Chapter Ten - School exam

1.5K 74 1
                                    

    It's already 11:36 ng makapasok sya sa hospital room ng kanyang Ina. Mga nurses na naka night shift ang mga nasasalubong nya na hindi maalis ang paningin sa kanya habang lumalakad sya sa pasilyo ng hospital. Paano ba naman, nakasuot parin sya ng red gown na suot-suot nya sa casino kanina. Naabutan nya si Marie na nakahiga sa bakanteng kama na nasa kabilang side ng kwartong yun. Nilingon nya ang side ng kanyang ina. She's sleeping. Dumiritso sya sa may banyo saka nag simulang mag bihis. David is too kind to give them private room. Kahit hindi nya rin maintindihan kung bakit tinutulungan sya nito. Kinuha nya ang kanyang phone at nag type ng mensahe para sa nasabing doctor. The message is short and simple.

   "I'm back and I can pay."

   Muli nyang ibinalik sa pouch ang kanyang phone saka lumabas ng banyo. Gising na si Marie. Marahil ay nakangising ito dahil sa kaluskos na ginagawa nya sa banyo.

   "Ma'am.. Nakabalik na po pala kayo." Pupungas-pungas na bati nito sa kanya.

   "En."  Napatingin sya sa orasan na nakasabit sa ding ding. "It's already midnight.. You can continue sleeping." Ani nya rito.

    "Okay po." 

   Mukhang pagod rin ang dalagang nurse sa pagbantay sa kanyang ina. Base sa obserbasyon nya, nagkamalay ang kanyang ina dahil bago na ang damit na suot nito. Hindi na sya nakakuha pa ng damit sa bahay nila dahil nagmamadali na sila kanina nila Zion. Kaya nakakasiguro syang si Marie ang bumili ng damit ayun sa utos ni David. Napangiti si Margaret. Well, she's indebted too much to him now.

    "Tomorrow, don't leave until I wake up. I've something to give you." Lingon nya kay Marie.

   "Yes maam." Sagot ulit neto. Saka muling nagpatuloy sa pag tulog.

   She's also lay down on the sofa.. Pagod din sya and tomorrow, kailangan nyang pumasok sa school ng maaga for school examination. Mabilis syang nakatulog kaagad dahil sa pagod.

Next day.

   Nakagising sya dahil sa mahinang mga boses na nag uusap sa loob ng kwarto. Una nyang tiningnan ang orasan sa ding-ding. 6:00 in the morning. Gumalaw sya para maparating sa mga tao na gising na sya.

     "Jenny.. Anak.. Gising kana.." Her mothers voice is so gentle..

     "En. Good morning." Bati nya dito gamit ang boses ng bagong gising. Tumayo sya at lumapit dito, giving her a kiss on the forehead. Nanibago naman ang kanyang ina sa inasal nya pero saglit lang. Masaya pa itong yumakap sa kanya.

    "Sabi ni Marie, wala daw akong malay ng dalhin dito sa ospital.. Pati daw ikaw, na kidnap dahil sinubukan mo akong hanapin. I'm sorry anak.. Pati ikaw muntik ng mapahamak." Mangiyak-ngiyak na pahayag ng ina.

    "Wag mo na isipin yun. Ang importante ligtas ka, ligtas tayong dalawa." Sagot nya habang hinahaplos ang pisngi ng ina. "Anyway, Marie," lingon nya sa dalaga. "Order some food for our breakfast.. Good for three people."

    "Yes.. Ma'am. O-order din po ba ako ng kape?" Tanong nito habang kinukuha ang phone nito sa kama na hinigaan nito kagabi.

    "En." Sagot nya. Bumitaw sya sa yakap ng ina. "I don't eat fried rice.. So order plain rice for me. Ask my mom what she wants.. And order for yourself too. Let's eat together." Aniya. "I'm going to take a bath now. I need to go to school.. May exam ako ngayon Ma." Lingon nya sa kanyang ina.

   "Ah- okay.. Okay anak" sagot nito bagamat ang mga mata ay puno ng katanungan.

    "Wag kang mag-alala  everything's fine now. And so in the future. So, stop worrying too much from now on." Paniniguro nya sa ina.

REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon