Sakay ng Private airplane from USA papunta sa Pilipinas ang buong pamilya ni Jenny. Kasama ang mga bagong spirit masters na tinanggap niya bilang bagong members ng pamilya. Nilipad lang nila ang USA from Antarctica kagabi, karga ni Zion ang kanyang ina habang gamit ang kapangyarihan ng Phoenix ay tinulungan niyang makalutang ang ibang spirit masters na walang kakayahang lumipad.
"Tired?" Tanong sa kanya ni Zion.
"A bit. Gusto ko matulog." Sagot niya sa nobyo.
"You can sleep. Come here." Kinabig siya ng nobyo para maka sandal sa balikat nito at saka siya pumikit.
Ilang sandali pa ay nakatulog na nga si Jenny. Tinawagan ni Zion si Aron at Cain dahil alam niyang nag-aalala na ang kanilang pamilya. Mabilis na sinagot ni Aron ang tawag niya kahit ibang cellphone ang kanyang gamit.
"Sino to?" Seryosong tanong ng lalake sa kabilang linya.
"Where are you? Nasa Sanchez mansion ba kayo?" Tanong niya dito.
Natigilan si Aron. Dinig pa ni Zion ang mga yabag ng hakbang na patakbong lumapit sa pwesto ng kausap niya.
"Zion?" Tinig ng kanyang Inang si Selena.
"Hello Mom."
Nailayo niya sa tenga ang cellphone ng marinig ang malakas na sigawan sa kabilang linya subalit bigla rin natigil ng may maalala.
"Masaya kami na okay ka lang but, kumusta si Jenny? Kasama mo ba siya? How about Jeniva?" Sunod-sunod na tanong ng mga tao na nakapalibot kay Aron.
"She's sleeping besides me. She's fine. Tita Jeniva is also fine." Sagot niya sa mga kausap.
" Really? But everyone was fainted that night. What happened really?" Ang ina ni Lui ang narinig niyang nagsalita.
"Siguro po mas makabubuti kung dyan na lang kami magpaliwanag ni Jenny. At paki sabi po kila Tommy to prepare more rooms for our new families. We are going to take off now. Tatawag na lang ako ulit kapag na sa Manila na kami." Mahabang salaysay ni Zion.
Nanghihinayang man ay sapilitang nag-aalala ang mga kausap sa kabilang linya.
Sinulyapan ni Zion ang nobya na mahimbing ng natutulog sa tabi niya. Maya-maya pa narinig niya ang pag salita ng piloto ng eroplano na lilipad na sila. It was easy to travel to Philippines kung pumayag lang sila sa kagustuhan ni Jenny. Subalit hindi sila pumayag dahil na rin sa sinabi ng ama nito na baka kwestyunin sila ng gobyerno kapag malaman na nasa Pilipinas na sila kahit wala si lang records of traveling.
"How troublesome." Sambit ni Zion saka inayos ang sarili at muling kinabig ang nobya bago natulog.
Manila Philippines.
Bumaba ang lahat ng sakay ng eroplano at namamanghang na pa wow ang mga kasama na bago lang nakarating sa Pilipinas.
"Too hot." Sabi ng isa.
"Haha! It's alright, you're a water type." Kantyaw naman ng isa.
Napasulyap si Jenny sa mga magulang na kasalukuyang magkahawak kamay pa habang lumalapit sa kanila ni Zion.
"How's your feeling?" Tanong ng kanyang ina.
"Okay na po ako. Nakatulog ako sa eroplano." Sagot niya dito.
"I'm sorry, how about your throat?" Nag aalinlangan na tanong ng kanyang ama.
Nakangiting yumakap si Jenny dito.
"It wasn't your fault. We both don't know anything and I'm really okay now."
Gumanti ng yakap sa kanya ang ama at pabiro naman siyang inagaw ni Zion. Natatawang pinakawalan siya ng ama at niyakap naman ang babaeng katabi.
"Boss!! Little Boss!"
Sabay sabay silang napalingon sa tumatawag. It was Tommy and Aron. Kumakaway pa ang mga ito. Nang ilibot nila ang tingin ay naroroon halos ang buong pamilya kasama na si David na naka-akbay pa kay Lui. Nag ka tinginan silang dalawa ni Zion.
"I think they already in a relationship." Sambit niya dito.
"I guess so." Hinalikan pa siya ni Zion sa noo habang sumasagot sa kanya.
Masaya silang lumapit sa mga ito. Halos masuffocate sila ng dumugin sila ng yakap ng buong pamilya. Umiiyak ang tatlong may edad na babae habang pigil din ang luha ilang may edad na lalake. Si Lui at ang kambal ang talagang humagulgol ng iyak habang yakap-yakap siya.
"Stop crying now.." Naluluhang sambit ni Jenny.
First time niyang ma experience ang ganitong pag salubong ng pamilya. When she was Margaret, hindi niya ito naranasan. Tanging sa pamilya lang ni Jenny. Ahhh! She will protect this family no matter what!
"Akala namin kung napahamak kana." Sabi ni Lui habang yakap yakap siya.
"Master...! Alam namin okay ka lang pero nag alala talaga kami sayo." It was Hilbert.
"Yeah.. I'm sorry I'm sorry.." Tinapik tapik niya ang likod ng mga ito.
Sa likuran niya ay tahimik lang na nagmamasid ang kanyang Ama. Hindi pa ito napapansin ng mga kaharap niya kaya siya na ang kusang nauna mag salita.
"Wait, let me introduce to all of you guys. "
Nilingon niya ang kanyang ama na natigilan din.
"This is my real Father. Mr. Steven Capria Zoldyk." Pagpapakilala niya sa kanyang ama.
Napakurap ang lahat at natahimik. Pero saglit lang.
"Zoldyk, the owner of Ophorium technology?" Tanong ni Fammy.
![](https://img.wattpad.com/cover/334066293-288-k575821.jpg)
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
ActionPHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...