Chapter 22- PROVOKING THE MORON

1.5K 66 0
                                    

         "We won the game.. That's why we slept there!" Pulang-pula ang mukha na pagdidiin ni Aron habang pinag-hahampas ng libro si Edgar. Ayun sa kwento ng mga ito. Naglaro pa ng rock, paper and scissor ang mga ito bago matulog kagabi dahil hindi alam kung sino ang matutulog sa kama. Normal naman ang lahat not until this morning. Naabutan daw nina Edgar at Cain si Aron na natutulog yakap-yakap ni Tommy. At doon na nga nagsimula ang alaskahan ng grupo. Tommy is just sitting in the sofa without even caring while watching Aron hitting Edgar.
     32 years old na si Tommy so malamang hindi na ito apektado sa children's play. But.. That look on his face while watching Aron.. Is he really not care?

       "Alright, alright. That's enough." Awat ni Zion.

Natigil naman sa paghahabulan ang mga ito.

     "I'm planning to extend my stay here. " maya ay sabi ni Jenny. "Since it's already check out time and we still here.." Dugtong pa nya.

    12:00 noon dapat naka check out kana kung aalis ka sa hotel pagkatapos ng isang gabing pananatili mo doon. Dahil kung hindi pa, wala kang pagpipilian kundi ang magbayad ng extended stay mo sa lugar. Tatawagan nya na lang mamaya ang kanyang ina para ipaalam dito ang sitwasyon nya nang sa gayon ay hindi na ito mag-alala. Kailangan nya rin naman lakarin ang school na paglilipatan nila Lui. Graduation day will be held next month and that is 2 weeks from now. At isa pa.. Kailangan nyang bigyan ng guide point si Kevin kung anong dapat nitong gagawin sa companies ng mga DeCordova.

    "Ahmmm little Boss, " tawag sa kanya ni Aron. "Nanalo ka sa Gambling kagabi, so baka pwedeng.... Aray!" Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil binatukan na ito ni Zion.

   Right.. Muntik nya ng makalimutan. P-in-ro-tektahan nga pala sya ng mga ito kagabi. At partners in crime nya naring matatawag. Tiningnan nya si Zion na inutusan si Aron mag push-up 100 times.

     "Hmmm... Okay. Then. Let's go shopping?" Aniya. Kailangan nyang mamili ng iba pang kailangan sa bahay nila. Simula sa gamit ng mga taong kasama nya, hanggang sa appliances na kailangan sa bahay.
     
    Marami-rami syang lalakarin ngayong araw. Hindi nya alam kung kakayanin nya bang tapusin bago dumating ang oras ng kanyang pagtulog ulit mamayang gabi.
    Nagsimula syang tumalikod para muling bumalik sa sariling kwarto. Binilinan nya lang ang mga ito na magbihis para makaalis sila pagkatapos ni Cain sa ginagawa. Nagpaiwan si Zion sa loob ng kwarto ng mga tauhan nito para daw mag-briefing.
      Bakit nga ba kumportable sya sa presensya ni Zion at sa mga tauhan nito? Well siguro dahil alam ng mga ito ang kakayahan niya. Kumbaga halos wala syang naitatago maliban sa hindi sya ang totoong Jenny, na dati syang Reyes at may Phoenix sya sa loob ng kanyang kamalayan.
        Kumpara kay David na naging close ng buong pamilya nya dahil lagi itong tumutulong sa mama nya. Hindi kilala ng pamilya nya si Zion. Walang malay ang kanyang ina ng pumunta si Zion sa Ospital. Ang alam lang ng kanyang ina ay may tumulong sa kanilang mag-ina.
        Tinawagan nya ang kanyang ina habang pumapasok sa sariling kwarto. Naunawaan naman nito ang paliwanag nya basta daw mag-iingat sya. Napag-alaman nya busy ang mga ito mag linis ng bahay. Tumawag dito si Raffy kaninang umaga dahil hindi sya makontak. Sinabi na darating ngayong araw ang limang katulong at dalawang hardinero.

     "Good." Sagot nya sa ina saka nagpaalam narin dito. Kailangan nyang mag asikaso.

Pinuntahan nya ang conference room.. Patapos narin ang tatlo sa pagkalap ng ibedensya. Magaling talaga si Cain pagdating sa hacking. He managed to get the clear evidence against chairman's son. Simula sa pagpasok ng mga ito sa hotel hanggang sa pagkabit ng hidden camera. Kinuha nya ang data na galing mismo sa data control ng nagkabit ng hidden camera.

       "You all can get out, after here. I need to get ready dahil lalabas kami." Aniya "and Cain, you should also change your clothes. We will go to shopping." Dugtong pa nya. Hindi nya na hinintay na makasagot ang presidente ng hotel at lumabas na sya ulit ng conference room.

REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon