Chapter 41- The mystery of the Twins
"Humihingi ako ng paumanhin sa biglaang pagdalaw ko, sa totoo lang po hindi ko alam na may bago ng may-ari ang bahay na ito kung hindi pa binanggit sa akin ng mga anak ko." Sinisikap ng kaharap na maging normal.
"May dalawa akong anak, kambal." Anito panay ang hawak nito sa daliri at panay din ang sulyap sa kung saan.
Sunundan ni Jenny ang tinitingnan ng lalake. Sumusulyap ito sa isa sa bodyguards nito.
"Please tell me immediately what is the reason you came here." Nakakaramdam na ng pagka-inis si Jenny.
"Sorry, napilitan lang din akong pumunta dito dahil sa utos ng dalawa kong kambal. " anito. "To be honest I'm afraid of them." Dugtong pa nito. "Pero mga anak ko sila kaya hindi ko rin pwedeng isuko na lang sa gobyerno."
Natigilan si Jenny.. Nakayuko na kasi ang lalake at nakita nyang umiiyak ito. He looks so depressed. Sininyasan ni Jenny si Edgar. Lumapit naman sa kanya ang lalake. Inutusan nya itong kumuha ng meryenda sa loob ng bahay.
Nang makaalis na si Edgar saka si Jenny nagsalita ulit.
"Bakit ka takot sa mga anak mo? Are they bad? Bullies?"
"No!" Napatingin ito sa kanya. "They're nice kids.. I'm sure of it.. It's just that.. They can't control it.. They don't know how to control it.."
Sasabog na ata ulo ni Jenny sa pagsisikap na buoin ang puzzle na binibigay sa kanya ng kausap.
"They can't control what?" Tanong nya dito.
"Paano ko ba sasabihin sayo. They said I have to trust you but... I'm afraid for their safety."
Huh! Konti na lang. Palalayasin nya na ito. Pwede namang sabihin na lang sa kanya agad kung ano ba talaga ang pakay nito.
"Bring them to me.. I think yan ang tama na gawin mo ngayon Sir." Pinag-diinan ni Jenny ang salitang Sir. Gusto nyang iparamdam sa lalake na naiinis na sya.
"Yes.. Yes.." Natatarantang kinuha nito ang cellphone saka nag dial. Narinig nyang may babaeng sumagot.. Asawa ata ng Mayor.. "Bring them here.." Utos nito sa kausap.
Ilang sandali pa ay napaangat ito ng tingin.. Kaya napalingon din si Jenny sa tinitingnan nito.
Hindi kaagad nakapag salita ang dalaga. Kasama ng isang may edad ng babae ang dalawang binatilyo na palagay nya ay ka edad nya lang or matanda sa kanya ng isang taon. Naka suot ang mga ito ng basang-basa na makapal na jacket at pants. Automatic na napakunot ang noo nya.. Saka sya napalingon sa Mayor. Nakita nyang napalunok lang ito ng sariling laway. Tiningnan nya naman ang babaeng kasabay ng kambal. Bagamat nakaalalay ito sa mga anak ay makikita rin ang pag-aalala at takot sa mukha nito.Inilipat ni Jenny ang tingin sa dalawa. She has no choice then. Kung hindi kayang sabihin sa kanya then aalamin nya mag isa.. She activated her Phoenix eyes.
Napahawak si Jenny sa sandalan ng upuan ng matuklasan nya ang lihim na gustong sabihin sa kanya ng Mayor.
"No way..." Aniya... Iginala nya ang tingin sa mga magulang ng kambal pero wala syang makitang trace sa mga ito.
Mabilis nyang dinampot ang kanyang cellphone at tinawagan si Tommy..
"Anong building ang pwedeng gamitin ngayon dyan?" Aniya..
"Yung sa dulo Boss." Sagot naman nito.. Mabilis nyang ibinaba ang linya.
Saka tumingin sa apat na kaharap.
BINABASA MO ANG
REVENGE JOURNEY OF THE PHOENIX (Season 1-2)
AzionePHOENIX pangalan ng grupo na pinakamagaling pagdating sa assassination, grupo na kinabibilangan ni Margaret Reyes. Isa sa tinaguriang eyes of Phoenix dahil sa pambihira nitong galing. Subalit ang titulo din nyang iyon ang nagdala sa kanya sa pintuan...