Gabi na nang makauwi kami sa bahay, pa'no ang daming pakulo ni Primo. Pagkatapos kong hipan ang pa-birthday cake niya para sa akin, kinain namin ang inihanda niyang pagkain. Ayon sa kaniya siya raw ang nagluto kaya dapat kong ubusin lahat. Halos Italian food dahil iyon ang paborito ko. May inihanda pa siyang red wine para sa aming dalawa. Hindi pa siya nakontento niyaya pa niya akong sumayaw kahit maalon ng mga oras na iyon. Akala ko tapos na ang pagsusurpresa niya sa akin hindi pa pala dahil pagsapit ng gabi may inihanda itong fireworks display.
Nakakapagod dahil sa biyahe ngunit hindi ko iyon maramdaman sapagkat puno ng saya ang puso ko. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang ka-sweetan na pinaggagawa ni Primo. Para bang bumalik sa lahat nung mga panahon na hindi pa niya alam ang nararamdaman ko para sa kaniya.
“Mga anak dumating na pala kayo, ambilis niyo naman yatang umuwi. Akala ko ba magtatagal kayo sa hacienda.” Bungad sa amin ni Nanay Flor nung makasalubong namin. Papunta yata siya sa ikalawang palapag habang kakapasok pa lang namin ni Primo.
Kahit gusto kong sagutin si Nanay Flor tinikom ko na lang aking bibig baka may masabi pa ako na hindi magustuhan ni Primo. Tiningnan ko naman siya, hinihintay na siya ang sumagot kay Nanay Flor ngunit nanatili rin tikom ang bibig. Para hindi sumama ang loob ng matanda lumapit ako sa kaniya para gawaran ng halik at yakap.
“Magpahinga ka na, Beatrice. Bukas may pupuntahan tayo.”
Kumunot ang noo ko na halos magkasalubong na rin ang kilay dahil sa sinabi ni Primo.
“Teka lang, aalis ulit tayo? Ilang araw ka ng absent sa trabaho baka natambakan ka na,” protesta ko.
“Huwag kang mag-alala may gumagawa ng trabaho ko. Magpahinga ka na dahil maaga tayo bukas.”
Magproprotesta pa sana ulit ako ng mabilis itong dumaan sa harapan ko upang umakyat sa itaas. Matamang nakamasid lang ako sa kaniya ng bumalik ito upang humalik kay Nanay Flor.
“Sige po Nay magpapahinga na rin po ako.”
Halos magkasunod lang kami ni Primo na tumungo sa pangalawang palapag.
“Teka lang mga anak, iyong hinihiling ko na apo mayroon na ba?!” sigaw ni Nanay Flor.
Napahinto si Primo sa paghakbang kaya napakamot ako sa ulo. Nilingon ko si Nanay Flor at sinenyasan na tumahimik. Pangiti-ngiti lang ang matanda sa akin, nung napaharap ako nakatingin pala si Primo. Dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko mabilis ko siyang nilagpasan at agad sinarado ang pinto ng aking kwarto.
-----
Kinaumagahan naabutan kong abala si Nanay Flor sa pagaayos ng mesa. Walang pasabi kong kinuha sa kamay nito ang plato, nagulat sa umpisa at kalaunan ay nawala na rin.
“Good morning Nay tulungan ko na po kayo.” Wala akong nakuhang sagot galing sa kaniya tanging pagngiti lang ang sinukli niya sa akin.
“Alam mo bang natutuwa ako sa inyong mag-asawa lalo na sa'yo. Kagabi nga para kang teenager na nahuli ng crush mo. Sa pagkataranta hindi mo halos malaman kung ano ang gagawin.” Dahil sa pagkahiya agad kong tinakpan ang aking mukha. “Ayos lang anak na kiligin, ilabas mo iyan huwag mong itago.” Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magpapadyak. Para tuloy akong bata sa mga kinikilos ko.
“Bakit hindi ka pa bihis?” Napaayos ako ng sarili nang marinig ko ang sinabi ni Primo. Nakabihis na ito at handa nang umalis.
“Ah? Saglit lang naman maaga pa.” Huminto ako sa pagsasalita at tinuro ko sa kaniya ang orasan. Alas sais pa lang akala mo naman pipila sa sakayan. “Hindi ba puwedeng mag-almusal muna tayo baka gutumin tayo sa daan.” Hindi siya sumagot basta na lang umupo at nagsandok ng kanin. Nagkatingin kami ni Nanay Flor at sabay nagkanginitian.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...