Chapter Eleven -NEW HOUSE

1.4K 67 1
                                    

Chapter  11 - New house

      "Announcement for all students of senior high na ga-graduate, mag-isip-isip na kayo kung anung kurso ang kukunin nyo pagdating sa koloheyo." Boses yun ng kanilang adviser na kasalukuyang kinukolekta ang mga sagutang papel. "At, ipapaskil nalang sa school forum ang mga pangalan at puntos nyo sa pagsusulit. So sana lahat mag pakabait at maghintay." Anito.

     Nakalimutan ni Jenny, huling taon nya na lang pala sa high school. Kahit papano naiganti nya ang tunay na Jenny sa mga umabuso dito. Hindi na masama.

     "Maaga pa para sa lunch, ano gagawin natin?" It's Lui..

    Napaisip si Jenny. Bukas pwede nya na ilabas ang Mama nya sa Ospital. Kung babalik sila sa dati nilang tinitirhan it's dangerous. Hindi nya pa alam kung sino-sino ang mga tauhan ng pinaka-pinunu ng loan sharks. At ayaw nya na rin alamin pa dahil sinuguro naman ni Zion na ito na ang bahala.

    "May kailangan akong puntahan. Gusto mo sumama?" Balik tanong nya sa kaibigan.

    "Hmmm-hmmm" tumango-tango na sagot naman ni Lui.

   "Fix your things. "

    Kumilos naman ito. Inayos nito ang gamit na dala sa school.

    "Okay na ako."

    "En. Let's go.

Sukbit ang back pack nya, lumabas na sila ng room. Titingnan nalang nya sa forum mamaya ang resulta ng kanilang exam. Sakto paglabas nila ng room ay hinarang sila ng ibang studyante. Automatic na napakunot noo si Jenny.

    " Ano to?" Seryosong tanung nya.

   "Boss, wag ka mag-alala hindi kami humarang para gumawa ng gulo." Medyo alanganing paliwanag ng isa sa mga studyante. Napahawak naman si Lui sa laylayan ng blusa nya.

      "...then?

      " Gusto lang namin magpasalamat sayo dahil kahit papano, nakaganti rin kami sa grupo nila Joseph sa pamamagitan mo. Thank you Boss!" Sabay-sabay pa itong yumuko ng bahagya.
       "Thank you talaga boss Jenny. Akala namin wala ng makakatalo pa sa grupo nila Joseph." Dugtong pa ng isa.

Natameme naman si Jenny na hindi alam ang isasagot. She killed too many people before but no one thanked her.

      "Alright... Just live well from now on" aniya.. " and stop blocking my way. Kailangan ko ng makalabas."

     "Yessss boss Jenny! " sabay-sabay na sigaw ng mga ito na nagpalingon sa ibang studyante na lumalakad. Humawan naman ang mga ito para bigyan sya ng mararaanan.

     Walang lingon-likod na nagpatuloy sya sa paglalakad kasunod si Lui na panay kaway sa mga studyante na naiwan. Anlapad ng ngiti nito ng lingonin nya.

      "? "

      "..... Hehe.. Ang astig mo dun jen-jen." Nababakas ang saya sa mukha ng kaibigan.

      "Oh?!"

    "Oo nga! Boss pa tawag nila sayo." Excited parin ang tono ng boses ng dalagita.

    "En."  Yun lang reaksyon nya.

    "So, saan tayo pupunta?" Pagpalit topic ni Lui.

    "Basta sumunod ka lang."

    "Okay." Nakahawak ito sa kamay nya habang sumusunod sa kanya.

      Pinara nya ang taxi na nakita nya saka sila sumakay dun.

    "BSP, please. " aniya sa driver. Pinaandar na nito ulit ang sasakyan. Kinalabit naman sya ni lui.

    "BSP? Jen-jen, ano gagawin natin dun? BSP is a bank."

REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon