THE NEW ALLY

1.2K 68 11
                                    

       "Jen-jen, apo. You see, this place is so... "

Naunawaan ni Jenny ang ibig nitong sabihin. Humakbang sya palapit dito.

       "Then, let's go somewhere else?" Aniya.

Napakabastos naman nya kung dito na lang sila mag-uusap. Kahit papano ay masasabi nyang iniligtas sya ng matanda. Inimagine nya na kung paano kung wala syang kakayahan lumaban?
      Nakangiting lumakad ang matanda palabas. Hindi sya lumapit dito ng maliit na distansya. Kailangan ni Jenny na maging alerto kahit papano. Hindi nya kilala ang matanda.
Sumabay lang sya sa paglalakad habang naka-distansya ng isang dipa dito. Subalit nang marating nila ang sasakyan. Wala narin syang pagpipilian kundi ang tumabi sa matanda. Ipinagdasal na lang nya totoo nga ang pinakita nitong kabutihan sa kanya kanina.

      "Apo, don't be offended but, How old are you?"

Basag ng matanda sa katahimikan nilang dalawa. Kasalukuyan na silang bumabyahe papunta na muli sa bayan ng Tagaytay.

      "18"

Napaubo ng sunod-sunod ang matanda ng marinig ang sagot nya. May ibinulong ito sa sarili na hindi nya na narinig dahil pati ang babaeng katabi nito sa kabilang side ay napa-ubo din.

      "I see.." Anito ng makabawi.

     Hindi nya alam kung ano ba talaga ang gustong isigurado ng matanda.

     "I'm turning 19 next month."  Muli nyang sabi.

Ngayon nya lang napansin. The real owner of this body has the same birthday as her. So kung tutuusin, She's turning 26 next month.

    "Oh! So your birthday is coming. Don't worry, Grandpa will prepare a big gift for you." Mapapansin mo sa boses nito na mukhang masaya ito.

Napangiti naman si Jenny,  hindi na nakatiis. Hinawakan nya ang kamay ng matanda at bahagya iyong hinaplos. Ewan nya ba, subalit habang nakatitig sa likod ng palad ng matanda para bang nakikita nya ang palad ng kanyang Lola. Sa tagal nyang pagkakahawak doon. Hindi nya namalayan ang pagpatak ng butil ng luha sa likod ng palad ng matanda.
    Natigilan ang matanda ng maramdaman ang pagkabasa ng kanyang kamay. Iniangat nya ang paningin, gulat ang unang rumehistro sa kanyang mukha. This little girl is crying?

      "Jen-jen.. Apo." Aniya na

Natigilan si Jenny ng marinig ang boses ng matanda. Saka nya lang din napansin na basa na ang kanyang mata. Mabilis nyang binawi ang kamay dito saka mabilis na tinuyo ang mga mata. She really missed her grandma.
    Ang Lola nya lang ang nagparamdam sa kanya ng totoong pagmamahal sa Pamilya Reyes. Na miss nya ang palaging pag tawag nito sa kanya ng 'apo'.

    "I'm sorry," aniya sa matanda. "I just remember someone who's very dear to me."  Paliwanag nya.

She's telling the truth.  Dinadalangin nya na sana makita pa nya ulit ang kanyang Lola na malakas pa.
   Pero ang matandang lalake sa katabi nya ay iba ang pagkakaintindi sa kanyang salita. Iba ang taong nasa-isip nito na tinutukoy nyang Mahal nya.

       "I also apologize.." Sabi ng matanda na nagpalingon sa kanya dito.

     "En?"

       "I apologize if I let you feel broken hearted." Sabi pa nito.

Daig pa ni Jenny ang na-estatwa. Pero saglit lang. Inisip nya na baka na-realize ng matanda na ang Lola nya ang tinutukoy nya dahil nga nakatingin sya sa kulubot na balat nito.

     "It's okay. Nangyayari talaga ang mga bagay na minsan hindi naman natin gustong mangyari. I already accepted it." Ani Jenny. Ano pa nga ba magagawa nya. Nangyari na. Sana lang ay laging ligtas ang kanyang Lola.

REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon