Kasalukuyang kausap ni Jenny ang mga tauhan sa ibabaw ng building habang si Zion ay kausap ang mga pinuno ng sadatahang lakas ng Pilipinas. Tahimik na ulit ang kapaligiran maliban sa mga taong patuloy na umuusisa at kumukuha ng video para i-post sa social media.
"Little boss, I received a call from anonymous." Si Cain ang nag-salita.
"Anong sabi?" Tanong ni Jenny habang inaayos ang bagong communication device na binigay ni Cain sa kanya.
Nasunog kasi ang communication device na suit niya kanina dahil sa kanyang pag-transform. Her body turned into fire kapag ginagamit niya ang kapangyarihan ni Banawa.
"They said, gusto nilang maka-usap ang kasamahan nila na bihag mo sa ngayon. Iko-connect kita sa kanya master." Sagot ni Cain.
Napa-tango lang si Jenny habang sinuslyapan ang kanyang nobyo na kausap parin ang head ng armed forces of the Philippines. Ang kanyang ama naman ay kausap ang isang reporter habang paminsan-minsan ay inihaharap sa pwesto nila ang camera. Siguro naman ay alam na ng pamilya Reyes at DeCordova ang totoong pagkatao niya. It's good kung maisipan ng mga itong mag-tago na sa kanya.
"Is this the woman who captured my husband as a hostage?" Boses ng babae ang kanyang naririnig sa kabilang linya.
Napa-pause si Jenny at kanyang pina-singkit ang mga mata. Kung pagbabasehan niya ang tono ng salita ng babae, parang malakas pa ang loob nito. Hindi ba nito napanood ang ginawa niya? Wait, napa-sulyap siya kay Cain. Hah! Kaya naman pala, parang hinack ni Cain ang system na naka-ugnay sa babaeng kausap.
"Why?" Gusto ni Jenny mang-asar.
"Listen here. Not because you take him as a hostage, I won't kill this people with me! So if you want them to be safe and.."
"Hey! Don't leave the place where you standing right now. I'll be there in a minute." Gusto ni Jenny ang mang-asar, ang problema, siya ang naaaar sa pinag-sasabi ng hinayupak na Bampira. Sa isang snap ng kanyang mga daliri, Jenny disappeared from everyone's eyes.
"Boss!! Little boss is now on her way to attack the main base of the vampires!" Sigaw ni Cain Kay Zion gamit ang communication device.
Lahat ng may hawak ng device ang naka-rinig ng sinabi ni Cain. Kaya napa-tayo ng tuwid ang mga spirit masters na busy sa pag-tulong sa mga doctors and nurses sa pag-bigay ng first aid sa mga nasugatan kanina during the terrorist's attack.
"Damn it!" Nabulalas ni Zion at Steven habang mabilis din na nag-float upang sundan si Jenny.
"Ahm.. Sino po ang pwede namin interview-in?" Nagka-tinginan ang mga spirit masters habang palipat-lipat sa kanilang lahat ang tingin ng reporter na may hawak na microphone.
Pero sa halip na sumagot, parang mga ibon na nagsiliparan ang mga ito palayo sa reporter na natulala na rin. Dahan-dahan itong umupo sa tabi ng kalsada at tsaka tumingin sa itaas ng building na kung saan nag-titipon ang mga spirit masters na tumakas sa pag-i-interview niya.
Samantala, malakas na nagsigawan ang mga tao sa biglang pag-sulpot ni Jenny sa lugar. Hinanap kaagad ng kanyang Phoenix eyes ang madaldal na Bampira kanina. Nang makita ito ay mabilis pa sa isang kisap ng mata na tumayo siya sa harapan nito.
"Hi!" She said with an evil smile.
Napa-talon sa pagka-gulat ang Bampira na mabilis ding naka-bawi.
"You...!"
"Ahh shut up!" Marahil dahil sa kanina pa mainit ang ulo ni Jenny, wala siya sa mood makipag-usap.
Isang bagay lang ang gusto niyang gawin ng mga oras na yun. Kung pwede lang, kung alam lang niya kung paano, kanina pa siya sa mundo ng mga spirit beasts para harapin ang Demi-God na pumatay kay Banawa. Ang problema, hindi niya pa alam kung paano pumunta, at kung saan siya pupunta. Hindi niya pa lubos na na absorb ang kapangyarihan ni Banawa, pati ang memories ni Banawa ay hindi niya parin lubos na nauunawaan.
"Jenny!" Sigaw ni Zion ng makitang magta-transform na naman sana siya.
Lumapag si Zion sa kanyang tabi at mabilis siyang hinapit sa beywang.
"Relax Baby.. Don't be too harsh. Everything's gonna be fine." Zion whispered to her ears while hugging her.
Napasubsob naman si Jenny dito bago siya tumango at nakita ang kanyang ama na ngayon ay may bitbit na dalawang lalake na walang malay.
"Who's that?" Tanong ni Jenny.
"Ahh.. Bigla na lang kami sinalakay kanina nung naka-tambay kami sa isang lugar habang nagpapahinga sandali." Sagot ng kanyang Ama.
"Anyway, are you guys okay?" Tanong ni Zion sa mga tao na nagsisiksikan sa isang tabi.
May bata si Jenny na napansin na walang malay at may bite mark sa leeg. Naningkit ang kanyang mga mata na marahas na napa-sulyap sa Bampira na ngayon ay hindi maka-kilos dahil sa magic na inilagay niya.
"Did you suck his blood?" Umaapoy ang mga matang tinitigan niya ang babae habang nagtatanong.
Mabilis namang nilapitan ni Zion at Steven ang batang may malay pala pero mukhang na shock sa takot. Ang mga tao ay halatang takot na takot din.
"Jenny, this child needs to get treated as soon as possible." Sambit ni Zion.
"Bring them outside and wait for me to finish collecting those fucking vampires." Mariin na sagot ni Jenny habang inilabas ang kanyang fire door.
Nanlaki ang mga mata ng babaeng vampire na tanging mata lang ang kayang igalaw. Nang maipasok ni Jenny sa loob ng fire door ang Bampira, mabilis siyang nag-laho upang hagilapin ang iba pang kasamahan nito. Sa gitna ng malawak na plaza ng Davao na kung saan naka-palibot ang mga tao na ginawang bihag ng mga Bampira bago sila dumating doon.
"You guys needn't to be worried. Philippines is safe now. Mapapanood ninyo sa inyong cellphone at television ang nangyari ngayong araw." Si Zion ang nag-salita.
"Excuse me sir, may I ask, what are you guys?" Isang police ang naglakas loob na nag tanong.
Napa-sulyap si Zion sa nobya na kasalukuyang ibinabagsak ang mga Bampira na nahuli kasama ang mag asawa na siyang nanguna sa pag-atake sa Pilipinas.
"You'll find out kapag napa-nood na ninyo sa TV. Don't worry, you're safe with us." Si Steven ang nag-salita.
Isang malakas na sigaw ang nagpalingon sa lahat. Sa gitna ng plaza, sinusunog ni Jenny ang mga nahuling vampires kasama ang mga taong nag-ambush sa kanila nung pauwi pa lang sila sa Tagaytay. Tanging si Mia Salvador lang ang iniwan niyang buhay kasama ang spirit beast na itsurang tikbalang.
"Zion.. Please help me.." Mia said while looking desperately to Zion.
A/N: Don't forget to vote and read those novels I just published habang naghihintay kayo ng update nito. And, baka everyday na ang update starting on Monday.
![](https://img.wattpad.com/cover/334066293-288-k575821.jpg)
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
ActionPHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...