Twenty-sixth Tears

1K 19 0
                                    

Titig na titig si Primo sa akin, sa klase ng tingin niya lalo lang akong napapamahal sa kaniya. Nang hindi ko na makayanan ang mga titig nito ako na ang sumuko.

“Punta lang ako ro'n.” Tinuro ko ang bandang may silong ng mangga.

Mukhang masarap magpalipas ng sama ng loob pagkatapos balewalain ang tinanong ko sa kaniya. Papunta na ako nang dumating si Morris.

“Mga bestfriends!” masayang bati nito. “Nandito ka pala, Beatrice,” puna niya sa akin.

“Oo, ginawa lang naman niya akong Feng shui consultants,” biro ko sabay turo kay Primo. Tumawa si Morris samantalang hindi mai-drawing ang mukha ni Primo. “Doon lang ako.” Tinuro ko rin sa kaniya, tumango naman ito. Maliliit lang ang naging hakbang ko kaya narinig ko pa ang usapan nila.

“Bakit ngayon ka lang?! Asan na iyong pinapahanap kong architect?!” naiinis na tanong ni Primo.

“Pasensiya na P're na-traffic ako. On the way na raw siya,” sagot naman ni Derrick. Hindi ko na sila nilingon alam kong busy na ang dalawa.

Sa 'di kalayuan nakikita kong turo ng turo si Primo panay ang pagtango naman ni Morris. Siguro pinaguusapan nila kung saan itatayo ang bahay, ang swimming pool, garden at iba pa pagkatapos sasabihin na lang ni Morris sa architect. Mas lalo lang akong naiinggit kay Hana, ako ang asawa pero nagmukhang kabit, mistress, kerida, number two o anumang tawag pa.

Nakakita ako ng santan kaya pinuntahan ko. Pagkakuha ko sa bulaklak babalik sana ako sa may silong ng mangga ng may naapakan akong bubog. Napasigaw na lang ako nang tumagos ang bubog sa suot kong tsinelas. Napaupo ako at hinawakan ang paa kong kumikirot.

“What happened?!” hinihingal na tanong ni Primo. Sa likuran niya si Morris na pawisan.

“Beatrice, ang paa mo!” gulat na sabi ni Morris.

Napatingin ako nagulat din ako na makitang may dugo na tumutulo. Malakas na iyak ang pinakawalan ko dahil sa masidhing takot.

“Damn it!” Rinig kong mura ni Primo. Namalayan ko na lang na may tumakip sa aking mata, si Primo ang palagi niyang ginagawa tuwing nakakakita ako ng dugo. “Listen to me, Beatrice,” utos niya. “Tatanggalin ko ang kamay kong nakatakip sa mata mo. Pagkatanggal ko sa akin ka lang tumingin naintindihan mo?” Mabilis akong tumango.

Pagkatanggal niya kahit puno ng luha ang mga mata ko sa kaniya ako agad tumingin. Ngumiti siya pero mababakas sa mukha nito ang pag-alala.

“Good,” aniya. “Now, tatanggalin ko ang bubog na nasa paa mo. Bibilang ako ng tatlo tapos huminga ka ng malalim,” utos niya na agad kong sinangayunan.

Iyon nga ang ginawa ko, pagkatanggal niya ng bubog kinuha ni Primo ang kaniyang panyo saka niya binalot.

“You're lucky dahil hindi gano'n kalalim ang sugat ngunit kailangan pa rin natin ipatingin sa doktor para hindi ma-infection,” suhestiyon nito. Hindi na ako tumanggi pa dahil may point naman siya. “Morris, sundan mo na lang ang sasakyan namin.”

“Sige P're.” Pagkaalis ni Morris binuhat ako ni Primo. Tumigil na rin ako sa pag-iyak ngunit ang takot ay nandoon pa rin.

Hindi ako mapakali sa biyahe dahil kumikirot ang sugat ko. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa paanan ko kaya agad akong pumikit para maibsan ang pagkatakot ko.

“Beatrice, naalala mo ba iyong palagi kong sinasabi sa'yo noon?” tanong ni Primo kaya ako napamulat. “Sa tuwing nasusugatan ka huwag mong tingnan, tumingala ka para hindi mo makita. Kung hindi mapawi ang takot na nararamdamam mo, tingnan mo lang ako at agad maglalaho.”

Napangiti ako at sinariwa ang aming nakaraan. Iyon ang palagi niyang sinasabi sa tuwing nasusugatan ako o nakakakita ng dugo.

“Salamat,” tanging sambit ko. Nginitian lang niya ako saka tinuon ang tingin sa harap.

A Wife's Tears ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon