Wednesday, 5:40 AM. (A.M.- After Meridian)
Bumangon na nga si Margaret at nagsimulang mag asikaso ng sarili. Tinupi ang hinigaan saka dumiritso sa banyo.
Nakatitig sya sa replika sa salamin. Natuon ang paningin nya sa kanyang mata.. It's light brown.. Unlike kahapon sa hospital, masasabi nyang mas maganda ang mga mata nya ngayon."Is it because of the eyes of the Phoenix? " tanong nya sa sarili...
Lumabas sya ng banyo saka nagsimulang kumain. She need to speed up. According to the host memory, 6 km. Ang layo ng Pangarap village na kinatititrikan ng bahay nila papunta sa Bagong Silang university. Kailangan nyang sumakay para mabilis na makarating.
"This uniform looks old.. Pati kulay mapusyaw na. " hawak nya ang isang pares ng school uniform. "Not bad.. Kailangan ko parin isuot.. " Dugtong pa nya..
Pagkatapos nyang ayusin ang loob ng bahay at ang kanyang sarili, saka sya nagdesisyon na lumabas.
"Ready na kaya sa Lui?" Kaklase nya si Lui.. Bagamat maliit ang dalagita, kaedad nya rin ito.
Inilock nya ang pinto ng bahay saka lumakad palabas ng village. Take 5 minutes walking para marating ang paradahan ng mga sasakyan.
"Jenny!" Boses ni Lui..
Napalingon sya sa pinanggalingan ng boses ng dalagita. Baka uniform narin ito at tulad nya maglalakad papunta sa abangan ng sasakyan.
"Antagal mo.." Pang-aasar nya dito.
"Sorry.. Napasarap sa paliligo. Hehe.." Kamot ulong sagot neto sa kanya.
"En. Let's go."
Lumakad ang dalawa na magkasabay. Hanggang makarating sa sakayan. 10 minutes din silang babyahe para makarating sa school. Buti na lang mura lang ang singil ng Jeep lalo na sa studyante.. Para kay Margaret na first time makasakay ng Jeep, it's exciting. Yung iaabot mo ang bayad mo sa taong nakaupo malapit sa driver.
"Nakalimutan ko ipaalala sayo.. Malapit na ang school exam narin.." Biglang sabat ni Lui sa tabi nya..
"Is it difficult?" Deritsahang tanong nya. Hindi sa pagmamayabang pero sya lang naman ang laging top one sa klase nung nag-aaral pa sya while doing assassination.
"Ano?" Lumapit ito sa kanya at saka bumulong.. "Baka nakakalimutan mo, pangatlo ka simula sa huli kapag exam na."
"What?!"
Napatingin sa kanya si Lui, puno ng tanong ang mata.
"Wag mo ako tingnan ng ganyan.. Alam ko mababa grades ko pero at least hindi last." Pagmamayabang nya sa pagiging mahina ng utak ng may-ari ng katawan nya.
"Wow!" Nakakalokong sagot ni Lui habang pumalakpak pa.. "Ikaw na ang hindi last sa grading." Dugtong pa neto.
"En." Tango-tango nya.
"Kapag tumaas ng konti ang grade mo sa darating na exam.. Ililibre kita." Pampalakas loob ng kaibigan nya sa kanya.
"Deal?" Hamon nya dito.
"Deal." Tapik neto sa kamay nya...
High school gate..
"Ahhhh... Akala ko late na tayo... " palatak ni Lui.
Nagkatrapik kasi sa daan kanina. Buti na lang umabot sila sa saktong oras..
"Stop that.. Let's go"
Pumasok sila sa gate at lumakad sa pathway papunta sa room nila. This place...its small. It's a public school.. So hindi na nakapagtataka.
![](https://img.wattpad.com/cover/334066293-288-k575821.jpg)
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
ActionPHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...