Mahigit isang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin matanggap ni Beatrice ang pagkamatay ng kaniyang magulang. Hindi siya makapag-focus sa pagtuturo kaya sinabihan siyang mag-leave muna na hindi niya sinang-ayunan. Mas lalo niyang maiisip ang magulang kapag wala siyang ginagawa pero lately may nararamdaman siyang kakaiba sa kaniyang sarili.
“Palagi ka na lang nahihilo anak,” puna sa kaniya ni Nanay Flor.
“Teacher Bea, ang putla mo,” sabi sa kaniya ng mga co-teachers niya.
“Beshie, ang lakas mo yatang kumain ngayon?” tanong sa kaniya ng mga kaibigan nito.
“Naligo naman ako Beatrice, bakit mo ako sinabihan na mabaho?” nagtatakang tanong ni Morris.
“May nakain ka bang masama, bakit ka nagsusuka?” nag-aalalang tanong ni Primo.
“Napapansin kong napakaantukin mo, Beatrice,” kunot noong sabi ni Enan.
Sa makalipas na araw iyan ang napupuna nila kay Beatrice. Ngunit hindi niya ito binigyan ng importansiya dahil akala niya sa pagdadalamhati pa rin. Mula nung pagkamatay ng magulang niya wala na siyang maayos na tulog kaya palaging nahihilo at maputla. Hindi siya makakain ng maayos, nakakain lang siya ng marami nung nakaramdam ng sobrang pagkagutom. Dahil naghalo-halo na ang kinain nito kaya siya nagsusuka, pero ang pinagtaka niya bakit ayaw niya ang amoy ni Morris lalo na ang pabangong gamit ni Primo.
Kinutuban na siya ng masama kaya nagpa-check up siya. Doon niya nalaman na nagdadalang tao siya, nagbunga ang ginawang panghahalay sa kaniya ni Primo. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya na magkakaroon na sila ng anak.
“Pagkasilang ng anak natin at pormal ng mapasaakin ang MonteCorp puwede na kayong umalis. Hindi ko maatim na magkaroon ng anak sa'yo.”
Nang maalala ni Beatrice ang sinabi ni Primo sa kaniya noon pinili niyang ilihim ito. Mas mahalaga pa ang kompanya kaysa sa sarili nitong anak. Hahanap siya ng tamang panahon para tuluyang iwan si Primo.
-----
Nakatingala si Primo sa kisame habang malalim ang iniisip. Nasa opisina siya ngunit wala sa trabaho ang atensiyon nito kung 'di kay Beatrice. Mahigit isang buwan ng malamig ang pakikitungo nito sa kaniya. Magkasama nga sila sa isang bubong ngunit hindi sila nagpapansinan. Hindi niya ito masisisi dahil nagpatong-patong na ang kasalanan nito sa kaniya.
Napatingin siya sa kaniyang cellphone ng may tumatawag na unknown caller. Hindi siya nagdalawang isip na sagutin.
“Hello! Sino ito?!” maangas na tanong ni Primo sa kabilang linya.
“P-Primo Montero, kung gusto mong malaman ang katotohanan, pumunta ka sa address na ibibigay ko. Bilisan mo bago nila ako mapatay,” nahihirapan na sabi ng lalaki.
Sa paraan ng pagsasalita nito parang may iniinda na sugat. Magsasalita pa sana si Primo ng binaba na niya ito. Agad siyang nakatanggap ng mensahe, address kung saan niya pupuntahan ang lalaki.
Binilisan ni Primo ang pagpapatakbo para maabutan pa niya ang lalaki. Habang nasa biyahe ito tinawagan niya si Morris para i-trace ang address na kinaroroonan ng lalaki. Alam niyang malaki ang alam nito at makakatulong upang masagot ang katanungan sa isip niya. Nakarating si Primo sa isang abandonadong gusali, tinawagan niya ang numero ng lalaki ngunit hindi niya ito sinasagot. Kapag nalaman niyang pinagloloko siya nito baka mapatay niya anumang oras.
“Nandito na ako! Nasaan ka?!” sigaw nito para marinig siya ng lalaki.
“P're sa ika-apat na palapag, five meters sa kanan nandoon ang lalaki,” sabi ni Morris. Narinig iyon ni Primo mula sa kaniyang earpiece.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...