tinuring bilang totoong anak. Isang gabi, umuwi si Primo na may kargang bata. Agad ko siyang tinanong kung siya ang Ama. Nakakapagtaka lang dahil mula nung umalis ka wala siyang naging karelasyon. Ang sabi niya sa akin natagpuan niya si Ace sa building na tinatayo nila. Malakas daw ang iyak nito ng kaniyang natagpuan. Dahil sa galit nito sa mga taong nang-iwan sa bata inuwi niya sa bahay at inalagaan,” kwento ni Nanay Flor.

“Wala po bang naghanap kay Ace?” tanong ko.

“Matagal naghintay si Primo pero wala. Napamahal siya ng husto kay Ace dahil sa bata nagawa niya muling ngumiti,” nakangiting sagot ni Nanay Flor.

Natahimik ako at muling binalikan ang mga nalaman ko. Kaya pala gano'n na lang kasabik ang bata na magkaroon ng Ina dahil lumaki itong walang nakagisnan. Naalala ko si Mirielle kahit papano maswerte siya sa pagkakaroon ng kompletong pamilya.

Sumagi sa isip ko si Hana at ang dinadala nito noon. Pinagtapat niya sa akin ang pagdadalang tao nito at si Primo ang Ama iyon din ang araw kung saan nalaman kong buntis din ako.

“Nay, n-nasaan po ang anak nina Hana at Primo?” Naikuyom ko ang aking kamao. Ilang taon na ang lumipas ngunit masakit pa rin para sa akin ang tungkol do'n.

Napatingin sa akin si Nanay, ang mga mata nito ay puno ng misteryo at kita sa mukha ang kalungkutan. “Ang bagay na iyan ay hindi ko kayang sagutin. Mas mainam kong kay Primo mo itanong anak.” Tinapik niya ang aking kamay. Bumagsak ang balikat ko pero kung iyon ang desisyon niya irerespeto ko. “Naalala mo ang kinuwento ko sa'yo noon tungkol sa amin ni Antonio?” Mahina akong napatango. “Dahil sa hindi namin pagkakaintindihan na dalawa nagkalayo kami. Iniwan ko siya na hindi man lang inalam ang katotohanan. Katulad sa inyo ni Primo sa hindi niyo pagkakaunawaan umalis ka na hindi siya pinapakinggan at walang pagkakataon naman si Primo na sabihin sa'yo. Ang mahigpit kong bilin sa inyo noon huwag kayong tumulad sa aming dalawa. Pero sa nakikita ko maaayos niyo pa ang lahat. Pinagtagpo kayong muli para itama ang lahat, mga bata pa kayo hindi tulad namin na wala na talagang pag-asa.” Natigil siya sa pagsasalita at huminga ng malalim.

“Ang mga magulang po ni Primo alam nila ang tungkol kay Ace?” tanong ko. Ang huling pagkikita ko kina Tito Simon at Tita Amelia ay nung kinausap ko sila at pinagtapat ang tungkol sa amin ni Primo bago ako umalis.

“Hindi nila alam ang tungkol kay Ace dahil nawalan ng komunikasyon si Primo sa magulang nito,” sagot niya.

“Po?” kunot-noo kong tanong.

“Nung umalis ka sinabihan nila si Primo na huwag siyang magpapakita hangga't hindi niya naaayos ang tungkol sa inyong dalawa. Mula noon nabuhay si Primo na walang magulang sa tabi niya. Wala siyang karamay sa paghihirap nito. Wala akong magawa sa tuwing umiiyak ito sa balikat ko. Puro pangalan mo ang tinatawag niya, gustuhin man kitang hanapin pero hindi ko rin alam kung saan. Ang tanging nagawa ko lang para sa kaniya ay hindi siya iniwan sa tabi niya.” Tipid na ngumiti si Nanay sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. “Maiwan muna kita titingnan ko si Ace sa ibaba.”

Pagkaalis ni Nanay Flor tumayo ako at umupo sa gilid ng kama ni Primo. Pinatitigan ko ang mukha nito. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.

“Masama ba ako Primo? Mali ba ang ginawa kong pag-iwan sa'yo?” sunod-sunod kong tanong. Kahit hindi niya ako naririnig nagawa ko pa rin itanong sa kaniya. Para akong nagui-guilty sa ginawa ko. Malaki ang naging epekto nito sa kaniya dahil sa paglayo ko. Pareho lang kaming nahirapan ngunit mabigat iyong sa kaniya. Siya lang ang iniwan ko pero marami ang nangiwan sa kaniya. Hinawakan ko ang noo nito medyo mainit pa rin pero hindi na katulad kanina na parang mapapaso ang palad ko. Pumunta ako sa banyo para palitan ang tubig. Pinunasan ko ang mukha nito, leeg, braso at sa kamay. Hindi na mainit ang dinala kong lugaw na dapat ipapakain ko. Tatayo na sana ako upang palitan nang hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya, dinilat niya ang kaniyang mga mata ng dahan-dahan. Napatitig siya sa akin ng matagal.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon