“Achoo!” pagbahing ko. Agad akong napatakip at humingi ng paumanhin kay Tatay Toni. Natawa siya sa aking inasta.
Tumayo ito at lumapit sa akin. “Oh siya, aalis muna ako, babalik na lang ako mamaya,” aniya. Tinapik niya ang balikat ko saka umalis na. Napapailing siya habang palabas sa aming bakuran.
“Dati ang ilong ko ngayon pati na rin ang puso ko. Gano'n ba kalakas ang epekto mo na kahit malayo ka abot pa rin. Iyon ba ang kasagutan ng puso ko? Ikaw?” Pinilig ko ang aking ulo at pumasok na lang sa loob bago pa ako magmukhang tanga.
Abala si Mirielle sa pagguguhit samantalang ako sa pagluluto. Habang nandito ako gusto ko siyang ipagluto ng mga paborito niyang pagkain. Susulitin ko ang araw na kasama ko siya dahil pagbalik ko ilang araw ulit bago ko siya makitang muli.
“Mommy tingnan mo.” Napatigil ako sa aking ginagawa nang pumasok ito sa kusina. Tinaas niya ang ginuhit nito upang makita ko.
Nilapitan ko siya upang makita ko ng husto. “Si Papa ba ito, ikaw at si Mommy?” Tinuro ko isa-isa ang ginuhit nito sa papel. Mabilis siyang tumango. “Miss mo na si Papa?” tanong ko ulit.
“Sobra po,” tipid niyang sagot.
“Tinatawagan ka ba ni Papa nung wala ako?” Inayos ko ang magulong buhok nito.
“Opo! Sabi niya malapit na po siyang umuwi,” masaya niyang sagot. Pumalakpak at tumalon pa ito.
“Yehey! Makakasama na ulit natin si Papa.” Nakisali na rin ako sa kasiyahan nito.
Sa dalawang araw sinulit namin ni Mirielle ang pamamasyal. Kung saan-saan kami nakarating, nalibot na nga namin halos ang lahat ng pasyalan sa Baguio. Ngayon na nakabalik na ako sa Maynila sana man lang walang panibagong iisipin. Sa kaunting araw na nakasama ko si Mirielle nakapagpahinga ang isip at katawan ko sa mga problema.
Pagbukas ko ng pinto nanlaki ang mata ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa harap ng pinto ng tinutuluyan ko. Kakasabi ko lang kanina na sana walang panibagong iisipin pero heto nasa harapan ko.
“Sorry kung wala akong pasabi,” nahihiya niyang sabi. Magaling na siya hindi gaya nung huli ko siyang makita na inaapoy sa lagnat. Naka-business suit na rin siya papasok na siguro sa trabaho.
“B-bakit ka narito?” basag na boses kong tanong.
“I haven't seen you in a few days, I miss you. I want to see you so I came,” he answered seriously.
Umiwas ako ng tingin pakiramdam ko para akong ice cream na nalulusaw dahil sa pagtitig niya. “May iniwan kasi akong tao na kailangan kong balikan,” sabi ko na hindi nakatingin sa kaniya.
Napayuko siya sa sinabi ko. Kumunot din ang noo nito. Napahawak sa kaniyang batok na pawang ang lalim ng iniisip.
“Who?” tanong niya kung saan kapansin-pansin ang pamumula ng mata nito.
“Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako baka ma-late ako sa trabaho.” Sinadya kong hindi sagutin ang tanong niya. Ni-lock ko ang pinto at saka siya nilagpasan.
Napahinto ako sa paglalakad ng hinarangan niya ako. Lumapit siya sa akin na sobrang lapit. Bumilis ang tibok ng puso ko nang hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Titig na titig siya sa aking mga mata. Dahil hindi ako makakilos napatitig din ako. Ngayon ko ulit natitigan ng husto ang kaniyang mga mata.
“Ako? Kailan mo babalikan?” Tumigil ang paghinga ko dahil sa tanong niya. Sa pagkagulat hindi ako makasagot. Nanigas ang katawan ko nang yakapin niya ako. “Beatrice, please come back to me.” Niyakap niya ako ng husto kaya naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
A Wife's Tears ( Completed )
RomanceIsa si Beatrice sa mga babaeng naniniwala sa fairy tales. Pero sa isang iglap lang, she lost her faith. Dahil sa kaniya nagsimula siyang maniwala na walang -Prince Charming -magic -dreams -love Nagsimula siyang maniwala na hindi lahat ng nababasa sa...