Ang lahat ay nakahanda na sa kanilang pag-alis. Naka-ipon na ang mga ito malapit sa mga sasakyang helicopters. Ang matandang kausap ang Ama ni Lui, at ang magulang ni Zion na kausap din ang Mama nya at Auntie Sely. Si Lui naman ay palinga-linga na may hinahanap. Sya na lang pala ang hinihintay.
"Zion...." Boses yun ni Mia. Natigil din si Jenny sa paglalakad at nilingon ang nasa likuran nya.
Kalalabas lang din ni Zion sa Mansion at mukhang sumusunod sa kanya. Nakita nyang dumilim ang anyo ng binata at kunot-noong tumingin ito kay Mia. Nang mga sandaling yun lihim na napangiti si Jenny. Sa reaksyon palang ni Zion alam nya ng sya nga ang gusto ng binata. Masayang tumalikod si Jenny, kailangang mag-usap ng dalawa kaya nagpatuloy na sya sa paglalakad.
Nang malapit na sya sa mga kasamahan ay napansin na sya ni Lui. Masaya ang mukha nito na kumaway sa kanya. Ngumiti naman sya dito at gumanti ng kaway.
"Antagal mo! Kanina kapa namin hinihintay." Anito sa kanya habang inaabot ang kamay nya.
"Sorry, umihi pa ako." Pag dadahilan na lang nya.
Paano nya sasabihin dito na nakipag-halikan pa sya kay Zion bago lumabas? Nang maalala ang eksena sa loob ng mansion ay namula ang mukha ni Jenny.
"Okay ka lang? Namumula ka." Pansin ni Lui sa mukha nya. "And your lips! "
"Andami mong napapansin." Iniwas nya ang tingin dito. "I'm okay, let's go to Lolo." Pag iiwas nya sa matinik na mata ni Lui.
"Boss! Anong nangyari sayo?" Si Tommy katabi si Aron."Yeah.. Little Boss, namumula din yung lips mo." Puna din ni Aron.
Tiningnan nya ng masama ang dalawa. Kailan pa naging matinik ang mga mata ng mga taong malapit sa kanya?
"Gusto nyong masaktan?" Gigil na sambit nya dito.
"Andami nyong napapansin, tapos na ba kayo maghakot ng gamit na isasakay?" Pag-iiwas nya ng topic.Napakamot naman ng ulo ang dalawa. Saka tumango.
Nilampasan nya na ito at lumapit sa Lolo nya."Nag-aalala lang naman ako sa lips nya eh." Ani Aron na naka simangot kay Tommy.
"Lips nino?" Boses yun ni Zion. Kararating lang.
Napatingin naman ang dalawa dito. Sabay pang kumunot ang noo ng dalawa si Aron ang nagtanong.
"Boss! Namumula din lips mo? Kumain ba kayo ng maanghang ni little boss bago lumabas?" Inosenteng tanong nito.
Si Tommy na mukhang mabilis na nahulaan ang sitwasyon ay mabilis na hinila ang likod ng kwelyo ni Aron na nagpapalag naman dahil hindi sumagot si Zion. Si Zion naman ay nakangiting yumuko saka pasimpleng hinaplos ng hinalalaking daliri ang sariling labi. Sinulyapan nya ang nakatalikod na si Jenny. Nakikipag-usap ito sa Sampung tauhan ng Dragon na hiniram nito.
Mukhang napansin ng dalaga ang titig nya dito kaya napalingon ito sa kanya. Nang magtama ang kanilang paningin ay mabilis nitong iniwas ang tingin. He Chuckled.
Nauna ng sumakay ang mga kasama ni Jenny. Sya na lang ang hinihintay. Sa ngayon, apart na helicopters ang gagamitin para maghatid sa kanila sa Tagaytay. Gusto ng matanda na dumiritso na daw sila sa Tagaytay agad habang sila Tommy at ang tatlong tauhan na hiniram nya ay bababa sa Manila para kunin ang sasakyan na ginamit nila ng pumunta sila doon. Maiiwan naman sa Manila ang Dalawa para protektahan si Betty. Ibinigay nya na sa mga ito ang impormasyon ni Betty.
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
AcciónPHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...